Royalties Not Included: Read at your own RISKS




Sunday, April 20, 2008
From The City of Smile

* matapos ang ilang taong pamamalagi sa dati kong trabaho, nakalabas na rin ulit ako sa wakas sa manila at sa luzon.

* malapit ko nang makuha ang accent ng mga tao rito. gawing malumanay ang pagsasalita at lagyan ng ngiti ang bawat sasabihin.

* inaantok pa ako pero parang energized na ako. gusto ko nang tumikim ng inasal at la paz batchoy.

* "bords" o kaya "toto" ang gusto kong itawag sa mga kasama ko rito.

* kanina sa dyip, medyo kinabahan ako nang sinabi ng pasahero na "banggaa lang 'to," sa drayber. akala ko tuluyan ngang ibabangga ng tsuper ang dyip, yun pala, "para sa kanila yun".

* may isang linggong free vacation ako rito, at sa huwebes isasaalang ang mga tula ko. para akong bibitayin.

Posted at 12:11 pm by nosferatujoe
Comments (4)  




Thursday, April 10, 2008
[Panitikan] Mga Bagong Tula Batay sa Mito ng Ehipto

** ilang draft ng mga tulang nakabatay sa mitolohiya ng Ehipto.

Sekhmet
Enrique Villasis

Hindi malilinlang ng pulang agos ng ilog Nile ang araw.
May mga mapagmatyag na mga mata ang naiiwan
Sa bawat pagsuri ng silahis sa lalim ng rumaragasang dugo.

Tinatambangan ng talim ng mga talahib ang bawat pag-ihip
Ng hangin, wala silang mahiwa kundi ang kanilang kapwa
Damo. Pakurap-kurap ang mga naiwang mata samantala

Nagmamadali sa kaniyang paglalakbay ang lawin. Hatid niya
Ang balitang nagapi ng diyosang leyon ang mga hukbo
Ng dalawang paraon. Walang pinipili ang kaniyang tabak

Maliban sa binatang mandirigmang namangha sa kulay
Ng digma. Bago matagpas ang huling kawal, umaninag
Ang mukha ng diyosa sa mukha ng kalaban. Sumpa

Ang mahumaling sa lasa’t amoy ng dugo. Isinumpa
Niya sa ngalan ng ligalig ang kawal. Dala-dala ng lawin
ang babala. Hindi ang matibay ang matitira sa bawat laban

Mga sinumpa ang mabubuhay. walang Pagmamalikmatang
tinitigan ng mga mata sa tubig ang nakahiga sa pampang.
Mga sableng magkakapatong ang mga talahib na kinalalatagan

Ng babae sa baluti. Nagmamantsa ang kaniyang katumaya,
Wakwak ang ilang bahagi ng pananggalang. Namumukadkad
Ang kaniyang kanang dibdib. Nakadipa niyang inaangkin

Ang maliit na kapayapaan. Sa kaniyang panaginip,
Nakapatong ang kaniyang ulo sa kandungan ng ina,
Umaawit kasabay ng huni ng ibon at lagaslas ng ilog.

Inaanod ang mga papyrus at sa tuka ng ibis pumapalag
Ang palakang nahuli. Tinatakpan ng bagwis ng lawin
Ang sikat ng araw. Naalimpungatan siya sa hiyaw ng tambuli.


Asar at Eset*
Enrique Villasis

Sapagkat tinawid ng pagkaasam ang kabilang-
Buhay. Tulad ng pagsambit sa mahal at pag-ibig,

Tinatawag niya ang ngalan ng kabiyak, hindi
ang pangalang ibinigay sa kapanganakan,

Kundi ang lihim na ngalang nakatala sa mga tala.
Bulong na dumarating sa kaniya ang pagtawag.

Sa madilim na disyerto, patay na ang kaniyang puso.
Sa bawat pantig, pumipintig ang kaniyang dibdib.

May naalala siya. Ipinikit niya ang mata.
Nakakapuwing ang mga buhangin, palakas

Nang palakas ang pag-ihip ng hangin.
Nagsasabaluti ang mga butil ng disyerto.

Sa kaniyang pagdilat, nasa ibabaw ang kaniyang
Kabiyak. Iginigiling ang balakang sa nakatayo

Niyang ari. Paulit-ulit na inuusal ang ngalang
Tanging nabubuklat lamang ng mga paham.

Sa singsing ng araw, nakita niya ang lawin,
Dagit sa kaniyang kuko ang isang ahas.

Heru, Heru, nasambit niya at tila napatid
Na lubid muli siyang napapapikit.

* Asar at Eset ang mga pangalang Ehipto nila Osiris at Isis, kapwa mga pangunahing diyos sa mitolohiya ng Ehipto.


Posted at 09:44 pm by nosferatujoe
Comment (1)  




Tuesday, April 01, 2008
[Update] Ang Tadhana ang Nag-Yari sa Akin!

** paborito ko ang mga practical joke shows tulad ng WOW (nung host pa si Ara Mina) at WoW Mali (Joey de Leon is da man), at sa ngayon ang Bitoy's Funniest Video. enjoy panoorin ang reaksyon ng pagkagulat ng mga biktima sa ganitong uri ng palabas. biktima sila ng kahihiyan at katatawanan. tila nga isang double-edge sword ang ganitong palabas, una pagtatawanan natin ang kanilang pagkagulat gayundin ang mga biktima pero sa huli maiisip natin ang kahihiyang nagawa nila lalo na kung nagmura sila o ang isang maton na lalaki ay biglang napatili animo'y isang babae (sa komunidad na pinaairal ng moral na itinakda ng kaniyang pamayanan, ang ganitong mga (re)aksyon tulad ng pagmumura at pagtili ng lalaki ay hindi katanggap-tanggap o sa totoo ay kakatwa). minsan tumatawa tayo sa kasamaang-palad na inabot ng mga biktima. kaya patok na patok ang ganitong mga uri ng palabas dahil sa kultura ng pagiging masayahin nating mga pinoy, gayundin ang hilig natin sa pagpuna sa kamalasan ng iba.

** inihahanda ko na ang sarili sa pagpasok ng panibagong karera. nakahanda na lahat, kasama ang pag-alis sa aking trabaho (at pagsisimula sa paghahanap ng panibagong kita). ang inaasikaso ko na lang ay ang mga papel sa gagawing pagbalik sa akademya para mag-aral. kagabi, habang inaayos ang mga papel na ipapasa (kasama ang liham/sanaysay na humihingi ng pahintulot na makapag-aral sa isang unibersidad), napansin ko na may kulang sa mga requirements ko. kumpleto na sana ngunit ang orihinal na birth certificate na lamang ang kulang. nakasingit kasama ng ilang papeles ang photocopied pero nawawala ang pinagkopyahan. lalo na't pinakaba ako ng pagkakataon na sa darating na Biyernes ang deadline ng application (hilig ko kasi sa 'mamaya na'). tinantiya ko na mga tatlong araw lang ang proseso ng pagkuha nito sa may PRC Manila (ayokong pumila sa Quezon City) kaya kanina pumunta ako para makakuha ng birth certificate. pagkadating doon, tinanong ko kaagad ang taga-NSO kung ilang araw ko makukuha iyon. mga 7 - 10 days daw. gusto ko sanang magmura at sabihing, alam ba ninyo na may pangarap kayong masisira, pero di ko na ginawa kasi ako naman ang may kasalanan. eng-eng kasi ako, kaya na-frustrate ako sa sarili. sa second sem na lang siguro ako papasok sa isip-isip ko kaya nag-file na rin ako. aprill 11 ko makukuha ang kopya ng birth certificate ko, lagpas sa deadline.

sa dyip, muli kong tiningnan ang mga requirements pati na rin sa deadline. third Friday ng April ang deadline. anak ng nagdyadyakol na matsing, bigla akong natuwa. pero dahil nga sa April Fool's Day ngayon, nagduda pa rin ako baka niyayari ako ng tadhana.

** sumagot ako ng ilang meme (yung mga personality test) para makita ko kung 'ano' ba talaga 'ako'. nag-enjoy naman ako sa pagsagot at may mga ilang test na tumugma sa ano ba talaga ako.

table width=350 align=center border=0 cellspacing=0 cellpadding=2>


You Belong in Dublin



Friendly and down to earth, you want to enjoy Europe without snobbery or pretensions.

You're the perfect person to go wild on a pub crawl... or enjoy a quiet bike ride through the old part of town.



