Royalties Not Included: Read at your own RISKS



Friday, April 06, 2007
[Update] Bakit Wala sa Prusisyon si Santong Busabos?

** iba ang prusisyon dito sa Manila kumpara sa Masbate. una, karamihan dito puro Nazareno ang prinuprusisyon. may maliit na Nazareno, may malaki, may tamang-tama lang. nagmumukha tuloy extension ng mga nagpapanata tuwing araw ng Quiapo ang itsura ng prusisyon dito sa balic-balic. lahat halos nakasuot ng kulay maroon na shirts, may kanya-kanyang tatak upang ipakita kung sila affliated. sa bawat baranggay ata rito may Nazareno, kaya kapag sapit ng Mahal na Araw, nagmumukhang baranggay contest ang prusisyon. 'yun nga lang wala masyadong nakakapansin.

sa Masbate naman, ang prusisyon sa Milagros (kita, relihiyoso ang lugar namin. nababagay gawing pamagat ng isang Holy Week Presentation) ay simple lang. sumusunod pa rin sila sa nakagaiang ayos ng mga santo. nung bata pa ako, halos nasaulo ko na ang mga patrong ipinaparada. pinakaprominante rito si San Pedro (kung sosyal ka, sige Saint Peter). dahil sa isang fishing town ang munisipyo, madalas lantakan ang karosa ng nasabing santo tuwing malapit na simbahan. kinukuha ang mga bulaklak na nakadekorasyon o kahit anong abubot (may ilang santa, na linalantakan ang hibla ng buhok. kung bano ang nagbabantay sa karosa malamang makalbo ito pagkauwi sa may-ari). ang mga nakuha sa karosa'y inilalagay sa lambat para makapag-akit ng mga isda. at kung minsan dekorasyon naman sa mga bangka para magdala ng suwerte at makaiwas sa sakuna ng dagat. maliban kasi sa pagiging patron ng mga sinungaling, at sabungero, mas kilala si san pedro bilang isang mangingisda. kaya raw malapit ang nasabing santo sa kapwa niya mangingisda. ang may-ari ng san pedro sa amin ay si jun de jesus o mas kilala bilang x44. nakailan na rin kasing asawa yan, kaya binansagan x44 dahil malapit na raw mag-james bond. nang minsan malapit na ang eleksyon, imbes na istatwang manok ang ilagay isang ugis ang inilagay niya. siyempre nakaka-attaract yun ng tao. karamihan sa mga sumusunod sa prusisyon nandun sa karosa iya nag-aabang. at dahil malapit si x44, todo kampanya ang ginawa niya. siympre pasimple lang. imagine na lang ninyo nang malapit na sa simbahan si san pedro. kawawang ugis, halos makalbo sa kakakuha ng balahibo. siyempre hindi sinaway ni x44 ang mga kumukuha baka mawalan siya ng botante. at simula noon, taun taon ang nasabing ugis ang laging bida pagdating ng prusisyon.

** sa probinsya, kapag Biyernes Santo bawal lahat. bawal maglaro, bawal mag-ingay, bawal kahit maligo at magsepilyo. tumitigil ang mundo. pero ngayon dito sa Manila, wala na ang mga bawal bawal na yan. heto nga ako, may trabaho pa.

isa sa pinag-uugatan ng bawal ay ang mga pamahiin. hindi na madidinig ang kampana ng simbahan simula ng alas-tres ng hapon. sabi ng mga matatana, madalas lumalabas ang aswang sa mga ganitong panahon. hinahanap naman ng mga mangkukulam ang ilang sagradong barang. naglilipana ang mga demonyo at engkanto. wala raw bisa ang simbahan. sa mga ganito ring oras, bawal kang masugatan dahil sa susunod na taon na ito gagaling. sa mga ganitong oras marami ang nagpapagupit ng buhok o kaya nagpuputol ng kuko. sa ganito ring oras epektibo ang sinugbang butiki para sa may hika (at sa ganito raw na oras humahalik ang butiki sa lupa). at pagdating ng Linggo ng Pagkabuhay, muling iikot ang mundo at babalik ang aming katinuan.

** napanood ko na rin sa wakas ang Pan's Labyrinth. over-hyped ang pelikulang ito. simple ang kuwento, dinaan sa violence para sabihing dark ang pelikula. pero bakit ko nagustuhan ang Pan's Labyrinth? una, dahil sa art directions nito. talagang captivating ang kabuuan ng kuwento. maamoy mo lahat mula sa mga lumot na nakakapit sa mga bato sa labirinto hanggang sa mandrake na nakasawsaw sa gatas. captivating din ang mga creatures na ipinakita simula mismo sa fawn hanggang sa halimaw na ang mata ay nasa kamay (si doug jones ang gumanap sa mga nasabing creatures).

maraming simbolismo ang pelikula kung tutuusin pero sa simula pa lang ayoko nang magpakaintelektwal at suriin kung anuano yun. kailangan kong mag-enjoy.

** sex, lies, and videotape ang nauna kong pinanood. ngayon ko lang na-realize kung gaano ka underrated si james spader. sa pelikulang ito gumanap siya bilang si graham, isang mahiyain ngunit seductive na sexually frustrated na 'filmographer'. sa pamagat pa lang umiikot na ang kuwento sa tatlong bagay - sex, lies, and videotape.

ayokong magbigay ng spoiler dahil mas magandang masorpresa ka sa pelikulang ito. isa lang masasabi ko, walang sex scene dito. ang karamihan ng mga sex ay nagmumula sa mga diyalogo. at kung sa palagay mo ay katulad ito dangerous liason nagkakamali ka. subtle ang ilang patawa na isinulat ni steven soderberg. hindi siya nauubusan ng wit at dark humor upang maitawid ang manonood sa mundo ng sex, lies, and videotape. hindi lang si james spader ang may magandang performance dito kundi ang buo cast.

** alam mo ba yung gusto mong makapunta sa isang lugar tapos na halos makakarating ka na nang biglang may mangyari para maudlot. ganun yung nangyari sa akin, sayang talaga.

** tuwing uuwi ako sa probinsya namin nanaginip ako ng nahuhulog na ngipin. talagang creepy experience kapag napapanaginipan ko yun. tapos sa mga susunod na araw nakasakay na ako ng barko pauwi sa amin. siguro yung panaginip na yun, premonition na siya para sabihing hindi ako matutuloy doon sa lugar na gusto kong puntahan bagkus kailangan kong umuwi sa amin. may tooth fairy siguro sa bahay namin sa probinsya at madalas niya akong tawagin.

** ang dull naman ng entry na to, wala kahit picture man lang. 'Mahal na araw,' sabi ng konsensya ko kaya hindi ko mapopost ang banned commercial ni ji jeon hyu ng sassy girl. baka magkasala pa tayo.

Posted at 07:58 pm by nosferatujoe
Comments (5)  




Thursday, March 29, 2007
Rest In Peace, Bob Ong

Kagabi habang nakikinig sa 'Spinning Around' ng Skies of Ember may natanggap akong balita. Isa sa mga kakilala ng kakilala ko ang pumanaw, at may rebelasyon sa kanyang pagkatao. Nagtaka ako kung bakit sasabihin niya sa akin yun samantalang pakialam ko sa mga taong di ko naman talaga kakilala (kahit may pagkatsismoso nga ako) kaya tinext ko siya at nagtanong. 'At ano naman ang lihim sa kanyang pagkatao?' Maya-maya pa nag-reply siya, 'cya si bob ong.' Gusto kong matawa, lakas ng trip ng kaibigan ko at i-aassociate pa niya ang kakilala sa isang best-selling author. 'Ows?! no stir?! saan ba burol, makikikape lang ako,' pagbibiro ko pa sa kanya. 'sa dayao lang. lapit inyo. punta ka rito kausapin mo gf niya. d2 rn me.' Kaya hayun, nagawa kong magbihis ng mabilisan. suot ng pantalong maong na halos apat na Sabado ko nang sinusuot. Gusto kong isa ako sa makaalam sa katotohanan, sa tunay na pagkatao ni Bob Ong.

