|
Pagdating sa Dayao, na halos lakad lang ginawa ko, andun sa labas ang kakilala ko. Nagyoyosi mag-isa. Kumaway siya sa akin nang makitang patawid ako at patungo sa nasabing punerarya. 'Antagal mo naman,' bungad niya. 'Nasa loob yung bangkay. Andun din girlfriend niya. Kung ayaw mong maniwala hawak niya ang mga manuscript niya para sa mga susunod niyang libro.' 'Samahan mo ko. Di ko kilala ang tao,' sinabi ko sa kanya habang tinitingnan ang information na nakalagay sa namayapa. Ernesto John Ong. Yan ang pangalan niya. Wala na rin akong pakialam kung kelan siya namatay at kung kelan ang libing. Ang sa akin, maipagmamayabang ko na Ernesto John Ong ang tunay na pangalan ni Bob Ong. Sumilip ako sa loob, lilima pa lang ang tao. Nasa tapat ng isang bronze na kabaong ang isang balingkinitan na babae. Nakasuot ng pink na blouse na tinatakpan ng nakalugay na mahabang buhok. Yun ang girlfriend sa isip-isip ko. 'Kanina lang dinala yan. Yung mga kamag-anak nasa probinsya, siya lang dito sa Manila. Eccentric yan tulad ng gf.' 'Pareho pala kayo,' pang-aalaska ko sa kaibigan. 'Gago! Pumasok ka,' hirit niya. Dumiretso ako para makiramay (at makiusyoso). Sa loob, may dalawang matandang babae ang nag-uusap at umiinom ng Zest-o. Noong binurol ang pinsan ko sa nasabing punerarya andun din ang mga ito. Nang binurol din ang anak ng kakilala namin dito, nandito rin ang dalawa. Tiningnan ko sila. Napansin nila ako, at sabay silang tumango. Tango ng pakikiramay. May dalawa ring babae ang nasa sulok, masinsinang nag-uusap. Pero di tulad ng dalawang matanda, nasa early at mid-twenties ang mga ito. Kamag-anak ata na narito sa Manila ang dalawa o di kaya kaopisina ni Bob Ong. Dumiretso ako sa bronze na kabaong. Sinulyapan ang nakahimlay. Matabang lalaki si Bob Ong, gaya ng naiisip ko. Hindi singkit ang mata at may katangusan ang ilong. Mas mukhang mestiso pa nga siya. Yung pagkakamake-up sa kanya maganda rin ang pagkakayari. Magaling magmasahe ang embalsamador dito sa Dayao at nakukuhang gawing kalmado ang mukha ng mga namayapa. Ang pinsan ko nga namatay nang nauubusan ng dugo pero nagawan pa rin ng paraan na magmukhang malusog ang kanyang bangkay. Nag-antada ako at pumikit, kunyaring nagdarasal. Muli akong nag-antada upang sarhan ang pagpapanggap. Paglingon ko, nakita ko ang babaeng nakaupo sa tapat ng kabaong. Nakatingin siya sa akin. Namumula ang mata. Ngumiti ako at nilapitan siya. 'Condolence,' ito ang nasabi ko sa kanya. 'Salamat. Kaibigan ka ba ni Bob?' tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot. 'Tagahanga lang,' at may namuong ngiti sa labi niya. 'Halika, maupo ka rito,' pag-aanyaya niya. Mula sa katabi niyang Jansport na bag, may dinukot siya. Isang folder. 'Heto ang bago niyang libro.' Tumango ako. 'Kanina, may nangholdap sa dyip na sinasakyan namin. May baril at balisong ang mga holdaper. Kinuha nila lahat ng gamit namin, pati ang bag ni Bob,' at nagsimula na siyang humikbi. Naiintindihan ko naman yun. Hinaplos ko ang kanyang likod. May namuong katahimikan sa aming dalawa, at maya-maya lamang tumayo ako at nagpaalam. 'Labas lang ako. Andun kasi si James sa labas,' sabay tayo. Iniwan ko ang kasintahan ni Bob Ong na hawak ang kinaiingatang folder. Hindi ko masabi sa kanya na talagang alagad ng panitik si Bob Ong dahil sa hinayaan niyang wag maagaw sa kanya ang produkto ng kanyang paghihirap. Pero sadyang tanga si Bob Ong. Ano kaya kung yung manuscript na yun ang magdala ng karagdagang misteryo. Kakalat ang speculations na maaring yun ang obra maestra ng isang henyo na tulad ni Bob Ong, o maaring isang madramang libro yun at ang librong yun ang turning point sa career niya. Hindi ko masabi na mismong si Ernest Hemingway ay may nawalang nobela at yun ang kanyang obra maestra sabi ng ilan. Tumahimik na lang ako, 'yun lang ang tanging pakikiramay na magagawa ko. Nang nakauwi ako sa amin (na kailangan ko pang sabuyan ng asin bago pumasok sa bahay dala ng paniniwala) naisip ko na kailangan kong isulat ang isang maikli kong pakikitagpo kay Bob Ong. Hindi pananahimik ang maibibigay kong pakikiramay. Sa bilang ng mga naroroon sa lamay, hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang kanyang tagahanga. Nais kong mabigyan siya ng huling pagpupugay mula sa libo-libong tumangkilik ng kanyang mga akda. Mapasalamatan man lang sa huling pagkakataon ng ilang kabataang walang sawang sinasabing si Bob Ong ang kanilang