Dublin at Glasgow ang gusto kong mapuntahan sa United Kingdom. Fuck, London! mas trip kong maamoy ang mga maalinsangan ngunit malamig na hangin, ang mga nanunuot na singaw sa mga bato, ang maimajin ang green pasture, at siyempre ang uminom ng beer sa isang pub (Colin ang pangalan ng bartender, malaki ang tiyan tapos may maingay na ceiling fan kasabay ang pag-ikot nito sa mga humihiyaw na manonood ng soccer samantalang ninamnam ko ang float ng beer at ang amoy barnis na mesang gawa sa kahoy)




The Movie Of Your Life Is A Black Comedy



In your life, things are so twisted that you just have to laugh.

You may end up insane, but you'll have fun on the way to the asylum.



Your best movie matches: Being John Malkovich, The Royal Tenenbaums, American Psycho



matagal-tagal ko na rin plinaplano ang gumawa ng mas mahaba-habang katha (aka nobela) na black comedy ang genre. tipong dysfunctional hindi lamang ang mga tauhan kundi pati na rin ang mga pangyayari. naghahanap ako ng mga materyal sa mga pelikula gayundin na rin sa mga nobela (si Chuck Palahniuk ang magiging inspirasyon ko kung matutuloy ito). nagpakalayo-layo pa ako samantalang ang 'buhay' ko ay isa nang black comedy na maituturing. ngayon, kailangan nang mailabas ang aking psychopathic at homicidal side.




You Should Travel to Cambodia



While you might not go all Angelina Jolie and adopt a baby...

You can still appreciate Cambodia's rich history and deserted beaches.




hindi ko alam kung bakit malakas ang hatak ng mga wat ng Cambodia para sa akin. siguro dahil may mga poetikong tagpo na maaring maikatha mula rito o di kaya isang mistikal na bahagi ng sarili ko marahil ay bahagi ng isa sa mga bato ng mga sinaunang templo rito. basta trip kong pumunta rito bago pa man ang hongkong, singapore, at japan.




Your Personality is Very Rare (INTP)



Your personality type is goofy, imaginative, relaxed, and brilliant.



Only about 4% of all people have your personality, including 2% of all women and 6% of all men

You are Introverted, Intuitive, Thinking, and Perceiving.




hindi ko alam kung gaano katotoo ang mga numerical facts na sinabi nila pero good thing na malaman na kahit papaano ay 'unique' ako.

Posted at 02:46 pm by nosferatujoe
Comments (3)  




Monday, March 17, 2008
[Filler] Dahil Hindi lang si Pacman ang Tunay na Lalaki

Ang Tunay Na Lalaki Meets Barbie At The Shark Bar
Nick Carbo

on Mulberry and Spring on a rainy night.
Her head sticks out of some woman’s tote bag
placed on top of the bar, she winks
at Ang Tunay na Lalaki. He looks at his gin and tonic,
looks back at the doll and hears her tiny voice
even though her lips aren’t moving. "Hi there,
big guy. I was made in the Philippines. You look
like you were made there too." He responds
just to humor himself, "Where, at the Subic Bay
manufacturing plants? Did you enjoy
being made by exploited laborers?" Barbie crawls
onto the sticky bar and sits herself on the edge
crossing her legs. "I remember those delicate fingers
expertly sewing the hairs to my head. Those women
were so nice to me." She bends at her waist
to let her hair down and dramatically lifts her head up
so her blond locks turn into a glamorous puff,
"See, they did a good job. You must admit."
"You’re incorrigible," he exhales a cloud of smoke
after lighting up a cigarette, "And you’re
all plastic, petroleum based plastic."
Barbie places her palms against her face
and begins to sob. Ang Tunay na Lalaki sticks out
his middle finger, strokes the back of her head,
"Now, now, doll. First time anyone ever told
you the truth?" Barbie lifts her left arm
to swipe away his finger, "My name’s Barbie!
Not Doll, Sweetie, Honey, or Dolly. It’s Barbie!"
Ang Tunay na Lalaki sips his gin,
"Look, Barbie. You have the perfect life,
you’re the world’s best-selling doll
and millions of little girls are buying you dresses.
Even the top fashion designers design
outfits for you." Barbie straightens her back
as if she had a spine, places
her hands on her lap, "But you don’t know
how hard it is to be beautiful all the time. See,
you made my mascara run." He takes a napkin,
dips it into his drink, proceeds to wipe off
the small black streaks on her cheeks, "It’s acrylic,
a water based paint." He reaches into his pocket
for a ball-point pen, draws rich eye lashes
around her eyes. Barbie slides over to a shot glass,
stares at her reflection, "Hey, you’re good
at this. Have you ever considered a career
in make-up? I could recommend you
to our designers, you know."
Suddenly a woman’s human hand plucks
Barbie off the bar, stuffing her
back into a tote bag. His eyes follow
the tote bag out the door. All he can see
is a puff of blond hair and a stiff arm
swaying back and forth like a metronome.