Pagdating sa Dayao, na halos lakad lang ginawa ko, andun sa labas ang kakilala ko. Nagyoyosi mag-isa. Kumaway siya sa akin nang makitang patawid ako at patungo sa nasabing punerarya.

'Antagal mo naman,' bungad niya. 'Nasa loob yung bangkay. Andun din girlfriend niya. Kung ayaw mong maniwala hawak niya ang mga manuscript niya para sa mga susunod niyang libro.'

'Samahan mo ko. Di ko kilala ang tao,' sinabi ko sa kanya habang tinitingnan ang information na nakalagay sa namayapa. Ernesto John Ong. Yan ang pangalan niya. Wala na rin akong pakialam kung kelan siya namatay at kung kelan ang libing. Ang sa akin, maipagmamayabang ko na Ernesto John Ong ang tunay na pangalan ni Bob Ong. Sumilip ako sa loob, lilima pa lang ang tao. Nasa tapat ng isang bronze na kabaong ang isang balingkinitan na babae. Nakasuot ng pink na blouse na tinatakpan ng nakalugay na mahabang buhok. Yun ang girlfriend sa isip-isip ko.

'Kanina lang dinala yan. Yung mga kamag-anak nasa probinsya, siya lang dito sa Manila. Eccentric yan tulad ng gf.'

'Pareho pala kayo,' pang-aalaska ko sa kaibigan. 'Gago! Pumasok ka,' hirit niya.

Dumiretso ako para makiramay (at makiusyoso). Sa loob, may dalawang matandang babae ang nag-uusap at umiinom ng Zest-o. Noong binurol ang pinsan ko sa nasabing punerarya andun din ang mga ito. Nang binurol din ang anak ng kakilala namin dito, nandito rin ang dalawa. Tiningnan ko sila. Napansin nila ako, at sabay silang tumango. Tango ng pakikiramay. May dalawa ring babae ang nasa sulok, masinsinang nag-uusap. Pero di tulad ng dalawang matanda, nasa early at mid-twenties ang mga ito. Kamag-anak ata na narito sa Manila ang dalawa o di kaya kaopisina ni Bob Ong. Dumiretso ako sa bronze na kabaong. Sinulyapan ang nakahimlay. Matabang lalaki si Bob Ong, gaya ng naiisip ko. Hindi singkit ang mata at may katangusan ang ilong. Mas mukhang mestiso pa nga siya. Yung pagkakamake-up sa kanya maganda rin ang pagkakayari. Magaling magmasahe ang embalsamador dito sa Dayao at nakukuhang gawing kalmado ang mukha ng mga namayapa. Ang pinsan ko nga namatay nang nauubusan ng dugo pero nagawan pa rin ng paraan na magmukhang malusog ang kanyang bangkay. Nag-antada ako at pumikit, kunyaring nagdarasal. Muli akong nag-antada upang sarhan ang pagpapanggap.

Paglingon ko, nakita ko ang babaeng nakaupo sa tapat ng kabaong. Nakatingin siya sa akin. Namumula ang mata. Ngumiti ako at nilapitan siya. 'Condolence,' ito ang nasabi ko sa kanya.

'Salamat. Kaibigan ka ba ni Bob?' tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot. 'Tagahanga lang,' at may namuong ngiti sa labi niya.

'Halika, maupo ka rito,' pag-aanyaya niya. Mula sa katabi niyang Jansport na bag, may dinukot siya. Isang folder. 'Heto ang bago niyang libro.' Tumango ako. 'Kanina, may nangholdap sa dyip na sinasakyan namin. May baril at balisong ang mga holdaper. Kinuha nila lahat ng gamit namin, pati ang bag ni Bob,' at nagsimula na siyang humikbi. Naiintindihan ko naman yun. Hinaplos ko ang kanyang likod.

May namuong katahimikan sa aming dalawa, at maya-maya lamang tumayo ako at nagpaalam. 'Labas lang ako. Andun kasi si James sa labas,' sabay tayo. Iniwan ko ang kasintahan ni Bob Ong na hawak ang kinaiingatang folder. Hindi ko masabi sa kanya na talagang alagad ng panitik si Bob Ong dahil sa hinayaan niyang wag maagaw sa kanya ang produkto ng kanyang paghihirap. Pero sadyang tanga si Bob Ong. Ano kaya kung yung manuscript na yun ang magdala ng karagdagang misteryo. Kakalat ang speculations na maaring yun ang obra maestra ng isang henyo na tulad ni Bob Ong, o maaring isang madramang libro yun at ang librong yun ang turning point sa career niya. Hindi ko masabi na mismong si Ernest Hemingway ay may nawalang nobela at yun ang kanyang obra maestra sabi ng ilan. Tumahimik na lang ako, 'yun lang ang tanging pakikiramay na magagawa ko.

Nang nakauwi ako sa amin (na kailangan ko pang sabuyan ng asin bago pumasok sa bahay dala ng paniniwala) naisip ko na kailangan kong isulat ang isang maikli kong pakikitagpo kay Bob Ong. Hindi pananahimik ang maibibigay kong pakikiramay. Sa bilang ng mga naroroon sa lamay, hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang kanyang tagahanga. Nais kong mabigyan siya ng huling pagpupugay mula sa libo-libong tumangkilik ng kanyang mga akda. Mapasalamatan man lang sa huling pagkakataon ng ilang kabataang walang sawang sinasabing si Bob Ong ang kanilang paboritong author. Ang malaman ang kanyang pagkatao ng mga taong walang sawang nagtatanggal ng mga nakabalot na plastik sa mga libro niya para kahit sandali matakasan nila ang pagkabagot at mapatawa. Gusto ko itong ipaalam dahil hindi pananahimik ang maibibigay kong pakikiramay. (Sa makakabasa ng entry na to, wag ninyo akong tanungin kung kelan ang libing dahil sa hindi ko nga pinansin. Huwag kayong mag-alala babalik ako mamaya at tatandaan ang petsa. Sa makakapunta, lapitan lamang ninyo ako, marahil naka-blue o nakaputi akong T-shirt mamaya o bukas o sa mga susunod na araw.)


** kung naniwala ka sa mga sinulat ko sa taas, nagpapasalamat ako dahil kahit papaano naging succesful ang attempt ko na makagawa ng isang so-called metafiction. nakuha ko ang ideya na ito mula kay Bum. naisip kong ibahin ang personalidad na papatayin, marahil si Britney Spears. tumalon sa isang building dala ng depresyon ngunit mukhang hindi magiging effective ito sa kasalukuyang panahon. naalala mo pa ba na may mga kakilala kang babae na umiyak nang malamang namatay sa isang plane crash ang buong miyembro ng N*SYNC (o Backstreet Boys ata yun). sa panahong ito, mas mabilis sa tsismis sa kanto ang mga tunay na balita kaya kung sasabihin kong si Britney ay nagpakamatay, malamang walang maniwala sa akin. sino ba si Britney Spears para hindi pagpiyestahan ng mga tao. mas kilala pa siya kaysa kay Princess Diana. isang google search lang ng 'Britney Spears is Dead' malamang ilang libong hits ang humarap sa'yo. kaya heto, isang misteryosong personalidad ang ginawan ko ng ganitong kuwento baka makuha niya ang atensyon mo. gusto mong malaman kung sino si Bob Ong hindi ba, kaya mo binasa ang gawa-gawa ko. ganun lang kasimple. ginagatungan tayo ng ating kuryusidad para basahin ang isang akda.


** tama na ang panloloko, isa munang tula na nag-uugat sa panloloko ang ilalagay ko rito. ang maniwala sa unggoy ay unggoy


Posted at 10:11 am by nosferatujoe
Comments (18)  




Friday, March 23, 2007
[Eklat Updates] I Will Follow You Into The Dark

** nakaupo ako sa kama habang nagbabasa ng libro nang muli kong madinig ang kanta ng Death Cab for Cutie sa radyo. may kakaibang kislot akong naramdaman, hindi ko ma-explain kung bakit. minsan sa punto natin makakadama ka ng pag-ibig at magpapaka-Orpheus ka para lamang ipagpatuloy ang pagmamahalan. o di kaya ayaw mong mangyari ang ganun kaya nagbibigay ka ng assurance. 'I will follow you into the dark." ang sarap pakinggan.

(tama na ang pagiging cheesy. heto ang music video ng Death Cab for Cutie na I Will Follow You Into The Dark)




** sa kasalukuyan, binabasa ko si Raymond Carver. suwerte kasi na nakabili ako sa Booksale ng kanyang short story collection na Cathedral sa halagang forty pesos. sa kakabasa ko sa kanya halos lunurin ako sa pagkainggit sa istilo niya sa pagsusulat. pang-rabaw lang ang pagdedescribe niya sa kanyang mga kuwento ngunit kung susuriin nang mabuti may tension na nagaganap. nakokontrol din niya ang emosyon ng paglalahad at hinahayaan niya sa mga mambabasa ang kani-kanilang opinyon. ganito ang formula na kadalasang gamit niya -- nagsisimula ang kuwento kung saan ilalahad kung ano ang mangyayari (maaring pagbisita ng isang bulag na kaibigan ng asawa, o di kaya pagpunta sa bahay ng isang katrabaho) tapos sa tension na nagaganap (maiilang sa bulag na kaibigan ng asawa o sa isang peacock na nasa bahay ng katrabaho). inilalahad niya ang buong kuwento sa napaka-smooth na transistion hanggang sa dumating sa katapusan kung saan sasambulat ang ilang repleksyon (drinowing ng narrator at bulag ang isang cathedral upang ipadama sa nauna na may kakulangan din siya, o di kaya maghihiwalay ang mag-asawang pumunta sa katrabaho ng narrator dala ng hindi nila maaring ipilit ang mga bagay na ikinainggit nila). sa buong koleksyon na yun, nabihag ako sa mga kuwentong Feathers, A Small, Good Thing at Cathedral. dito inexhibit ni Carver ang kanyang pagiging genius sa larangan ng fiction.

matapos mabasa ang Feathers, naisulat ko ang 'Dyurds' isang maikling kuwento (na pinasa sa Iyas samantalang may ilang bahagi ng kuwento ang aksidenteng nabura) na halos itinutulad ko sa istilo ni Carver. hindi ko masasabing nagtagumpay ako pero nagawa ko rin kahit papaano ang magdrama sa puntong iyon. malayo sa dalawang kuwentong naisulat ko sa unang bahagi ng taon. 'For Johnny Knoxville' ay pinasa ko para sa Wasak Anthology. isa itong transgressive fic na tumatalakay (sana tumalakay siya) sa responsabilidad at sa Jackass. gusto kong ipakitang immature ang mga taong naeengganyo sa mga stunt nila Johnny Knoxville sa pamamagitan ng paggaya sa kanila. ang pinakaturning point ng kuwento ay nang kinain ng narrator ang sarili niyang anak (fetus lang yun). maraming kulang na elemento ang nasabing kuwento pero ipinasa ko pa rin. ang pangalawa nama'y ang 'Alaala' isang pseudo-literary at pa-pop na kuwento. si Jonathan Nolan at HP Lovecraft ang impluwensya sa kuwentong ito na tumatalakay sa pagiging OC at mga halimaw na may galamay. maraming tanong ang di nasagot ng kuwento dahil sa kailangang iklian ang nasabing akda para maipasa ko sa koleksyon na 'Pinoy Amazing Adventure 2' kung saan inimbitahan ako ni Vlad Gonzales na magpasa. nasa kamay na raw iyon ng management at pinag-iisipan.


** gusto ko rin mabasa si Ernest Hemingway, lalo na ang kanyang mga short stories. katulad ni Carver (idol niya si Hemingway at Chekov) pareho sila ng istilo sa pagsusulat. pareho rin kung minsan ang mga bagay na kanilang tinatalakay. kung may isang kuwento si Hemingway na gustong-gusto ko ito ang 'A Clean, Well-lighted Place'. isa itong meditation sa kalungkutan at katandaan. simple lang ang pagkakalahad ng kuwento, walang masyadong grandyosong paglalarawan pero napakalakas ng tama. isa ito sa mga kuwentong sana ako na lang ang nagsulat. sa sobra kong inggit gagawa ako ng ganyan, ipinangako ko sa sarili.

** entertainment naman bago maging seryoso ang usapan. isa munang kanta mula kay elliot smith, ang kanyang Oscar nominated na kantang 'Miss Misery':

Miss Misery – Elliot Smith




** malapit na ang April. ilang araw na lang kung tutuusin pero wala pa akong plano sa bakasyon ko sa last week ng nasabing buwan. gusto kong umuwi sa amin. namimingaw na ako sa dagat ng Masbate at ang amoy nito sa may pantalan. at pagdating ko doon, busy ang mga tao dahil kakandidato ang isa kong pinsan bilang vice-mayor. ganun sa pamilya namin, kapag gusto mong gumawa ng pangalan yumaman ka muna o di kaya kumandidato ka. uuwi ako pero di ako tutulong sa kampanya (as if my panghatak ako sa mga botante). uuwi ako para magpahinga.

** tatapusin ko ang entry na to sa pamamagitan ng isang sayaw. isipin na lang ninyo na ako si Elrand ng Kings of Convenience. ako yung naka-Adidas na jacket at puting tight-fitted na 'pajama' na halos walang brief dahil may bumabakat. isipin ninyo ako yung nagtuturo ng kakaibang swing sa mga batang ballerina. isipin ninyo ako ang magpapauso ng isang goof dance dahil seryoso ang sumasayaw (mga tinuruan) magiging isang seryosong dance craze ito. ako yan, isipin ninyo.

Kings Of Convenience - I'D Rather Dance With You




Posted at 01:11 pm by nosferatujoe
Comments (6)  




Monday, March 05, 2007
[Pseudo-Rebyu] Tangina Mo Andaming Nagugutom sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin



Hindi bawal ang magmura. Bawal ang hindi makinig sa bagong wasak na album ng Sago.

Radioactive Sago Project is back! No, hindi sila political band as the title of their newest effort suggested. No Tim Yap and No Celine Lopez this time as paradox and irony sway with every horns, beats, and strings. If their first and second attack are more of a spoken words and jazz and punk and the avant-garde, dito kumakanta si Lourd with his mob, kumakanta ang mga horns to the beat of Motown and ragtime, the strings has a more into afro-latin and funk.

George Estregan Groove Explosion gives a 70s and 80s Pinoy spy-action flick. Sayang at nagtiyaga ang Agent x44 sa novelty approach ni Vhong Navarro para sa kanilang soundtrack. This instrumental is more than a James Bond's themes. Paano kung meron kang marching band, heavy guitar riffs, growling monster, and a choir of a drunken punk mafiosos? Ang sagot, Wasak na Wasak. Ang sosyedad nati'y wasak na wasak, ika nga sa mga lyrics ng kanta. Kaya isa sa mga wasak na wasak na track ito. Mapanuri. Kumakanta ang kalahati ng banda sa Basagan ng Mukha, another brilliant move from the band and let the the strings and the precussions do the melodies. Sa bandang hulihan, bumanat ang mga horns na para bang binibigyan tayo ng isang eksena mula sa Tom and Jerry Cartoon Show. Habulan, hatawan, basagan ng mukha.

Pinasikat ni Ariel Ureta ang katagang 'Sa ikakaunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan' sa isang noontime show na ikinais daw ni Marcos dahil sa panggago niya sa islogan ng Bagong Lipunan. Lourd and his mob, used this phrase for social awakening dagdagan pa ng napakaraming dose ng sarcasm. Isa uling mapanuring kanta ang Bisikleta. Kung bakit ganun, wag ka nang magtanong. Starting with a latin beat, Alak, Sugal, Kape, Babae, Kabaong is an aural attack to the core of our conciousness. This track plays on different genre including latin beats, punk, and blues. Nakaka-LSS ang kantang ito, lalo na yung mga bisyo inilista nila at nakakasiguro silang ibabaon sa utak mo ang mga ito. And in the end, isang chant ng Kabaong madidinig suggesting na lahat ng mga mabisyong tao ay mamatay ng maaga. Hindi rin nawala ang absurd and dark humor ni Lourd sa album na ito, lalo na sa kantang Superhatdog. Fusing comics theme song absurd reality and a little bit of reggae give this track a memorable seven-minute experience to the future. Ang instrumental track na Raul Aragon = Ricky Torre ay isang tribute para sa isang Sampaguita Film legend. Kung nabubuhay lamang ang Sago noon at uso na ang mga OST, marahil kasama ito sa Lo Waist Gang OST.


Mambo become the flavor of Mambo Rat (a pun on male sex organ). Habang pinapakinggan di ko maiwasang maikumpara 'to sa mga 1930s Mickey Mouse flicks (lalo na yung The Band Concert) at mga Technicolor animations ng Warner Bros. kung saan may ala-Cafe Havana na setting, punong-puno ng usok at sumasayaw ang mafiosong daga. Cubanong-Cubano ang dating lalo na't may nagmumumble ng ilang Spanish at Spanish kuno. To add further masculinity sa kanta, may mga sexual tones ang kanta lalo na sa prefrence ng babae. Ang pinaka-political sa lahat ng kanta ng Sago sa album na ito ay ang Foodtrip. Globalization at ang epekto nito sa maliliit na magsasaka at sa tinatawag na microeconomy ng gobyerno. Ang awiting Bahay-Kubo ang ginamit na sample ng kanta at unti-unti ang naging pasada hanggang sa maging lantaran ang pagiging punk nito.

Irony ang bumubuhay sa Maynila, ito ang nais ipahiwatig ng track na Nasusunog na ang Maynila (parang The Clash, ano?). Naging internet hit ang tula ni Pete Lacaba na 'Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan Ko Sa Mga Pelikulang For Adult's Only' -- isang mapanuring pag-aanalisa sa mga pelikulang Pinoy na tumatalakay sa prostitusyon. Isang explotation sa moralidad at pagsasa-soap-opera sa mga buhay ng mga puta. At dahil dito, isang poetry reading ang ginawa nila Lourd para mas lalong ma-immortalized ang tula ni Pete Lacaba. Kung bibigyan ng pansin, sarkastiko ang mga instrumento rito pagbibigay diin sa explotation na nagaganap para sa mga puta. Ito ang For Adult's Only ng Radioactive Sago Project. Kung tutuusin sa simula ng kantang Sisboombay, aakalain mo isang western film ito ngunit dahan-dahan kang dinadala sa isang pseudo rock-novelty. Ito ang sagot nila sa mga novelty songs na gaya ng Yeye Bonnel at ilang kantang Camo kung saan ginagamit ang larong bata para gamitin sa musical monopoly sa larangan ng novelty.




Posted at 01:42 pm by nosferatujoe
Comments (2)  




Friday, February 23, 2007
[Eklat] Eleksyon, Political Ads, Tsismisan, at Panitikan

** dahil napapalapit na ang eleksyon, nagiging bukambibig na ng mga tao ang pulitika. sino ang malinis? sino ang may kakayahang magpatakbo ng ating bansa? ganitong-ganito ang mga eksena natin, pero kung tutuusin kung bakit kailan nalalapit ang eleksyon saka tayo nagtatanong. bakit hindi tayo nagtatanong matapos ang ganitong okasyon? takot lang ba tayo ihayag ang katotohanan ng ating kamalian? marahil nga. isang usapin para sa mga pilipino ang di natin pagtanggap ng ating kamalian. minsan nagmamalinis tayo. 'di ko yan binoto, kasalanan ninyo yan hindi sa akin,' yan ang madalas nating madinig sa mga nagmamalinis, ang ayaw mabato ng pagsisi. pero, hindi ba may kasalanan din siya sa unang banda. responsibilidad niyang tulungan ang ilang botante kung bakit hindi dapat iboto ang isang kandidato. hindi dirty tactics ito, ito ay isang karapatan ng bawat botante, ang malaman ang plataporma at baho ng bawat kandidato. responsibilidad iyan tulad ng responsabilidad natin bumoto.

** o sige, agitated ako tungkol sa usaping pulitika. bakit hindi, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos ito na lamang ang madidinig ninyo. i want a quality time para makapanood ng telenovela pero heto sila mike defensor, miguel zubiri, prospero pichay, manny villar, kiko pangilinan, loren legarda bombarding me with their clumsy and crappy political ads. walang malinaw na plataporma puro pagpapakyut. kahit nga sa radyo di na sila naawa. nagawa pa ng mga friends of zubiri na ipatugtog ang jingle niya sa nu. di naman natin masisi ang mga networks because they are doing it for business' sake pero naman kung lulubos lubusin na nila ang ganyan gumawa naman sila ng may dating hindi puro panggagarapal ang ginagawa (except tito sotto's ad, wala pa sa fraction of seconds yung mukha niya dun saka halatang crime prevention ang plataporma niya). ilan sa mga political ads na may dating yung kay raul rocco's presidential campaign at saka sa tambalang pareng juan flavier at mareng winnie monsod last 2001 election the same year lumabas ang 'sipag at tiyaga' ni manny villar na classic na inispoof ni michael v as 'sipa at tadyak'.

** mabuti pa si kiko, hindi pangilinan kundi montesena, isang kasamahan sa LIRA. nakapagpasa na siya para sa UST workshop samantalang ako di ko man lang natapos ang pagdedekonstrak sa ilang mitolohikal na nilalang. tanging si Santa Clause, Kupido, at Hanuman ang mga nagawa ko. yung kay Hanuman di pa nga ako solve dun. parang marami pang salik ang nawawala, hindi pa rin ganun kakonkreto ang argument na gusto kong ipalabas. sa ngayon, niluluto ko ang tula ayon sa Bakunawa at Minokawa. sana magawa ko ito ng maisali sa Iyas Writing Workshop kung hindi ko matapos ang mga binabalak na kuwento.

** approved na kahit papaano ang vacation leave para sa April 23 - 27. wala pang buong plano maliban sa (crossing my finger) Iyas Writing Workshop. kung hindi pumasa ayos lang siguro pahinga. isang long deserve vacation. pero binabalak ko rin ang mag-backpacking. sasakay lang ako ng bus at bahala na kung saan mapadpad. gagawin kong lagalag ang aking mga paa at magbubutas na rin ako ng bulsa. bahala na kung anong mangyari.

** kung may nakakapansing tsismoso ako ginagawa kong dahilan ang pagiging ECE graduate ko. may lima kaming electronic communication subjects at meron ding broadcasting at data communication kaya madali naming naikakalat ang hot items. biruan nga namin ng mga college friends ko lahat ng tsismis sa North building ng mapua nairarating namin sa tambayan namin sa fire exit sa south west. ang mga tagadala ng balita lalo na sa mga tsismis ng mag-on na mga professor ay kaming taga ECE. may isa pa kaming biruan kung paano malalaman kung sino ang nag-oocuppy ng isang room sa north third floor (balwarte ng School of EE-ECE-CoE). kapag dumating ka at ang klase ay tungkol sa babae ang usapan, malamang mga EE yun. namana na nila ang kamanyakan ng mga ME. dahil hindi na sila nalilibugan sa usapang kuryente. kapag dumating ka at seryosong usapang pang-relasyon siguradong COE ang mga nasa kuwarto. paano ba naman buong stay nila sa majoring puro computer software at hardware, matinding logic ang pinapaiiral nila kaya pati sa relasyon logic pa rin ang ginagamit. samantalang kung ang madidinig mo'y ganito 'talaga?! sila na ba? dati sila ni blank ah. nag-break na pala sila? bakit?' siguradong ECE ang mga yun. at ang itunuturong dahilan, gaya nang nasabi ko sa itaas.

