|
** o sige, agitated ako tungkol sa usaping pulitika. bakit hindi, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos ito na lamang ang madidinig ninyo. i want a quality time para makapanood ng telenovela pero heto sila mike defensor, miguel zubiri, prospero pichay, manny villar, kiko pangilinan, loren legarda bombarding me with their clumsy and crappy political ads. walang malinaw na plataporma puro pagpapakyut. kahit nga sa radyo di na sila naawa. nagawa pa ng mga friends of zubiri na ipatugtog ang jingle niya sa nu. di naman natin masisi ang mga networks because they are doing it for business' sake pero naman kung lulubos lubusin na nila ang ganyan gumawa naman sila ng may dating hindi puro panggagarapal ang ginagawa (except tito sotto's ad, wala pa sa fraction of seconds yung mukha niya dun saka halatang crime prevention ang plataporma niya). ilan sa mga political ads na may dating yung kay raul rocco's presidential campaign at saka sa tambalang pareng juan flavier at mareng winnie monsod last 2001 election the same year lumabas ang 'sipag at tiyaga' ni manny villar na classic na inispoof ni michael v as 'sipa at tadyak'. ** mabuti pa si kiko, hindi pangilinan kundi montesena, isang kasamahan sa LIRA. nakapagpasa na siya para sa UST workshop samantalang ako di ko man lang natapos ang pagdedekonstrak sa ilang mitolohikal na nilalang. tanging si Santa Clause, Kupido, at Hanuman ang mga nagawa ko. yung kay Hanuman di pa nga ako solve dun. parang marami pang salik ang nawawala, hindi pa rin ganun kakonkreto ang argument na gusto kong ipalabas. sa ngayon, niluluto ko ang tula ayon sa Bakunawa at Minokawa. sana magawa ko ito ng maisali sa Iyas Writing Workshop kung hindi ko matapos ang mga binabalak na kuwento. ** approved na kahit papaano ang vacation leave para sa April 23 - 27. wala pang buong plano maliban sa (crossing my finger) Iyas Writing Workshop. kung hindi pumasa ayos lang siguro pahinga. isang long deserve vacation. pero binabalak ko rin ang mag-backpacking. sasakay lang ako ng bus at bahala na kung saan mapadpad. gagawin kong lagalag ang aking mga paa at magbubutas na rin ako ng bulsa. bahala na kung anong mangyari. ** kung may nakakapansing tsismoso ako ginagawa kong dahilan ang pagiging ECE graduate ko. may lima kaming electronic communication subjects at meron ding broadcasting at data communication kaya madali naming naikakalat ang hot items. biruan nga namin ng mga college friends ko lahat ng tsismis sa North building ng mapua nairarating namin sa tambayan namin sa fire exit sa south west. ang mga tagadala ng balita lalo na sa mga tsismis ng mag-on na mga professor ay kaming taga ECE. may isa pa kaming biruan kung paano malalaman kung sino ang nag-oocuppy ng isang room sa north third floor (balwarte ng School of EE-ECE-CoE). kapag dumating ka at ang klase ay tungkol sa babae ang usapan, malamang mga EE yun. namana na nila ang kamanyakan ng mga ME. dahil hindi na sila nalilibugan sa usapang kuryente. kapag dumating ka at seryosong usapang pang-relasyon siguradong COE ang mga nasa kuwarto. paano ba naman buong stay nila sa majoring puro computer software at hardware, matinding logic ang pinapaiiral nila kaya pati sa relasyon logic pa rin ang ginagamit. samantalang kung ang madidinig mo'y ganito 'talaga?! sila na ba? dati sila ni blank ah. nag-break na pala sila? bakit?' siguradong ECE ang mga yun. at ang itunuturong dahilan, gaya nang nasabi ko sa