Posted at 05:53 pm by nosferatujoe
Comments (4)  




Monday, March 10, 2008
[Eklat] Top Twenty Quotes From Movies

> may nakita ako sa net, kinse lang ang hinihingi, bilang isang movie fan, beinte ang ilalagay ko rito.
> most of this quotes came from IMDB
> kung trip ninyong hulaan kung saan pelikula yan, give it a try basta wag kayong gagamit ng google or IMDB. cheaters never win, they just become presidents.
> everytime may makasagot ng tama, i will post a theatrical posters (dvd covers etc) dito.

(the ranking is in no particular order)

- uno -

Person Y: So you see, way back then, uh, Sicilians were like, uh, wops from Northern Italy. Ah, they all had blonde hair and blue eyes, but, uh, well, then the Moors moved in there, and uh, well, they changed the whole country. They did so much fuckin' with Sicilian women, huh? That they changed the whole bloodline forever. That's why blonde hair and blue eyes became black hair and dark skin. You know, it's absolutely amazing to me to think that to this day, hundreds of years later, that, uh, that Sicilians still carry that nigger gene. Now this...
[Person X busts out laughing]
Person Y: No, I'm, no, I'm quoting... history. It's written. It's a fact, it's written.

- dos -

Person A: My father is God! I worship my father!

- tres -

taxi driver

courtesy of siquey

Person R: You talkin' to me? You talkin' to me? You talkin' to me? Then who the hell else are you talking... you talking to me? Well I'm the only one here. Who the fuck do you think you're talking to? Oh yeah? OK.

- quatro -

Person B: There was a moment... when I used to blame everything and everyone... for all the pain and suffering and vile things that happened to me, that I saw happen to my people. Used to blame everybody. Blamed white people, blamed society, blamed God. I didn't get no answers 'cause I was asking the wrong questions. You have to ask the right questions.

- cinco -

reservoir dogs

courtesy from Frankie

Person M: Let me tell you what 'Like a Virgin' is about. It's all about a girl who digs a guy with a big dick. The entire song. It's a metaphor for big dicks.

- sais -

Person C: You think learning will help you? Don't think reading gangster books will make you the boss. Have you ever had a gun pointed at your head? No. Twelve years ago... twelve years already. For the first time, I went with Ho to bring goods to Indonesia. The boss there treated us to dinner in the night club. I said something wrong to displease the boss. Then there were two guns pointed at my head. I was forced to dring a bottle of whisky. I was so scared, I pissed my pants! Fortunately, Ho drank the whole bottle of whisky for me. But it got even worse after that. Four guns were pointed at my head! You know they made me drink? Piss! Drink piss in a night club! You want to learn? That's learning! That's how we got through out first job.

- siete -

Person S: Sometimes dogs are superior to men.

- otso -

Person S: [on telephone] I do wish we could chat longer, but... I'm having an old friend for dinner. Bye.


- nueve -

fight club

courtesy of gem

Person N: We have front row seats for this theater of mass destruction. The demolition committee of Project Mayhem wrapped the foundation columns of a dozen buildings with blasting gelatin. In two minutes, primary charges will blow base charges and a few square blocks will be reduced to smoldering rubble. I know this... because Tyler knows this.

- diyes -

trainspotting

courtesy from Christa

Person R: It's SHITE being Scottish! We're the lowest of the low. The scum of the fucking Earth! The most wretched, miserable, servile, pathetic trash that was ever shat into civilization. Some hate the English. I don't. They're just wankers. We, on the other hand, are COLONIZED by wankers. Can't even find a decent culture to be colonized BY. We're ruled by effete assholes. It's a SHITE state of affairs to be in, Tommy, and ALL the fresh air in the world won't make any fucking difference!

- onse -

Person J: [voice over] random thoughts for Valentine's day, 2004. Today is a holiday invented by greeting card companies to make people feel like crap.