pero kung di uubra ang ganyang reasoning (ilan sa mga di kumakagat ay sila mao at claire ng LIRA) sinasabi kong fictionist ako at gusto kong malaman ang buhay ng iba't-ibang tao. kasi ang tsismis, walking book yan. bukas na libro ang buhay ng isang tao kapag napagtsismisan. ang sarap usisain, uriratin, pakialaman, o i-workshop. sa point of view ng isang fictionist, ang magagandang balangkas ay nagmumula sa tsismis. bakit naghiwalay si ganyan? si blank pala at si blank ay parehong blank. dito naiiformulate ang mga tanong na what-ifs? paano kung hindi nagkahiwalay sila? paano kung hindi parehong blank si blank at blank. mapapaglaruan ng manunulat o fictionist ang relasyon ng bawat isang eksena. mabibigyan niya ng bagong perspektiba ang kuwentong kanyang nasagap. at isa pa, hindi ba mas masarap makinig ng tsismis kaysa basahin ito. napa-conversational ng tono, casual at maari kang gumamit ng balbal. at pagkatapos ang tsismoso at tsismosa ang perpektong halimbawa ng unreliable narrator. maari nilang dugtungan o bawasan ang bawat balitang kanilang nasasagap. at sa parte ng tagapakinig nasa kanila na iyon kung paniniwalaan nila o hindi. settling a doubts sa kuwento.

bakit nga ba nauwi sa tsismisan ang entry na 'to. dahil magandang halimbawa ito ng writing exercise. kapag may nadinig kang tsismis isulat mo ito sa tono ng nangtsitsismis. sa ganitong paraan mas mahahasa ang pagsusulat sa isang conventional at casual na kuwento. mas nagiging interesante lalo na sa mambabasang pinoy kung may mga phrases kang 'sabi ni', at 'daw'.

** matapos basahin ang akda ni Tadeusz Borowski na This Way To The Gas, Ladies and Gentlemen nagkaroon ako ng interest sa post-World War II Eastern Europe fiction. isa pa lamang ang meron ako at ito ang Tomb for Boris Davidovich ni Danilo Kis. kung may alam kayong ganito ang writings, maari po bang pakisabi. maraming salamat in advance.

Posted at 12:23 pm by nosferatujoe
Comments (9)  




Wednesday, February 14, 2007
[Tula at Eklat] Tulang Pambalenatyms at Ilang Updates

** successful naman kahit papaano ang Kapusuan ng LIRA. marami na rin ang dumating matapos kung magbasa. buti na lang kung hindi, nakita nila ako sa 'Matsing Mask' ko. nagkaroon lang ako ng ideyang gumawa ng ilang tula patungkol sa pag-dedekonstrak sa mga mitolohiyang personalidad. gusto ko silang bigyan ng bagong perspektiba, lalo na ang ilan sa mga palasak nang nagagamit tulad ni Kupido. challenge sa akin ito lalo na't nais kong bigyan ng pansin ang pagtutula. masyado kasi akong occupied sa trabaho para makabuo ng isang disenteng kuwento. yung talagang sa palagay ko maganda dahil sa pagtitiyagaan ko hanggang sa pagbuo ng outline at character studies. hindi naman sa pinagyayabang ko na madaling isulat ang tula, sa totoo isa ito sa mahirap gawin. lalo na kung magpapakabusisi ako rito. pero may libog akong nadadama ngayon sa pagtula, marahil epekto nang halos ilang buwang palihan sa LIRA. mga mangilan-ngilang linya pagsapit ng gabi, siguro ito lang ang kailangan ko para makabuo ng matinong tula. susubukan kong pakinisin ito tuwing lunch breaks o kaya habang dyumudyingel. time management lang to.

kailangan ko na rin sigurong pumili ng makatang pagbabagayan ko. sa kasalukuyan, naiibigan ko ang sensibilidad ng mga tula ni Jerry Gracio, ang pagiging pulido sa mga salita ni Mike Bigornia, ang pananaw ni Bobby Anounevo at Rosmon Tuazon, at ang kasimplehan nila Billy Collins at Ted Kooser. pero bukas pa rin ako sa ilang makatang magbibigay lalo sa akin ng maturity sa larangan ng panulaan.

** bilang unang salvo sa nasabing proyekto (na sana'y matapos ko), narito ang binasa ko sa Conspiracy kagabi with matching 'Matsing Mask':

Kupido
Enrique S. Villasis

Ang magtanim ng pag-ibig,
Ito ang tanging nakaatas sa akin.
Ilang beses na bang namulaklak ang aking mga tanim?

Ngayong gabi, ako ang humihimas
Ng serbesa, nakikinig
Sa sintunadong umaawit.
Kanina lamang, nabali ang sarili kong binhi.

Sa kabilang mesa, dinig ko
Ang lalaking may itinatagong hikbi.
Nagkukubli sa mga lagok ng alak
At nguya sa pulutang mani.

Ipinaglalayo kami ng distansiya,
Ipinaglalapit kami ng pag-iisa.

Nais kong isa-isahin ang mga punla
Na aking itinanim. Isa ba siya
Sa aking napabayaan?

Tumubo ngunit hindi nadiligan?
Mababaw ang pagkakapunla’t nabunot sa lupa?
O sadyang hindi nalagyan ng pataba?
Hindi napainitan sa araw?

Kay rami nila. Hindi ko matukoy
Kung sino siya roon.

Nais ko sanang muli siyang tamnan
Ng panibagong punla ng pagmamahal
Dahil ito ang nakaatas sa akin,
Ngunit ngayon gabi, tanging paglalasing
Sa pag-iisa ang aking magagawa.

** hindi ko itatanggi na malaking impluwensiya sa pagbuo ko ng tulang ito ang Matusalen ni Rosmon Tuazon mula sa kanyang chapbook na 'Mula'.

** nagbalik Dungeons and Dragons ulit ako. sa matagal na panahon, ito ang hinahanap ko. para makulit ko lang ang kaibigang Dungeon Master na magpalaro, nasabi ko sa kanya na balak kong bumuo ng isang sanaysay tungkol sa role-playing games. isang pagpaparallel ito sa mundong binubuo namin habang naglalaro at sa mundong talagang iniikutan namin.

** speaking of DnD, level 2 barbarian na ang character ko. napilitan akong maging hack&slash character dahil sa pangit ang stat ko. suicide na kumbaga ang paglalaro ko nito.

** mabalik tayo sa fiction, nakabili ako noong Read or Die Convention ng ilang libro. dalawa to be exact. ang 'Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento' ni Jun Cruz Reyes at ang 'Werewolves on Their Youth' ni Michael Chabon. mas nag-eenjoy ako sa mga kuwento ni Jun Cruz Reyes kaysa kay Chabon kahit mas dysfunctional ang mga tauhan niya. dala siguro ito na mas kakaiba ang pagsipat ni Jun Cruz Reyes sa mga bagay-bagay. may angst din. pero sa katagalan, kapuna-puna ang impluwensya ni J.D. Salinger sa mga akda niya. isa pa sa bentahe ng mga 'luma o klasikong' akda ni Jun Cruz Reyes ay ang pagbibigay nito ng mga boses sa mga karaniwang taong hindi nabibigyang ng boses. si Jun Cruz Reyes ang spokeperson ng mga tambay, ng mga bunso, ng mga teacher enemy number one. sabi ko nga sa isang forum, wag silang mag-rave kay Bob Ong dahil mas nauna pa si Jun Cruz Reyes sa pagpapakyut. i-deny man ni Bob Ong, lutang ang impluwensyang Jun Cruz Reyes sa mga akda niya.

Posted at 02:21 pm by nosferatujoe
Comments (2)  




Thursday, February 08, 2007
Hindi Ka Man Saging, May Puso Ka Pa Rin


Hindi ka man inlab, may Puso ka pa rin


Mga magbabasa ay mula sa iba't-ibang grupo ng mga artists at writers mula sa intiative ng Linangan sa Imagen, Retorika, at Anyo. Kaya kung gusto mo ng pre-Valentines gimmick, pumunta ka rito para maranasan mo kung paano mainlab, masaktan, maiwanan -- dahil kahit hindi ka saging, may puso ka pa rin.