paboritong author. Ang malaman ang kanyang pagkatao ng mga taong walang sawang nagtatanggal ng mga nakabalot na plastik sa mga libro niya para kahit sandali matakasan nila ang pagkabagot at mapatawa. Gusto ko itong ipaalam dahil hindi pananahimik ang maibibigay kong pakikiramay. (Sa makakabasa ng entry na to, wag ninyo akong tanungin kung kelan ang libing dahil sa hindi ko nga pinansin. Huwag kayong mag-alala babalik ako mamaya at tatandaan ang petsa. Sa makakapunta, lapitan lamang ninyo ako, marahil naka-blue o nakaputi akong T-shirt mamaya o bukas o sa mga susunod na araw.) ** kung naniwala ka sa mga sinulat ko sa taas, nagpapasalamat ako dahil kahit papaano naging succesful ang attempt ko na makagawa ng isang so-called metafiction. nakuha ko ang ideya na ito mula kay Bum. naisip kong ibahin ang personalidad na papatayin, marahil si Britney Spears. tumalon sa isang building dala ng depresyon ngunit mukhang hindi magiging effective ito sa kasalukuyang panahon. naalala mo pa ba na may mga kakilala kang babae na umiyak nang malamang namatay sa isang plane crash ang buong miyembro ng N*SYNC (o Backstreet Boys ata yun). sa panahong ito, mas mabilis sa tsismis sa kanto ang mga tunay na balita kaya kung sasabihin kong si Britney ay nagpakamatay, malamang walang maniwala sa akin. sino ba si Britney Spears para hindi pagpiyestahan ng mga tao. mas kilala pa siya kaysa kay Princess Diana. isang google search lang ng 'Britney Spears is Dead' malamang ilang libong hits ang humarap sa'yo. kaya heto, isang misteryosong personalidad ang ginawan ko ng ganitong kuwento baka makuha niya ang atensyon mo. gusto mong malaman kung sino si Bob Ong hindi ba, kaya mo binasa ang gawa-gawa ko. ganun lang kasimple. ginagatungan tayo ng ating kuryusidad para basahin ang isang akda. ** tama na ang panloloko, isa munang tula na nag-uugat sa panloloko ang ilalagay ko rito. ang maniwala sa unggoy ay unggoy ![]() |
| (o.0)? November 27, 2007 06:04 PM PST unang pgkbsa ko pa lng di na q naniniwla... hehe,, adik... pro ok pgkkgwa mu ah.. interstng.. mei nllman aq 2ngkol sknya gus2 mo mlaman? =) | ||
| Enrique June 29, 2007 03:57 PM PDT ayus lang yan kaath kahit nahuli ka kahit papaano ito ang hottest entry ko salamat kay bob ong. :D | ||
| kaaathh June 28, 2007 10:55 PM PDT haha . masyado na pala akong late dito . haha , nakakatawa . XD | ||
| kaaathh June 28, 2007 10:54 PM PDT wow , ayus ah . nakita ko lang 'to sa mga forums . title pa lang 'di na ako naniwala , pero ang sabi , basahin daw hanggang huli .. so , binasa ko nga . haha . tagahanga ni bob ong 'to e ! =D | ||
| Enrique April 20, 2007 06:57 PM PDT salamat sa comment. try try lang yan. | ||
| tsokolito April 20, 2007 04:49 PM PDT hahahaha nagpaparatice ng akda !! nice nice nice!! | ||
| Enrique April 13, 2007 06:32 PM PDT madaya ka. :D salamat sa comment. :) | ||
| ken April 13, 2007 08:34 AM PDT muntik na ko madale...ganun pa man, 1 point pa rin...hehe galing pre...di ko pa tapos basahin pero inuna ko na muna yung mga comments..hehehe | ||
| Enrique April 2, 2007 09:53 AM PDT si bob ong kinabahan. :D | ||
| BO April 1, 2007 02:48 PM PDT Whew! Akala ko patay na ko! | ||
| Enrique March 31, 2007 06:08 PM PDT hehehehe! langyang bob ong yan. salamat mo sa mga nadale ko. :D | ||
| pink March 31, 2007 02:33 PM PDT gagu ka enrique akala ko totoo na ;) | ||
| afterdeath March 31, 2007 10:08 AM PDT mejo kapanipaniwala...kaso binigla eh..kaya nakakapagtaka.. | ||
| Karen March 30, 2007 10:46 PM PDT hanep, muntik ko nang itext ang kaibigan ko haha galing :D | ||
| Enrique March 30, 2007 09:24 AM PDT salamat cha. sa totoo lang lokoloko akong tao. :D | ||
| cha March 29, 2007 10:18 PM PDT galing, nakakaloko,, nice one huh, buti na lang at binasa ko ng buo ang post mo,, | ||
| Enrique March 29, 2007 03:25 PM PDT salamat ninong. :) di ko pa alam yang kay orson scott card pero mukhang interesting. hanap ako ng kopya at nang mabasa. :) | ||
| ninong March 29, 2007 02:33 PM PDT ginoong enrique... malupit! muntik na akong madali... hehe... pero dahil sadyang maingat hindi ako naniwala hanggang hindi ko natapos... may ginawa rin parang ganito (metafiction) si Orson Scott Card... yung Lost Boys... walangjo, naguluhan nga ako dun nung una, hehe... akala ko may katotohanan kahit parang imposible. kasi iminerge nya sa buhay nya yung kwento... parang ganito rin. haha. mahusay! :D | ||
| Leave a Comment: |