- dose -

Person T: But this is History. Distance yourselves. Our perspective on the past alters. Looking back, immediately in front of us is dead ground. We don't see it, and because we don't see it this means that there is no period so remote as the recent past. And one of the historian's jobs is to anticipate what our perspective of that period will be... even on the Holocaust.

- trese -

Person C: It's not a joke, it's a rope, Tuco. Now I want you to get up there and put your head in that noose.

- katorse -

Person G: You are not a human being , , Lola. You are an epidemic.

- kinse -

Person D: We're standing here in Philadelphia, the, uh, city of brotherly love, the birthplace of freedom, where the, uh, founding fathers authored the Declaration of Independence, and I don't recall that glorious document saying anything about all straight men are created equal. I believe it says all men are created equal.

- daisy sais -

Person K: Attica! Attica!

- daisy siete -

Person Z: I would rather be a ghost drifting by your side as a condemned soul than enter heaven without you... because of your love, I will never be a lonely spirit

- daisy otso -

karate kid

courtesy from Christa

Person L: Wax on... wax off. Wax on... wax off.

- daisy nueve -

Person H: I've seen things you people wouldn't believe. Attack ships on fire off the shoulder of Orion. I watched C-beams glitter in the dark near the Tannhauser gate. All those moments will be lost in time, like tears in rain. Time to die.

- beinte -

Person N: Have you ever danced with the devil by the pale moon light?





Posted at 02:50 pm by nosferatujoe
Comments (13)  

[Rebyu] 'Once'

Once


Once


Nang tinanong ng tauhan ni Marketa Irglova ang tauhan ni Glen Hansard kung bakit niya kinakanta sa gabi ang mga orihinal na komposisyon niya, sinagot siya nito ng: During the daytime people would want to hear songs that they know, just songs that they recognize. I play these song at night or I wouldn't make any money. People wouldn't listen. Isa marahil na paniniwala ito sa tauhan ni Hansard na ang mga tanging nakikinig sa kaniyang sariling akda ay yung mga taong naghahanap ng karamay matapos ang isang abalang araw sa komersyalisadong Dublin. Mga taong maaring makakonekta sa nadarama niyang kabiguan, pag-asa, at pangarap. Sa kanilang pagtatagpo ng Czech flower seller, nagkaroon ng koneksyon sa kanilang dalawa, isang koneksyon na mas lalong lalago sa mga darating na araw.

Tinatawag na modern-day musical ang Once, isang pagtatangka na ilihis ang paniniwala natin na ang mga musical na pelikula ay tinatampukan ng mga extravagant na production design, mga solong pag-awit ng mga pangunahing tauhan kasabay ang pagsayaw. Sa limitadong budget, mas pinagtuunan ng pansin ng direktor na si John Carney na hulihin ang nagmamadaling lungsod ng Dublin sa mata at musika ng mga tauhan sa pelikula. Sa tradisyonal na naratibo na guy-meets-girl, mas nakikita natin ang muling pagkonekta ng tauhan ni Hansard sa Dublin. Sa simula ng pelikula kung saan ninakawan siya ng isang adik, itinampok nito ang peligrosong lungsod, isang lungsod na walang sinasanto ngunit nang makilala niya ang tauhan ni Irglova unti-unting naging bukas ang lungsod sa kaniya - nakilala niya ang pamilyang Czech kasama pati mga kapitbahay nitong migrante, ang mga street performers na niyaya para sa recording session, at ang jaded na recording engineer na nagustuhan ang mga sariling komposisyon ni Hansard. Sa mapanuring detalye ni Carney, nabuo niya ang lungsod ng Dublin bilang isang totoo at humihingang siyudad.

Tulad ng inaasahan, mga sariling komposisyon mula kila Hansard at Irglova ang bumuo at nagpadaloy sa kuwento. Mga awit na lumilingon sa kanilang mapapait na nakaraan ('The Hill', 'Broken Hearted Hoover Fixer Sucker Guy') at awit na tumatanaw ng pag-asa ('Falling Slowly'). Sa isang eksena kung saan inawit ng dalawa ang Falling Slowly, naging isa na itong allegory sa lungsod ng Dublin. Silang mga naisasantabi (migrante, street performer) ay mga naka-display na mga gitara na naghahanap ng maaring tumugtog, at sa duet ng mga tauhan, nahanap nila ang koneksyon na inaasam-asam nila sa isa't-isa.