Posted at 02:37 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Monday, January 22, 2007
[Panitikan] Mga Share na Tulang Amerikano

*** nakabili kasi ako nung Sabado nang The Best American Poetry 1998 sa Booksale at ang tula ni Edward Hirsch na 'The Lectures on Love' ang isa sa mga nag-struck sa akin. isipin mo iba't-ibang persona mula kay Marquis de Sade hanggang kay Collete ang nagbigay ng 'symposium' tungkol sa pag-ibig. nakakatuwa rin ang ginamit niyang mga forms at isa rito ang pantoum. ang pinakamaangas na symposium, siyempre kay Marquis de Sade.

at dahil tinatamad akong i-type ang nasabing tula, naghanap ako sa net (the power of unlimited connection thank you sa trabaho) ng mga tula niya at isa ito sa mga nagustuhan ko:

Poor Angels
by Edward Hirsch

At this hour the soul floats weightlessly
through the city streets, speechless and invisible,
astonished by the smoky blend of grays and golds
seeping out of the air, the dark half-tones

of dusk suddenly filling the urban sky
while the body sits listlessly by the window
sullen and heavy, too exhausted to move,
too weary to stand up or to lie down.

At this hour the soul is like a yellow wing
slipping through the treetops, a little ecstatic
cloud hovering over the sidewalks, calling out
to the approaching night, “Amaze me, amaze me,”

while the body sits glumly by the window
listening to the clear summons of the dead
transparent as glass, clairvoyant as crystal.
Some nights it is almost ready to join them.

Oh, this is a strange, unlikely tethering,
a furious grafting of the quick and the slow:
when the soul flies up, the body sinks down
and all night—locked in the same cramped room—

they go on quarreling, stubbornly threatening
to leave each other, wordlessly filling the air
with the sound of a low internal burning.
How long can this bewildering marriage last?

At midnight the soul dreams of a small fire
of stars flaming on the other side of the sky,
but the body stares into an empty night sheen,
a hollow-eyed darkness. Poor luckless angels,

feverish old loves: don’t separate yet.
Let what rises live with what descends.

*** isa pang tula mula sa unti-unti ko nang nagugustuhang makata, si Naomi Shihab Nye.

Blood
by Naomi Shihab Nye

“A true Arab knows how to catch a fly in his hands,”
my father would say. And he’d prove it,
cupping the buzzer instantly
while the host with the swatter stared.

In the spring our palms peeled like snakes.
True Arabs believed watermelon could heal fifty ways.
I changed these to fit the occasion.

Years before, a girl knocked,
wanted to see the Arab.
I said we didn’t have one.
After that, my father told me who he was,
“Shihab”—“shooting star”—
a good name, borrowed from the sky.
Once I said, “When we die, we give it back?”
He said that’s what a true Arab would say.

Today the headlines clot in my blood.
A little Palestinian dangles a truck on the front page.
Homeless fig, this tragedy with a terrible root
is too big for us. What flag can we wave?
I wave the flag of stone and seed,
table mat stitched in blue.

I call my father, we talk around the news.
It is too much for him,
neither of his two languages can reach it.
I drive into the country to find sheep, cows,
to plead with the air:
Who calls anyone civilized?
Where can the crying heart graze?
What does a true Arab do now?

*** kung may isa akong gusto kay Billy Collins ay ito ang kanyang simplisidad sa pagtingin sa mga bagay-bagay. simula sa paggamit niya ng diction at tone, simple at kung minsa'y conversational pero may dating siya matapos basahin. at sa imahen, may tendency siyang maging simple sa pagbibigay buhay sa mga ito. tulad ng dalawang tula:

Questions About Angels
by Billy Collins

Of all the questions you might want to ask
about angels, the only one you ever hear
is how many can dance on the head of a pin.

No curiosity about how they pass the eternal time
besides circling the Throne chanting in Latin
or delivering a crust of bread to a hermit on earth
or guiding a boy and girl across a rickety wooden bridge.

Do they fly through God's body and come out singing?
Do they swing like children from the hinges
of the spirit world saying their names backwards and forwards?
Do they sit alone in little gardens changing colors?

What about their sleeping habits, the fabric of their robes,
their diet of unfiltered divine light?
What goes on inside their luminous heads? Is there a wall
these tall presences can look over and see hell?

If an angel fell off a cloud, would he leave a hole
in a river and would the hole float along endlessly
filled with the silent letters of every angelic word?

If an angel delivered the mail, would he arrive
in a blinding rush of wings or would he just assume
the appearance of the regular mailman and
whistle up the driveway reading the postcards?

No, the medieval theologians control the court.
The only question you ever hear is about
the little dance floor on the head of a pin
where halos are meant to converge and drift invisibly.

It is designed to make us think in millions,
billions, to make us run out of numbers and collapse
into infinity, but perhaps the answer is simply one:
one female angel dancing alone in her stocking feet,
a small jazz combo working in the background.

She sways like a branch in the wind, her beautiful
eyes closed, and the tall thin bassist leans over
to glance at his watch because she has been dancing
forever, and now it is very late, even for musicians.


Creatures
by Billy Collins

Hamlet noticed them in the shapes of clouds,
but I saw them in the furniture of childhood,
creatures trapped under surfaces of wood,

one submerged in a polished sideboard,
one frowning from a chair-back,
another howling from my mother’s silent bureau,
locked in the grain of maple, frozen in oak.

I would see these presences, too,
in a swirling pattern of wallpaper
or in the various greens of a porcelain lamp,
each looking so melancholy, so damned,
some peering out at me as if they knew
all the secrets of a secretive boy.

Many times I would be daydreaming
on the carpet and one would appear next to me,
the oversize nose, the hollow look.

So you will understand my reaction
this morning at the beach
when you opened your hand to show me
a stone you had picked up from the shoreline.

“Do you see the face?” you asked
as the cold surf circled our bare ankles.
“There’s the eye and the line of the mouth,
like it’s grimacing, like it’s in pain.”

“Well, maybe that’s because it has a fissure
running down the length of its forehead
not to mention a kind of twisted beak,” I said,

taking the thing from you and flinging it out
over the sparkle of blue waves
so it could live out its freakish existence
on the dark bottom of the sea

and stop bothering innocent beachgoers like us,
stop ruining everyone’s summer.

*** ginusto kong magbigay ng ilang kritisismo pero hilaw pa sa kung hilaw ako kaya inilgay ko na lang ang sa palagay ko'y ilan sa mga okey na tula.

Posted at 12:40 pm by nosferatujoe
Make a comment  




Wednesday, January 17, 2007
[Kaeklatan] Looking Forward 2007

*** nitong nakaraang sabado (january 13), napag-isipan naming magkita-kita ng mga kaklase noong hayskul dahil sa birthday ng sponsor ko sa CAT na si jaja. kahit papaano may ilan na sumulpot, ako pa nga ang pinakamaaga. the usual na ginagawa kapag may pagtitipon ay inuman, kaya ayun nag-vodka muna kami tapos strong ice. tapong inom lang. binasa ni jaja at ni alvin (isang kaibigan nila jaja mula sa up) ang kuwento ko. natuwa naman sila at may mga natanggap din akong magagandang feedback. ang pinakanagstuck sa akin ay yung sinabi ni jaja, 'para makaalis sa de-latang buhay, kailangan bang magpakamatay'. wika niya, kailangang di pang-indibwal na pag-iisip sa pagtakas ang gagawing solusyon, mas mainam kung sa ikakabuti ng mga nakakarami. gusto kong i-take in consideration ang mga sinabi niya (maliban sa comparitive lit si jaja, aktibo rin siya sa mga usaping sosyal). malaking tulong yun, marahil sa pagsapit ng 2007 iiwasan ko ang pagsusulat nang may pansariling perspektiba. kung may tatakasan ako, mainam na may isasama ko sa pagtakas. which leads me na dapat na akong magbasa ng mga pilosopiyang pangsosyal. masyadong manipis ang pananaw ko at hanggang sa rabaw lang ang kaya kong ibigay na solusyon. marahil sa pagbabasa ng mga ganito mas lalong lumawak ang paningin ko sa mga bagay-bagay. hindi lamang isang simpleng pagtanaw pero tumatagos hanggang ugat.