itaas. pero kung di uubra ang ganyang reasoning (ilan sa mga di kumakagat ay sila mao at claire ng LIRA) sinasabi kong fictionist ako at gusto kong malaman ang buhay ng iba't-ibang tao. kasi ang tsismis, walking book yan. bukas na libro ang buhay ng isang tao kapag napagtsismisan. ang sarap usisain, uriratin, pakialaman, o i-workshop. sa point of view ng isang fictionist, ang magagandang balangkas ay nagmumula sa tsismis. bakit naghiwalay si ganyan? si blank pala at si blank ay parehong blank. dito naiiformulate ang mga tanong na what-ifs? paano kung hindi nagkahiwalay sila? paano kung hindi parehong blank si blank at blank. mapapaglaruan ng manunulat o fictionist ang relasyon ng bawat isang eksena. mabibigyan niya ng bagong perspektiba ang kuwentong kanyang nasagap. at isa pa, hindi ba mas masarap makinig ng tsismis kaysa basahin ito. napa-conversational ng tono, casual at maari kang gumamit ng balbal. at pagkatapos ang tsismoso at tsismosa ang perpektong halimbawa ng unreliable narrator. maari nilang dugtungan o bawasan ang bawat balitang kanilang nasasagap. at sa parte ng tagapakinig nasa kanila na iyon kung paniniwalaan nila o hindi. settling a doubts sa kuwento. bakit nga ba nauwi sa tsismisan ang entry na 'to. dahil magandang halimbawa ito ng writing exercise. kapag may nadinig kang tsismis isulat mo ito sa tono ng nangtsitsismis. sa ganitong paraan mas mahahasa ang pagsusulat sa isang conventional at casual na kuwento. mas nagiging interesante lalo na sa mambabasang pinoy kung may mga phrases kang 'sabi ni', at 'daw'. ** matapos basahin ang akda ni Tadeusz Borowski na This Way To The Gas, Ladies and Gentlemen nagkaroon ako ng interest sa post-World War II Eastern Europe fiction. isa pa lamang ang meron ako at ito ang Tomb for Boris Davidovich ni Danilo Kis. kung may alam kayong ganito ang writings, maari po bang pakisabi. maraming salamat in advance. |
| SECLET .! July 23, 2009 10:25 PM PDT HAHAHA ,. TSiSMOSO NGA PEU ATiG A ?. PDE NA .! MAY LESSON DN . TAMAAN ANG MGA VOTERS . HAHAHA .. | ||
| Enrique March 9, 2007 08:07 AM PST maganda nga yung eklat na 'Patikim ng Pichay'. :D wala akong balita sa Dadaanin pero tanong natin kila Jonar o kaya kay Sir John Torralba, siya ata ang editor nun. :) | ||
| makoy March 8, 2007 11:45 AM PST oi en.. salamat pala't napaabisuhan mo ako 2nkol sa Dapitan.. di ko alam kung pwde dalawa kopya dun.. bk si sonny sendon pwde mahingan.. TWG sya e.. nga pala.. alam mo ba kung kelan nmn lalabas ung Dadaanin? sa mga campaign eklat pala, pwde ito "Patikim ng Pichay" napaka-bold and daring ng dating.. | ||
| Enrique March 7, 2007 05:27 PM PST wala talagang lusot kay claire. hehehehe! | ||
| Claire March 6, 2007 01:48 PM PST Tsk, tsk, tsk. Di pa rin ako solb. Basta tsismoso, period. Wag nang gamiting excuse ang course at ang pagiging writer. =) | ||
| Enrique February 27, 2007 11:51 AM PST siyempre. sisingilin kita kapag nagkita tayo. :D | ||
| Kiko February 27, 2007 09:11 AM PST sus, at gawing extra ba ang pangalan ko sa entry na ito :). | ||
| Enrique February 26, 2007 03:20 PM PST siguro closet tsismoso at menyek ang mga COE. :D hanggang sa balwarte lang nila pero di nakikialam sa iba pang department di gaya ng dalawang course. :) | ||
| ninong February 25, 2007 06:01 PM PST medyo may tama ka sa pagkakaiba ng EE, ECE at COE... hahaha... COE ako... hehe... pero marami ring tsimoso dun... at mukhang palda... :D hehe... | ||
| Leave a Comment: |