Entry: [Rebyu] Ligalig Friday, December 29, 2006



What makes Pinoy Christmas special ay ang MMFF. Siyempre lahat ng bata sa Manila ay nakadiskarte sa pamamasko. Isama mo pa na quality times ito para sa pamilya, kaya sige sugod sila sa mga sinehan para manood ng mga pelikulang Filipino. Ang huling taong nakapanood ako kasama ang Tatay ko ay noong Okey Ka Fairy Ko, yung first episode, sa lumang sinehan sa Odeon sa may Recto Ave.
Dahil sa kumikita na ako, gusto ko rin magrelax kaya galing sa bahay nila Mommy Angel Zyrah dumiretso kami sa SM Southmall kung saan nakipagkita muna kami sa college kabarkada ko na si Bernard para kunin ang naiwan kong mga libro sa bahay nila Alix. Matapos makuha, nagdecide na kami ng girlfriend ko na manood ng sine despite na inaantok siya. Dalawa lang ang pelikulang gusto kong panoorin – ‘Ligalig’ at ‘Kasal, Kasali, Kasalo’. Ligalig ang first choice ko dahil sa admit it film noir ito. Sa poster pa lang halata mo na. Sige, film-noir slasher flick para mas okey ang pag-claclassify natin sa kanya. Gusto naman ni Mommy Angel na yung ‘KKK’ ang panoorin, obviously dahil crush niya si Ryan Agoncillo.

Dahil ako naman ang magbabayad, ako ang masusunod. Nanood kami nang Ligalig.
Ligalig is my top choice to win the Best Picture Award. Technicals palang niya mapapamura ka na. Film-noir talaga ang treatment sa kanya, at kung papansinin nang maiigi, high definition digital camera ang ginamit saka inilipat sa film. Kaya buong-buo ang paggawa ng mga effects. Superb ang cinematography. Alam mo yung feeling na talagang dark ang atmosphere, from the opening sequence sa motel hanggang sa confrontation ng mga character nila Johnny Delgado at Cesar Montano. Familiar ako sa mga gawa nila Alfred Hithcock, at isa sa mga signature ng mga film noir ay ang halos di gumagalaw na mga sasakyan ngunit yung background lang ang tumatakbo. Yung taxi sequence nang papunta sila Junior sa bahay nila Sunshine Cruz, doon mo makikita ang galing ni Cesar at ng Director of Photography. Isa pa ay ang paggamit ng mga fog. Ang pulido ng takbo ng treatment sa kulay, pati na rin sa galaw ng camera. Nagulat ako dahil natural ang dating ng fog sa pelikula. Mas nagdagdag epekto ito sa pagiging noir ng Ligalig. Idagdag pa rito ang angas ng sounds at background music. Isa sa paborito kong pelikula ay ang ‘Fight Club’, di naman siya film-noir pero halatang isa ito sa mga inspiration ni Cesar lalo na sa sound editing (pay attention sa closing credit, parehong pareho sa Fight Club, akala ko nga The Pixies din ang tumutugtog).

Gaya ng mga ibang film-noir dapat mabilisan ang pacing kuwento. Isang araw lang naganap ang kuwento pero alam mong isang araw naganap yun dahil sa tight ng editing para makagawa ng mas mabilis ang galaw ng istorya. Maayos naman ang script yun nga lang may mga dialogue na off ako. Para bang hinahabol ni Cesar na manalo ng Villegas Award kung puro pang-soap opera ang mga linya ng mga characters simula sa character ni Rebecca Lusterio (yung bata sa Muro-Ami) hanggang sa pinaka-crucial na confrontations. Di nga rin kinalimutan ni Cesar na mag-pay tribute sa pinakagasgas na linya para sa mga slasher flicks na ‘you can run, but you can’t hide’.
Commendable naman talaga ang story, pero hindi talaga market ito para sa mga spoon fed brain Pinoy. Kung di ka sanay manood ng mga pelikulang tulad nito (o mahilig man lang magbasa) di mo kaagad makukuha ang twist ng kuwento. Semi-spoiler lang, apat na sequence ang dapat mong abangan para makuha ang twist:
1.) Ang motel sequence. May naganap na patayan sa motel, samantalang katatapos lang ni Junior makipagtalik sa isang prosti (Gwen Garci). (Nagustuhan ko ang batuhan ng dialogues nila ni Cesar)
2.) Ang sequence na pauwi sila Trixie sa kanila. Sakay sa isang lumang kotse, kumakanta si Johnny Delgado ng theme song ng Bagong Lipunan, sinabi ang kanyang pangalan at nagsaludo. Nag-cut ang scene kila Cesar kung saan inaalok siya ng tubig ni Toti (Katya Santos) dahil katatapos lang daw nitong kumanta.
3.) Pagsuot ni Junior ng headgear na ibinigay ng character ni Max (John Regala) sa harap ng salamin, naroroon ang reflection ni Johnny Delgado.
4.) Ang paglapag ng camera ni Toti sa lamesita pagkatapos nitong umuwi at habang katatapos pa lang ng patayan.

