Entry: [Kaeklatan] Shameless Plug Lang Monday, October 30, 2006



** nasa tinig.com ang isa sa mga nauna kong kuwento (nauna in a sense, unang naisulat at natapos). isa ito sa produkto ng kabagutan ko habang may lecture/training ng SAP sa opisina. ginagawa ko ito habang may naglelektyur, at aakalain niyang nag-eencode lang ako dahil sa patype-type ang drama ko. ito rin yung oras na kasagsagan ng pagkakadeklara ng National State of Emergency ng tita mong si gloria. halos kalahating araw ko rin siya ginawa dahil siyempre may mga exercises din akong dapat tapusin hindi pa kasama dyan ang walang kasawaang pagsusurf sa net.

matapos isulat, pinost ko siya sa isang website. como dahil sa walang editor mabilis na na-post yung akda. ang title pa nga niya'y 'Ika'y Tsuper, Buhay Mo'y Hindi Super'. at ipinost ko rin dito (hanapin na lang ninyo). isang paggagad yun sa isang kuwento ni alan derain, ang 'Liason sa 27th Floor' na sobra kong ininjoy. kaya sabi ko gagawa rin ako ng ganung klaseng akda pero gagawin kong diretsahan at mala-Lino Brocka (tipong may blurb na 'the poignancy of this story clearly depicts the humanity of an ageing Filipino', blog ko to kaya puwede akong magbuhat ng bangko). pero talagang di ganun kaganda yung title niya, kaya naisipan ni vlad gonzales o kung sinong editor na palitan ang cheesy title at gawing mala-existential at seryoso (nang mapalitan ang titulo, ang laki ng pinagkaiba ng dalawang akda). kaya nagpapasalamat ako sa nagpalit ng titulo -- napansin ko na talagang mahina ako sa pagpili ng mainam na pamagat.

** nagpasketch ako kahapon kay ezzard, kasama namin sa LIRA at ang lupit niya. halos five minutes lang ang pakakangalay ng pa-emote-emote kong face at meron na akong portrait na ilalagay sa darating na LIRA folio (siyempre ala pang pamagat). di rin ako confident sa mga tulang ipapasa ko. hindi kasi pulido ang editing na ginawa ko.

** nanood kami ng ilang fellows ng LIRA ng dulang hapon - Yaji and Kita ang titulo. Theater of Absurd ang tirada niya, at ang problema lang di namin maintindihan at kakaunti lang ang ginamit nilang plakard bilang translation ng dula. pero buong-buo ang pagiging surrealismo ng dula, ang nakakatawang diyalogo, ang pabalik-balik ng ilang eksena at energy ng mga aktor ang dahilan kung bakit na-enjoy namin ang dula. ilang theatric devices ang ginamit at isa na rito ang pagbasag ng fourth wall nang may dumating na delivery boy at may dalawang mami at pagturo ni Kita sa manonood bilang dingding. ang konsepto ng 'reality' at 'illusion' ay masusing inilarawan sa dula at ang 'buhay' at 'kamatayan' ay isa rin sa mga konsepto ng nasabing dula. at ang nakakamangha sa dula ay production set nito. grabe magugulat ka talaga, sayang nga lang at last performance na nila kahapon sa equitable tower 1 sa makati.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments