|
![]() kung di ninyo mabasa, andito ang write-up. lumabas lang siya na di ko alam. kahit papaano nagkaroon din ako ng two paragraphs of fame. nakaka-inspire ulit magsulat kahit tambak ang trabaho. sana december na para makapagpahinga na ako kahit saglit. ** may nakita ako sa PEx na thread tungkol sa Manila Bulletin. naalala ko tuloy yung isang tula ni jonar ng PP at GG tungkol dun. ikaw bakit di mo trip ang Manila Bulletin? sa akin, dahil dito: ![]() Runner-up: Grafield 2 Winner: The Fart & The Furious ** napanood ko nga pala yung Science of Sleep nung friday. ayos naman siya, pero mas matrip ko pa rin ang Eternal Sunshine of the Spotless Mind. hindi ko alam kung ang script ng SoS ang prinoblema ko (ilang cheesy dialogue) o ang narration (napaka-linear niya lang). mas ayos pa rin kung si kaufmann ang nagsulat ng script gaya ng pagkakasulat niya sa ESoSM. pero kung anong prinoblema ko sa script, mas nagustuhan ko ang production at directing. alam mong surreal ang dating dahil sa paggamit ng ilang clay animations. nagkaroon tuloy ng pambatang feeling. makikipagpustahan ako, si michael gondry ang susunod sa yapak ni tim burton. ** may special treat ang opening ng cinemanila. pinalabas din ang pelikula ni raya martin. silent film in black and white. tungkol iyon sa Birth, War, and Death nung panahon ng Kastila. andami niyang simbolismo, at isa sa pinaka-profound ay yun sa eclipse na hinahanap ng mga bata. oo nga pala, Radioactive Sago Project ang nag-score at wasak na wasak ang scoring nila. nagbalik na pala sa kanila ang paborito kong local saxophonist na si rastem eugenio. |
| Leave a Comment: |