Hands down ako kay Cesar para sa pagdirehe niya sa pelikulang ito. Isa sa key factor kung paano magiging successful ang isang film-noir ay ang pagdevelop ng ilang patayan. Tahimik ang patayan dito. Walang sumisigaw habang iniisa-isa sila. Nakakadagdag sa cold bloodedness ng killer ang ganitong epekto habang unti-unti niyang pinapatay ang mga characters. In case naman kay Max, isang gilit sa leeg ang tumapos sa kanya habang inuubos ang isang round ng machine gun (mahina ako sa baril). Dito, may ballet ng violence na ipinapakita. Mas nagbigay ito ng dagdag takot.
Hindi rin miscast ang pelikula. Commendable si Celia Rodriguez bilang Mamang. Sa itsura pa lang niya, lalo na ang nanlilisik na mata, nakakatakot na paano kung lalagyan mo pa ng shotgun, pero may pa-cool effect pa rin dahil sa tabako at headset ng walkman (CD) na nakalagay lagi sa tainga. Ang character na si Max na war shocked na sundalo’y isinulat para lamang kay John Regala. At ano pa bang ihihirit ko para sa mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano. Noteworthy si Johnny Delgado bilang cold hearted killer. Sa paglalakad pa lang niya alam mo nang naglalabas na kaagad siya ng aura ng hilakbot. At si Bayani, siya na mismo ang comic relief, pampagaan sa tensyonadong pelikula.

Isa sa napansin ko sa pelikula ay ang sponsor. Subtle ang paglitaw ng mga sponsors dito na di mo man lang mamalayan, kasama na pala sila. Si Trixie ay nagtratrabaho sa Calayan Clinic at mismong si Dr Calayan ay nasa pelikula. Lumabas din ang TM at kung sisipatin nang maayos, ang cellphone na gamit ni Cesar sa kanyang commercial para sa network subscriber ay siya ring cellphone na gamit ni Junior. Ang Mega sardines ay makikita sa mga banner sa tindahan ni Inggo (Bayani Agbayani) na normal naman talagang nakikita sa mga tindahan. Ang medyo lantaran nga lang ay ang Espenili. Mula sa T-shirt ni Max hanggang sa shotgun ni Mamang.

Matapos mapanood ang Ligalig, napatanong ako, handa na ba tayong mga Pinoy sa ganitong uri ng genre. Kung tutuusin, iilan lang ang nanood pero sigurado ako may fulfillment sila na sulit ang kanilang binayad para sa pelikula.

   7 comments

Enrique
January 18, 2007   03:03 PM PST
 
ken si erik matti ngayon ang creator ng isang fantaserye sa abs yung rounin. kasi naman si cesar, gusto karerin pati pagsusulat. tapos kumuha pa siya ng co-writer di naman siya masuportahan ng magagandang dialogues.
ken
January 17, 2007   02:55 PM PST
 
buti na lang nkalimutan ko yung spoilers mo.hindi na-spoil yung twist nung nanood ako.=] akala ko magiging 'highwaymen' sa huli,'fight club' pla..