*** napag-usapan namin ang mga kaklaseng biglaan ang pagkakaroon ng pamilya. ilan na kasi sa amin nagsettle down na. nangako ako sa sarili na pagpatak ko sa edad na 24 dapat may anak na ako, kahit hindi nanggaling sa akin. iniisip ko na kasi na parang kabarkada ko lang ang anak kapag lumaki na siya. tipong kaya ko pang makipag-basketball sa kanya kahit binata na siya o maiintindihan ko ang kanyang pag-ibig kapag dalaga na siya. sa mga panahon na iyon wala pa marahil akong rayuma o hindi pa makitid ang utak sa pananaw ng maagang pag-ibig. pero evaluating, hindi pa ako financially stable. takot akong maghirap ang anak ko. sa panahon ngayon, mahal na ang gatas.

*** may mga bagay akong gustong gawin ngayong taon gaya ng pagkuha ng mas matinong writing study. pero sa kalagayan ko ngayon sa trabaho, mukhang malabo. kaya baka ngayong taon sa libro at internet na lang ako aasa sa mga bagay na gusto kong matutuhan at gawin.

*** nag-iisip ako ngayon kung sasali ulit ba ako sa mga contests. noong una, just for the sake of experience, ni hindi ko nga aakalain na mananalo ako. pero ngayon, may urge akong sumali para manalo. hindi ganito ang thinking ko, at kapag ganito ang nangyari natatalo ako. hate ko pa naman ang matalo.

*** dahil bagong taon, kinasasabikan ko ang magiging kaganapan sa local music scene. siyempre hindi ko na isasama ang 2nd APO Tribute Album at ang malamang reunion concert ng Eraserheads. focus tayo sa mga bandang kinakapanabikan kong magrerelease ngayong taon.

1.) Giniling Festival - given na sa website ng terno na maglalabas sila ngayon ng album. goofy metal. yan ang iniisip kong ibansag sa kanila, pero baka magbago once mapakinggan ang buong album. may nagsabi na huwag bumili ng pirata dahil sa may sorpresa sa kanilang packaging. ano kayo yun? ang masasabi ko, sa ngayon mas nagiging creative na ang mga artist hindi lamang sa kanilang musika pati na rin sa packages.

2.) Radioactive Sago Project - oo, ilalabas na ng tropa ni Louyrd de Veyra ang kanilang pangatlong album ang 'Tangina Mo! Ang Daming Nagugutom Fashionista Ka Pa Rin'. marahil isa itong malaking social commentaries sa kasalukuyan, halata naman sa kanilang unang single ang 'Wasak na Wasak'. speaking of that, napansin kong effective ang pagiging avant-garde ng kantang iyon.

3.) Los Chupacabraz - this poet's band fused new wave and blues to the melody and tongue-in-cheek novelty wits for lyrics. sa kasalukuyan isa sila sa may gumagapang na cult followings among the writers and artists. hinihintay ko ang kanilang album o kahit man lang LP.

4.) Cosmic Love - soul will be the flavor the year, pangungunahan nila with Sino Sikat and Pinoy Stories. evident din ang galeng nila sa Island Lovin collaboration nila with Nimbus9.

5.) Sino Sikat - raging testosterone, paano mapipigilan yan. sa mga observant ng local music scene, wala na silang masasabi. isa ang kanilang album sa mga pinakahihintay.

6.) Swissy - Terno has a new girl and her name is Swissy. last 'in the raw' na-impress ako sa galing nito. she sounds sweet and she got the spank.

7.) Panky Trinidad - guilty pleasure lang.

8.) Nyko Maca - electrosamba anyone?

*** iniisip ko rin maglagay ng mga featured poems, and fictions tapos bibigyan ko ng ilang puna o kritisismo. ang nakakatakot nga lang hilaw pa ako sa mga ganitong bagay kailangan ko pang pag-aralan ng mas malalim lalo na sa tula. pero magsusubok ako.


Posted at 10:37 am by nosferatujoe
Make a comment  




Tuesday, January 02, 2007
Top 10 OPM Albums of 2006

The year 2006 produced a descent amount of good music. Talagang din a papaawat ang mga artists sa paggawa ng OPM, from indie to mainstream they connected the every ear of music loving Pinoy. One good thing about the music of 2006 is that it crossed boundaries – soul can be mix with jazz, jazz can be with rock, rock with a tinge of bubble gum pop so on and so forth. In the year 2006, bossanova became a sensation toppling acoustic acts, tribute albums became the soundtrack of city life, and future hit makers were covered 24/7, quartered and learned in one academy.

Before the Chinese New Year, dapat may recap sa mga best of ng OPM. Nagawa ng mga neophyte band na makasama sa count down. Some where able to surpassed the sophomore jinx. Yung iba kahit nagpalit na ng pangalan nagawa pa ring patunayan na ang tunog lang nila ang nagbago. At siyempre nariyan pa rin ang mga stalwart ng OPM industry.

(May ibang album achieved critical praises pero di ko magawang isama dahil saw ala akong kopya nila, these included the heavy ‘Conflagration’ ng Cog, ‘Transit’ ng Spongecola, Sleepyhead’s, Skies of Ember’s ‘Endless Swoon’, The Dawn’s 20th Year album at ilang emo bands.)

10.) Manila High – Kala

Influenced by the 70s Manila Sound, this band fused funk, disco, jazz, and pop to create a funky and groovy debut album. Their first single ‘Jeepney’ ruled some music charts gaining them nationwide attention. Noteworthy tracks include the bossa ‘Southside’, the novelty ‘Tubero’, the title track ‘Manila High’ and the VST inspired ‘Bakbakan Na’. Continuous playing of the album gave you an infectious grooving.

9.) 2 Step Marv – Kjwan

When Marc Abaya left Sandwich for Kjwan, marami ang nag-speculate na mas lalong paangasin ni Marc ang dati nang maangas na grupo. It was not really Marc’s full attention that gave this band the additional bravado it was also Boogie Romero’s guitar licks. From their sunny feeling ‘One Look’ the band proves that they evolved from a hard rocking band to a more matured musicians. Nagawa rin nilang gawing sophisticated ang nasabing album with tracks like ‘Can’t Do That’.

8.) Strangely Paired – Outerhope

Siblings Mike and Micaela Benedicto proved that even an acoustic guitar and an electronic organ can produce an infectious debut album. This duo were compared to the dream pop heroes like Nick Drake, Coctaeu Twins, and Belle and Sebastian that shows us Pinoy is not lagging behind in terms of music. Micaela’s sweet and delicate voice swoons like a little playful girl that matches with the atmospheric duet of their instruments. From their playful instrumental track ‘Learning to Skate’ to the infectious power pop ‘Final Hour’ this album is so atmospheric that you wanted to listen it during rainy days or preferably reading a book. Notable tracks will include the bluesy ‘Makisama’, the whimsical ‘Sky High Blue’ and the playful ‘Another Daybreak’.

7.) Discotillion – Narda

There is no stopping with Narda. From their indie debut album effort to its punk-dance riot sophomore album they had always proved that they can kick. Walang kaduda, Katwo Librado is the hottest female vocalist in town (after posing for FHM, definitely she is). Her vocal is so intense and fiery that it gave the track ‘Molotov’ its continuous flame. Hindi rin maiiwasan na mapasayaw sa mga naggagalawang tunog ng mga synths and undeniably strong drum beats. This short-span album delivers an in-your face songs about riots, dance party, crazy antics, car chases, and relationships. Track after track, it is undeniably infectious to the effect of faster paper works and uncontrollable head-banging.

6.) Extra Rice – Chillitees

Sabi nila ulan daw ang ultimate mood setter para sa tao pero habang pinakikinggan ko ang album na ito hindi ko maiwasang sabihing Chillitees can be a good mood setter. From the groovy ‘Sama Na’ to the bittersweet ‘Ex’, this album proves to be sultry, refreshing, soulful, sweet, and jazzy that you wanted to try to listen to the whole album again. One good thing about this album is that they employed the elegance of the Filipino language. Ginamit nila ang Tagalog and avoided the clichés that most RnB bands where doing which gives them an edge over Southborder and Freestyle.

5.) Queso – Queso

No they are not a new band, and their music – evolving. Tawag sa kanila dati’y Cheese at ang kanilang mga taga-sunod Tropang Daga, pero sa album cover pa lang pinatay na ang daga kaya intriguing ang dating ng bagong Cheese. Kung ang ilang nu-metal band ay nag-shift na ng tunog, sila, mas lalong pinahusay. Pinaghalu-halo nila ang iba’t-ibang genre para mas lalong umaangas ang tropical grunge nila. A steady mix of jazz, electronica beat, hip-hop, and the occasional reggae. Siyempre sino ang hindi magkakamali sa kanilang mouthful lyrics na binibigkas ni Ian Tayao. At ang ilang best tracks sa album ay ang ‘Furlan’, ‘Insekta’ , “santa Maria’ and the collaborated effort with the spoken-jazz genius Louyrd de Veyra, 'Billy Boy'.

4.) Tala-arawan – Sugarfree

Take a peek at Ebe Dancel’s diary. Mas personal ang dating ng album na ‘to para kay Ebe, nagsulat siya ng mga kantang naayon sa kanyang nadadarama, simula sa takot sa pagtanda (Salamin) hanggang sa sarkastikong hirit sa mga taong nangungutya (Ang Pinakamagaling na Tao sa Balat ng Mundo). But what makes this album special is that Ebe proved his worth as a honcho of mainstream pop-rock. The melody of the songs will stick in to your head na gugustuhin mong i-hum matapos ang ilang spin ng album. Adaptation. Nag-adapt ang bagong banda sa bago nilang kabandang si Kaka Quisimbing matapos umalis ang dating drummer na si Mitch. Sumasakto ang dating tunog nila Ebe sa mga drum beats ni Kaka, at si Kaka umaayon ang mga palo sa tunog ng Sugarfree. Mutualism kumbaga. ‘Ikaw Pala’ is a mellow song, walang kaduda-duda ang sentimentality ni Ebe pagdating sa mga ganitong uri ng mga kanta. At kung gagawa ng panibagong commercial ang mga network provider, paniguradong ‘Dear Kuya’ ang papatok sa mga utak ng mga taga-ads. At di mawawala ang mga break-up songs na gaya ng ‘Kung Ayaw Mo Na Sa Akin’ na hinaluan ng siste, at ang ‘Reunion’ bilang sequel ng kantang ‘Prom’ from their sophomore album.

3.) Blue Monsoon - Sound

From their previous positive debut album, Sound, this time took us to the darker and sober Manila, this may attributed to the inclusion of Malek Lopez (Drip, Rubber Inc) to the creative forces of the band. Sa first track (Blue Monsoon) palang gusto mo nang humiga at namnamin ang mga imahen na isinulat ni Sach Castillo, pero sa maiiging pagdarama mas kapansin-pansin ang loneliness sa pagbabago ng panahon. Ang isa sa maganda sa album na ‘to, mas nagbigay sila ng pansin sa mga kantang nasusulat sa Tagalog. Their debut effort only featured Habulan as a Tagalog track, now mas madami isama mo pa ang mahabang version ng ‘Di Na Natuto’. They sound like Steely Dan sa mga tracks na tulad ng ‘Where to Go From There’ and Corduroy sa instrumental track na ‘Let Get It Back’. They are not just a jazz fusion band, they tried to mix funk and electronica sa Jamiroquia-ish track ‘The Trouble With Me’. Notable tracks include the noir-ish ‘Turpentine’ (tribute track for the jazz goddess Billie Holiday), the darkest song in the album ‘Idlip’, the hypocrite-friendly ‘Maskarahan’, a tribute to Manila Sound ‘Maynila’, and the disillusioned “Bagong Siglo’. (Try ko gumawa ng album review nito)

2.) Fragmented – Updharma Down

When Armi and the band came out to the music scene via this album, kaliwa’t kanan na ang mga praises na natanggap nila, at kasama na rito ang respeto ng mga taga-industriya ng musika. Sa kanila nagsimula ang term na ‘fusion’ because their music can’t be classified as rock, jazz, pop, soul, triphop, or drum and bass, but one thing is for sure, spin after spin, siguradong bago mo nang mantra ay ang vocal prowess ni Armi Millare, the solid rhythm from the bass of Paul Yap, the affectionate guitar lines of Carlos Tanada, and the powerful drum beats of Ean Mayor.

1.) Flipino – Dong Abay

Dong Abay is what Lino Brocka is for film. Both persona captured the scenery of Philippine condition. Kung drama si Lino Brocka, wit ang pinagagana ni Dong Abay. ‘Awit ng Kambing’ can be compared with Lino Brocka’s ‘Insiang’. ‘Perpekto’ was Dong Abay’s answer to Lino Brocka’s ‘Tinimbang Ka…’. Kung hirap naman ng buhay ang pag-uusapan, parehong huli ng dalawa ang tunay na kalagayan ng mga mamayang Filipino. Si Brocka ay may ‘Maynila: Sa Kunko ng Liwanag’ samantalang si Dong Abay ay mayroon naming ‘Mateo Singko’. Sa ilang ulit na pagpapaikot ng album na ‘to, mas magbubukas ito ng karagdagang mata sa tunay na kalagayan ng Filipinas.


Posted at 10:41 am by nosferatujoe
Comments (6)  




Previous Page Next Page



   





<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31

Sources of Knowledges

  • Electronic Encyclopedia

  • De-kuryenteng Dyaryo ni Gates

  • Diyaryo sa Net

  • Mga Tula at Makata

  • Tula para sa Kinahong Alamat

  • Diyaryo sa Net

  • Panitikan Para sa Bayan

    Mga Kapanalig

  • Marie, the Muse, the Diva

  • Oliver, the Saint Vladymir

  • Coreen, Sue Len in California

  • Allan and Jane, the Jacklyn Jose Admirer

  • Ian, The Cursed

  • Dong Abay, Ang Bagong Flipino

  • Kiko, LIRA

  • Mary Ann, Ang Umiiyak na Alitaptap

  • Mark Angeles, Soulfly

  • Charles, Katomang Siquey

  • DodoBird's Music Review

  • Apartment ni Mykel

  • Sarah Crespo, ang Muse sa Avenue

  • Nostalgia Manila

  • I Love Honey ni Elaine

  • Waytbord nila Ergoe en Nanoy

  • Mga Murmur ni Ninong

  • Sushi Journal ni Eunice

  • Ronald, The Wind-Up Tool

    Music, the Food of the Hungry Thoughts

  • Bridge

  • Coffeeshop Conspiracies

  • Daydream Cycle

  • Acid 42

  • Hellbender

  • Kinkyhooters

  • Drip

  • Updharma Down

  • Brian Cua

    SONG OF THE MOMENT


    Habulan - Sound


    ganito pala ang mundo
    matulin ang takbo
    laging naghahabol sa pangako
    bilisan, bawat hakbang
    nahihilo
    isang ulila sa gitna nitong gulo

    sari-saring damdamin
    halu-halong hangarin
    naghahabulan

    tagumpay nalumbay
    sa kamay ng kapalaran
    o taya ka na naman
    takbo, takbo, sana’y makarating
    sa wakas ng pagkatuliro
    sa pag-ikot nitong daigdig

    habol nang habol

    pagkakataon di palalagpasin
    di magpapahuli kahit sandali
    huwag na sana maiwan muli

    bilisan, bawat hakbang
    may dalang pag-alinlangan
    papunta, pabalik
    nagbibilang ng saglit, heto na
    ba’t lagi pang natataya?

    manipis ang silip ng buwan
    di namamasdan
    ang paglipas ng oras
    nangangapa pa rin sa dilim

    habol nang habol
    sana’y makarating









  • Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




    rss feed