Sa hulihan ng pelikula, kapwa man nagkahiwalay ang dalawa (bumalik ang asawang lalaki ng tauhan ni Irglova at mas pinili ng tauhan ni Hansard na ipagpatuloy ang pangarap sa London) may naiwan pa ring koneksyon sa kanila - ito ang piano na binili ni Hansard, ang simbolo na kanilang panandaliang pagsasama na sinilaban ng kapwa nilang sanktuaryo, ang musika.



Posted at 01:40 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Wednesday, February 20, 2008
[Panitikan] Kung Makakasulat Lamang Ako ng Tula Tulad Nito Matapos Uminom ng Lambanog

Ode to Hangover
Dean Young

Hangover, you drive me into the yard
to dig holes as a way of working through you
as one might work through a sorry childhood
by riding the forbidden amusement park rides
as a grown-up until puking. Alas, I feel like
something spit out by a duck, a duck
other ducks are ashamed of when I only
tried to protect myself by projecting myself
on hilarity's big screen at the party
where one nitwit reminisced about the 39¢
a pound chicken of his youth and another said,
Don't go to Italy in June, no one goes to Italy in June.
Protect myself from boring advice,
from the boring past and the boring present
at the expense of an unnauseating future:
now. But look at these newly-socketed lilacs!
Without you, Hangover, they would still be
trapped in their buckets and not become
the opposite of vomit just as you, Hangover,
are the opposite of Orgasm. Certainly
you go on too long and in your grip
one thinks, How to have you never again?
whereas Orgasm lasts too short some seconds
and immediately one plots to repeat her.
After her I could eat a car but here's
a pineapple/clam pizza and Chinese milkshake
yum but Hangover, you make me aspire
to a saltine. Both of you need to lie down,
one with a cool rag across the brow, shutters
drawn, the other in a soft jungle gym, yahoo,
this puzzle has 15 thousand solutions!
Here's one called Rocking Horse
and how about Sunshine in the Monkey Tree.
Chug, chug, goes the arriving train,
those on the platform toss their hats and scarves
and cheer, the president comes out of the caboose
to declare, The war is over! Corks popping,
people mashing people, knocking over melon stands,
ripping millenniums of bodices. Hangover,
rest now, you'll have lots to do later
inspiring abstemious philosophies and menial tasks
that too contribute to the beauty of this world.

Posted at 03:22 pm by nosferatujoe
Comments (2)  




Friday, February 15, 2008
[Public Service Announcement] Call for Submission Para sa Palihan ng LIRA

Paanyaya Para sa Taunang Palihan ng LIRA


Pormal na nanumpa noong ika-siyam ng Pebrero, 2008 sila Rhodge Fernandez at Phillip Kimpo Jr bilang mga bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sila ng taunang palihan na isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.

Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto.

Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2008.

Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.

LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those who are interested must submit five (5) poems in Filipino along with a short bio-data and one 1x1 ID picture, sent to liraworkshop@ gmail.com or dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2008.

The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.



Posted at 02:11 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Wednesday, February 13, 2008
[Eklat] Valentines, Ani nga ni Ian Curtis...

joy division


heto yung kanta nila, vintage na vintage ang video:



Posted at 06:53 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Saturday, January 26, 2008
[Rebyu] Divine Intervention (Yadon ilaheyya)



Divine Intervention: Ang Suliranin ng Magkapitbahay

Itinuturing na isang magandang kaugalian ng mga Filipino ang pagiging magkalapit ng magkakapitbahay. Maari nga tayong humihingi ng ayuda anumang orassa kanila. Hindi ba’t pamilyar na pangitain na kapag may bagong lipat, ilan sa mga tambay ng baranggay ang handang tumulong na maipasok at maiayos ang mga gamit. Hindi rin maitatanggi ang pag-aabutan natin ng pagkain kapag may okasyon. May kaakibat nga lamang na suliranin ang pagiging magkalapit ng mga magkakapitbahay , ilan na nga rito ay ang bukas na pakikialam ng ilan sa suliraning pampamilya, at nariyan na rin ang mga umaabuso sa pakikitungong ipinapakita. Sa pelikulang Divine Intervention (Yadon ilaheyya), ipinakita ang masalimuot na tunggalian sa pagitan ng dalawang magkapitbahay na estado – ang Israel at Palestine.

Hitik sa poetikong imahen ang nasabing pelikula. Kung tutuusin, maaring hatiin ang pelikula sa dalawang bahagi – ang unang bahagi ay paglalahad ng isang pangkaraniwang araw sa pagitan ng mga Israelites at Palestinians na magkapitbahay, at ang ikalawang bahagi ay ang surreal at absurd na paglalakbay sa realidad ng pangunahing tauhan, si ES.

Binuksan ang pelikula ng isang habulan. Sa eksenang ito, hinahabol ng mga kalalakihan ang isang lalaking nakasuot ng Santa Claus, na sa huli ay kanilang nahuli at sinasaksak. Ang violent nature ng tagpong ito ay nagsilbing disclaimer ng pelikula – isang biswal na imahen na nagtatakda ng relasyon sa pagitan ng magkapitbahay. Ang naka-Santa Claus na nasaksak ay nag-aabang din ng divine intervention na maaring sumagip sa kaniya mula sa mga lalaking humabol, at ipinuwesto ang pag-aabang na ito sa mga kaganapan ng mga Palestinian. May eksena rin na mala-Waiting for Godot, kung saan araw-araw bumabalik ang lalaki sa isang bus stop at madalas siyang mapagsabihan na wala nang darating na bus, at ang isinasagot niya’y alam niya ang sitwasyon na wala ngang darating na bus. Ang simbolismo ng bus bilang isang himala sa estadong political ng Palestine ay naging epektibo sa sitwasyong iyon. Sa paulit-ulit na pagpapakita ng kaniyang pag-abang, ay nariyan pa rin ang pag-asa na maaring may dumating na bus, o di kaya ang paniniwala na sinasadyang iligaw ang bus upang di makarating sa inaabangang bus stop.

Political ang naratibo sa unang bahagi ng pelikula kung saan litaw ang dahas sa pang-araw-araw na pakikipagtungo ng magkapitbahay at ang abusong natatanggap ng mga Palestinian mula sa mga Israelite – nariyan ang imahen ng pagpatay sa isang ahas, ang pagpaputok sa football na napadpad sa bubungan, at ang bugbugang nagaganap kapag nagkakairingan. Ang sarkastikong imahen ng pagtatapon ng isang Israeli ng basura sa bakuran ng kapitbahay na Palestinian ang siyang bumuod sa abuso na ipinapakita ng mga Israelite sa mga Palestinian na siya naman ang political na layunin ng pelikula. Palasak na nga kung maituturing ang eksenang ito na sadyang may maganda at pangit na naidulot sa palabas. Sa pagkakasingit ng tagpong ito, naging malinaw ang layunin ng pelikula. Naitawid nito sa mga manood ang kinikimkim na asar at rubdob na nadarama ng mga Palestinian kung saan sa pandaigdigang pananaw ay palagiang itinuturing na kaaway, at terorista. Sa kasamaang banda nasayang lamang ang iba pang imahen dahil sa tagpong ito. Naging paulit-ulit at didaktiko ang mga nauna at sumunod na eksena na maaring makapagdulot sa pagkabagot sa manood.

At bago pa ngang mahulog sa estado ng kabagutan, ang siya namang pagpasok sa odyssey ni ES, na sadyang nabigyan ng magandang pagganap ni Elia Sulieman, ang mismong director ng pelikula. Walang puwang ang diyalogo sa pangunahing tauhan, sapat na sa kaniya ang katahimikan. Sa mga mata ni ES tuluyang binuksan ang abusong nagaganap sa mga Palestinian. Madalas silang magkita ng kaniyang kasintahan malapit sa border ng dalawang estado. Dito, inuubos nila ang oras sa mga pagfafantasize samantalang pakikipagtalik na sa kanila ang paghahaplusan ng mga kamay. Ang katahimikang nagaganap sa pagitan ng magkasintahan, ang siyang nag-aassess sa katayuan nila – na isang simpleng checkpoint ang naghihiwalay sa kanilang dalawa. Isa sa kanilang fantasy ang paglalakad ng kasintahan ni ES patungo sa checkpoint. Tila na-hypnotize ng kaniyang alindog ang mga guwardiyang Israeli, at pagkalagpas niya sa checkpoint ang siya namang pagkaguho ng watchpost. Isang pananalinghaga ang surreal na depiksyon na ito sa pagnanais ng mga Palestinian ng isang malayang daan kung saan walang hahadlang sa kanilang paglalakbay at walang checkpoint na maaring mang-harass sa kanila. Idinagdag pa sa komplikasyon ng buhay ni ES ang biglaang pagkasakit ng kaniyang ama. May paulit-ulit na eksena ang kaniyang ama kung saan nagbubukas ito ng mga sobreng may iba’t-ibang kulay, at sa huling pagbukas niya ng isa sa mga sobre ay siya namang pagkatumba nito. Dahil sa salasalabat na suliraning kinahaharap ni ES, tahimik siyang nagmamasid sa paligid. Mas lalong naging bukas ang kaniyang pananaw at mas lalong lumobo ang kinikimkim na galit. Sa isa sa mga fantasy ni ES, ang itinapon niyang mansanas ay naging isang granadang nagpasabog sa isa sa mga tangkeng Israelite. Ang pagkamatay ng ama at pagkawala ng kasintahan kasama ang mga kinimkim na rubdob, galit, at hinanakit ay mainam na nailagay sa isang simpelng pananalinghaga ng pressure cooker. Sa huling tagpo ng pelikula, hinahayaan lamang ni ES ang tuloy-tuloy na pagsipol ng pressure cooker, isang pagtatakda ng nihilismo at ang rebulusyong maaring maganap.

Kahit na tinuturing na iisang bansa tayo, may nagaganap na hidwaan sa magkakapitbahay dito sa atin. May malaking pagkakatulad ang sitwasyon ng Palestine sa sitwasyon dito sa atin. Kahit wala ang karahasang ipinapakita, nariyan ang mapanghusga nating ugali sa mga kababayan nating Muslim. Nag-aantay din ako ng isang divine intervention kung saan isa sa kanila ang makakagawa ng ganitong uri ng pelikula, at kung sakali yung hindi ko mapapanood sa pirated DVD.

Posted at 12:40 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Previous Page Next Page



   





<< August 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

Sources of Knowledges

  • Electronic Encyclopedia

  • De-kuryenteng Dyaryo ni Gates

  • Diyaryo sa Net

  • Mga Tula at Makata

  • Tula para sa Kinahong Alamat

  • Diyaryo sa Net

  • Panitikan Para sa Bayan

    Mga Kapanalig

  • Marie, the Muse, the Diva

  • Oliver, the Saint Vladymir

  • Coreen, Sue Len in California

  • Allan and Jane, the Jacklyn Jose Admirer

  • Ian, The Cursed

  • Dong Abay, Ang Bagong Flipino

  • Kiko, LIRA

  • Mary Ann, Ang Umiiyak na Alitaptap

  • Mark Angeles, Soulfly

  • Charles, Katomang Siquey

  • DodoBird's Music Review

  • Apartment ni Mykel

  • Sarah Crespo, ang Muse sa Avenue

  • Nostalgia Manila

  • I Love Honey ni Elaine

  • Waytbord nila Ergoe en Nanoy

  • Mga Murmur ni Ninong

  • Sushi Journal ni Eunice

  • Ronald, The Wind-Up Tool

    Music, the Food of the Hungry Thoughts

  • Bridge

  • Coffeeshop Conspiracies

  • Daydream Cycle

  • Acid 42

  • Hellbender

  • Kinkyhooters

  • Drip

  • Updharma Down

  • Brian Cua

    SONG OF THE MOMENT


    Habulan - Sound


    ganito pala ang mundo
    matulin ang takbo
    laging naghahabol sa pangako
    bilisan, bawat hakbang
    nahihilo
    isang ulila sa gitna nitong gulo

    sari-saring damdamin
    halu-halong hangarin
    naghahabulan

    tagumpay nalumbay
    sa kamay ng kapalaran
    o taya ka na naman
    takbo, takbo, sana’y makarating
    sa wakas ng pagkatuliro
    sa pag-ikot nitong daigdig

    habol nang habol

    pagkakataon di palalagpasin
    di magpapahuli kahit sandali
    huwag na sana maiwan muli

    bilisan, bawat hakbang
    may dalang pag-alinlangan
    papunta, pabalik
    nagbibilang ng saglit, heto na
    ba’t lagi pang natataya?

    manipis ang silip ng buwan
    di namamasdan
    ang paglipas ng oras
    nangangapa pa rin sa dilim

    habol nang habol
    sana’y makarating









  • Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




    rss feed