|
Ok mga girls and boys na mahilig makipagyugyugan, lapit na ng end of the year kaya naglalabasan na naman ang mga Top ek-ek. Sa pagkakataon na ito, na tripan ko ang gumawa ng list para sa Limang Pinakamaangas na Single ng Isang Female Fronted Band, at sa pagkakataong din ito kasama sa criteria ko ang, guess what, testosterone. Malaking factor kasi sa akin ang salitang Hot, at kapag sinabi kong Hot kailangan ganito - Cute, Riotous, Hypnotizing, Mesmerizing, at Orgasmic. Sa mga adjectives na to ang isa sa mga basis ko kung bakit ko sila pinili. So kung ganito pala ang criteria eh mag-uunahan na ang mga Baywalk Bodies, Viva Hotbabe at Sex Bomb sa listahan na ito? Kunting reality check, siyempre kasama rin ang angas ng single na inilabas nila. Critics choice din ika nga. So tama na ang dakdak at heto na ang listahan ng mga nakapasok sa Top Five Hottest Single by a Female Fronted Band: Charm Me by Wake Up Your Seatmate This quartet of all girl rockers from St. Scholastica has something to prove. Naging finalist sila last year sa Soundskool ng Nescafe pero di sila nagpatalo. They managed to have a certain cult followers (mga kolehiyalas at naghahabol sa mga kolehiyalas) they pulled to have an album this year. Charm Me was the first single from their self-titled debut album (wow parang pang-18th birthday). Natuwa ako noong una kung napakinggan ang track na 'to dahil sa ibinabandera nila na, CHARM ME! Oo, tama ka, akitin mo raw siya and I find it CUTE. Ang track na ito ay maaring pumasa bilang isang ehhrmmm... sanitary napkin jingle. Pero in fairness, ayus ang arrangement ng kantang 'to, catchy din ang melody. Ang drawback nga lang ng awiting ito ay mahirap na di siya maikumpara sa mga awitin nila Kitchie Nadal at Barbie Almabis, ngunit, take note sa ngunit may edge sila dahil I find this song na pa-cute talaga, umaaamin na pa-cute. Walang pretensions. Sige para ma-entice kayo heto ang picture nila: Try na rin ninyo bisitahin ang kanilang myspace account at bumili na rin kayo ng kanilang album. (Take note: Ang kanilang second single na 'Panaginip' ay isa sa mga nagustuhan kung awitin ng isang female-fronted powerpop band) Molotov by Narda Kapag pumapasok ako sa trabahong dala-dala ang Discotillion album ng Narda, marami ang nagtatanong sa akin na ka-opisina. "May Narda ba talagang banda?" Siyempre oo ang sagot ko. Tapos hihirit sila, "Ano ang genre nila?" Isang maikling "PANTY PUNK" ang sagot ko. Hindi ko talaga nasubaybayan ang ebolusyon sa musika ng Narda. Lo-fi at garage ang tugtugan nila nung una akong nakabili ng album nila Formika. Napansin ko rin na ang pagbabago ng kanilang tunog ay kasabay sa pagbabago ng hairstyle ni Katwo, ang kanilang bokalista. Kaya di ako nagtaka nang magpaikli ng buhok si Katwo at sabay pagpasok ng panibagong tunog. Ang Molotov ang simula ng riot. Itatapon ito at sabay sasabog, pansinin ang nag-aapoy na boses ni Katwo sa unang bagsak ng linya ng awiting ito: 'hipan mo na ang salbabida'. Sa awiting ito, buong buong sinasabi ng Narda na dalhin na natin lahat ng sayawan at hatawan sa kalsada. Mala-Sugod ba ng Sandwich? Oo. Ang kaibahan lang, subtle ang atake nila at the same time mas fiery. Sama Na by Chillitees ![]() Isa sa mga inisnub kong music dati ay ang Pinoy Soul. Puro kasi mga showbands (Southboarder, kahit RnB hirit nila sa genre nila at Freestyle), mga mediocre artists with bigger than life titles (Jaya, Janno Gibbs, et al). Pero nung nadinig ko ang ‘Jolog Soul’ ng Chillitees bigla na lang ako nabighani sa tunog nila. Uela’s voice is hypnotizing. Tila iduduyan ka pero may certain grooves pa rin na naiiwan. ‘Sama Na’ was taken from their album Extra Rice. Gaya nga ng hirit ng refrain nilang ‘sama na, wag ka nang magtanong. Lapit pa, ipikit ang mata’, ineenganyo ka nila na pakinggan ang kanilang musika. Ang madama ang bagong dimension ng OPM, ang bagong dimension ng soul. Wala ring pretensions ang hirit nila, kung sugar-coated ang ilang lyrics ay dahil iyon ang nagbibigay ng tamis sa kanilang melodiya. Angkop na angkop ito tuwing umuulan at humihirit ang mga linyang ‘sama na, wag ka nang magtanong.’ Oo by Updharma Down ![]() Ang ‘Oo’ ay may sinseridad sa kanyang liriko, isama mo pa rito ang mapaglarong melodiya. Mahirap ding i-classify ang kantang ito: torpe song ba ‘to, love song na may panghihinayang, friendship song, jamming song atbp. Kung papansinin ng mabuti, ditto lang nagmellow ang boses ni Armi. Para bang nilalaro lang niya ang kanta. Damang dama niya ang bawat bitaw ng mga linya at sa huli madadama mo rin ang paghihinayang. ‘Sana’y nakikinig na lang ako sa Nanay ko.’ Turning My Safety Off by Sino Sikat? ![]() Sa puntong ito, I’ll be turning my safety off. May magtataas ng kilay, who? Sino Sikat? (hate ko yung question mark sa name nila). Oo, hindi pa sila sikat ngayon, maybe next year, malay natin. Ang kantang ito ang nag-introduce sa akin kung paano ko itatackle ang usapin ng casual sex. Sa bawat pakikinig sa kantang to nakakaramdam ako ng pag-angat ng libido. Humahataw kumbaga. Kahit sa opisina ko ito pinakikinggan courtesy of yours truly myspace eh bigla na lang pumapalo ang testosterone ko. Kunting pigil lang baka masisante tayo. Sa unang dinig ng malibog, casual sex kaagad ang papasok sa utak pero palalimin mo pa ang pag-uunawa at magegets mo siya. Tungkol lang ito sa pag-iisa at pagkatapos may natipuhan ka at nais mo siyang makasama kaya kunting paseduce lang para makuha ang kanyang ninanais. Tulad ni Armi, madadama mo ang emosyon ni Kat sa kanyang pagkanta. Sa buong areglo ng melodiya at liriko na ilalagay nila sa pedestal ang isang awiting disenteng senswal. At kung alam mo ang itsura ni Kat, ay naku! mahabaging santo, mapapa-olala ka na lang. Itapon ko na nga ang hirit na pangmahalay, dapat depensahan ko nang maayos kung bakit number one sila: Orgasmic. Isang salitang maaring makadescribe sa kanila (wait a minute, pangmahalay din ang hirit kong yan ah). Sige gawin nating phrase. Ito ang awiting papakinggan ng Diyos habang meron siyang katalik. Gets? Sa mga bandang ito, maraming salamat sa pagpapainit ng taong 2006. |
| yourshop.cc December 4, 2008 03:35 PM PST http://www.watchesforsale.us | ||
| Enrique May 11, 2007 03:44 PM PDT siguro masyadong chummy sa akin nung 'OO' kaya di ko talaga napagtripan. wala yung sophistication at sexiness na nasa Turning My Safety Off. | ||
| 'miss mia" May 10, 2007 01:34 AM PDT just eavesdropping.. i too cannot believe that UpDharma Down's just on the second spot.. tsk.. | ||
| Enrique December 19, 2006 06:04 PM PST meron sila sa myspace kasama yung 'tragic beauty' na originally ginawa ng 3rd world project. medyo off lang ako sa ilang line na pilit pero ang sarap nang pagakaka-blues nung 'akin ka na lang'. can't wait for their album. :) | ||
| ken December 19, 2006 01:26 PM PST ei, narinig mo na b yung "Akin Ka" ng Sino SikaT?? (dalawang question mark!!!) yung kasama sa cd ng Burn. di ako magaling sa mga genre, soul yata ang category ng kantang yon.. ayus yung line don na "gusto kitang ipasok sa aking...pantasya"..woooooh!! | ||
| Enrique December 14, 2006 04:17 PM PST tere, fusion tawag nila sa genre nila. halos haluhalo ang influences nila kaya nakagawa sila nang tunog na para lang sa kanila. :) pagbalik mo burn kita ng cd. :) | ||
| there December 13, 2006 12:57 AM PST hehehe.. curious ako dun sa Updharma Down...hmmmmn... anong klaseng tunog kaya meron sila??? heheh misya enrix! | ||
| Enrique December 7, 2006 08:39 AM PST kung testosterone at testosterone lang ang pagbabatayan naku malamang molotov talaga ang panalo, pero siyempre andun din yung bias ko kung alin ang mas magandang kanta maliban sa testosterone. salamat sa compliments sa nasulat ko. hehehe!!! tuloy tuloy na ang kahalayan. :) | ||
| ken December 7, 2006 08:28 AM PST no. 2 lang ang UdD?! ok lang, kasi mas gusto ko rin yung Turning My Safety Off.Nakakaturn ON talaga.Para syang UdD pero mas accessible yung melodies..Pero sakin No.1 ang Molotov, tas ito, no.3 ang Oo... btw, nabasa ko na yung De-Lata..galing! ayus at mahalay ka tlaga..he he | ||
| Leave a Comment: |