ok na rin yung pag-gamit ng digital backlot dun sa scene na nagdrive si cesar. yun nga lng madaling mahalata kasi araw yung scene. tingin ko kasi mas effective yun kung madilim o kaya e gabi yung scene. pero dahil local film, ok na rin. ganun din yung ginamit na estilo sa 'dilim', pero black and white naman yung movie.

tama ka, medyo may konting mintis sa dialogue. naalala ko tuloy yung 'dos ekis' ni erik matti...galing kasi ng mga dialogues dun. teka, asan na nga pala si erik matti?
Enrique
January 15, 2007   02:26 PM PST
 
nakakabahala lang kasi yung sa EK3 yung lantarang pag-aadvertise ng mga sponsors. lumalayo ako, hehehe...

sa akin di ko prinoblema yung pagseseperate ng identity/entity ni johnny delgado at cesar montano. medyo familiar ako sa ganitong approach take goodness sa 'fight club'. ang di ko lang matake ay yung kabaduyan ng mga dialogues. pero sulit talaga siya. kailangan kong panoorin ang KKK. naiintriga talaga ako. :)
lastdodobird
January 9, 2007   09:17 AM PST
 
It's this review that pushed me to watch Ligalig. Thanks man. Nung nagsimula yung MMFF, dalawang palawang pelikula lang talaga ang balak ko panoorin: Super Noypi, just because it was Quark Henares, although it eventually turned out to be a disappointment; and KKK, because the they got me with the trailer, and it really proved to be a well made romance-comedy.

Yung Ligalig pinagiisipan ko pa, but it seemed like it was one of the more decent movies of the festival, pero hindi ko pa matulak yung sarili kong panoorin (Lalo na't halos masuka ako dahil pinatos ko yung EK3). Then I read this, among a few other reviews, and said to myself that it may actually be worth watching - and it really is!

The only thing about the movie that I can criticize is that imho, Cesar Montano overdid the effects... okay na idea yung pagiiba-iba ng camera angles while shooting the car scenes, pero sumobra... okay din yung mga camera effects, pero parang sumobra din. (I'll elaborate more if and when I decide to review it on my blog)

Another thing is that may minor loophole yung plot: Pag pinanood mo yung movie, para bang physically separate entities yung character ni Johnny Delgado at Cesar Montano, so hindi ko ma-reconcile kung paano sila naging iisang tao lang (again, I'll elaborate more if and when I decide to review it on my blog)

Cheers!
Enrique
January 2, 2007   09:19 AM PST
 
makoy: oo nga puwedeng maging metafiction ang dating n'yan.

ken: medyo arthouse film yung panaghoy tapos biglaan ang pagdating ng pop action flick sa dulo. :)
ken
January 2, 2007   09:08 AM PST
 
di ko pa natatapos basahin tong rebyu mo e napapa-"tag-ina!" na ko at gusto ko nang pumunta sa sinehan...

ayoko na kasing pagsisihan ulit kung bakit di man lang ako nag-effort na mapanood and Panaghoy sa Suba last year (kelan kaya may susugal na i-release ito sa video?)

haayy..sana sabado na.salamat sa rebyu, heto tatapusin ko na.

makoy
December 30, 2006   07:21 PM PST
 
naku pag kasama mo siguro ako manuod mababatukan mo ako dahil pag gus2 ko tlg magkwento hndi mko mapipigilan.. wahahaha!

cge yan lng ang panunuorin ko sa lahat ng mga peliks sa MMFF..


"Isa sa napansin ko sa pelikula ay ang sponsor. Subtle ang paglitaw ng mga sponsors dito na di mo man lang mamalayan, kasama na pala sila. Si Trixie ay nagtratrabaho sa Calayan Clinic at mismong si Dr Calayan ay nasa pelikula. Lumabas din ang TM at kung sisipatin nang maayos, ang cellphone na gamit ni Cesar sa kanyang commercial para sa network subscriber ay siya ring cellphone na gamit ni Junior. Ang Mega sardines ay makikita sa mga banner sa tindahan ni Inggo (Bayani Agbayani) na normal naman talagang nakikita sa mga tindahan. Ang medyo lantaran nga lang ay ang Espenili. Mula sa T-shirt ni Max hanggang sa shotgun ni Mamang. "

--metafiction ata ito.. hahahaha!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments