Imagine you're messing around in bed with your boyfriend and things get spicy, so he turns off the lights.
bitin ka na ba? naatat kung anong meron? o heto na...
He goes to freshen up at the toilet and after a while he's back, and you start off. Then you switch the lights on, and find that its his brother even though your boyfriend was the one who switched off the lights in the first place.
This is the bizarre case which happened in Germany.
Manfred Schuh was so embarrassed by his penis size that when things started to get 'hot' he'd switch off the light, tell his girlfriend he's going to the bathroom to freshen up and send his 28 year old brother Walter, yes his brother, to continue the sex session.
The astonishing thing is that this routine was successful for two whole months, when one of the times the woman decided to switch on the lights and remained shocked to see her boyfriend's brother!
Manfred Schuh said he feared his 24 year old girlfriend would leave him if he didn't "perform well", so he setup his brother to do the sex stuff.
The bizarre escapade could cost the two brothers dearly, as they are now facing criminal charges.
A police spokesman said: 'She apparently had no idea. Both men look similar as they are brothers, and the older brother made a point of not speaking when he was impersonating his younger sibling.'
Personal opinion ko, at least wala silang sibling rivalry.
Sa Sanga-sangang Salita: Isang Paghahanap sa Simula ng Paglalakbay
(isang pagpupugay para sa Buwan ng Wika)
Hindi ko maipagmamalaki na isa akong polygot, sa katunayan, hindi ako bihisa kahit sa English. May malaki akong insecurities ukol sa lengguwaheng ito. Sabi nga minsan sa isang assessement ng katatapos ko lang na interview, 'articulate but lacks the fundamentals of grammar.' Sa panahon ng globalisasyon at call centers, kaliwa't kanan ang nagpapagalingan ng kanilang accents at ang iba nag-aaral ng ibang wika upang maging marketable. Pero hanggang saan nila nahanap ang kanilang sariling salita?
Ako? Ewan. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin kung saan ako magsisimula.
Ang Mga Salitang Bastos
Namulat ako sa Tagalog, Tagalog ng mga taga-Maynila. Urbanisadong Tagalog, kung saan naghahalo ang balbal at Taglish. Noong bata kami bawal sabihin ang mga salitang 'titi', 'pekpek', at 'kantot' dahil hindi raw ito kaaya-aya pero ang totoo ito ang mga salitang una kong natutuhan. Sa eskinita ng Pepin (na Marzan na ngayon) sa Sampaloc, pabulong kung nadidinig ang mga salitang 'yan mula sa mga tindera kapag unsyami sa mga tumatawad ('Pekpek mo, doon ka bumili!), sa mga namamalengkeng muntikan nang madulas ('Ay! Titi ng kabayo!') at mga matanserong nagkukuwentuhan ('Nakantot mo na ba yun?'). Kapag sinabi mo yan sa harap ng matatanda, kakastiguhin ka nila na para bang isang sagrado ang mga salitang iyan na hindi basta-basta sasabihin ng mga bata. Sa kasagraduhan, kailangan pa ng lisensya. Masunurin akong bata, at ang pangaral ng mga magulang ang sinunod ko kaya kailanman noong kamsumusan ko hindi ko nasabi ang mga katagang yan. Hindi lang diyan natatapos ang mga restrictions sa paggamit ng salita noong bata pa ako, isinama na rin ng mga matatanda ang mga salitang 'gago', 'tangna', 'putangina' kahit araw-araw nadidinig mo ito sa mga tambay sa palibot ng Trabajo Market. Kapag nasasambit ko ang mga salitang ito dati, mabilis kung tinatampal ang bibig ko at nag-'sosorry God' ako. Kung naalala ko nga yan, gusto kong matawa. Dahil sa restrictions, napipigilan ang paghahanap natin sa wika.
Nasa high school na ako nang malaya kong nagagamit ang salitang iyan, 'yun nga lang sa salitang ginagamit sa probinsya namin, ang Masbate. Naging 'buto' ang 'titi', naging 'putay' ang 'pekpek', at naging 'itot' ang 'kantot'. Dahil teenager, mabilis lang ang pagbitaw ng mga salitang ito. Kumbaga, ang mga salitang ito ay parang tubig na dumadaloy sa gripo, binarhan ng kamay para pigilan at biglang pinakawalan. Ang nakakatawa nga lang, dahil sa diversion ng wika, naging katanggap-tanggap ang 'titi', 'pekpek', at 'kantot'. Sabi ko nga sa isang kakilala, tinatanggap ang salitang ganito tulad ng pagtanggap sa mga salitang 'vagina', 'penis' at 'sex' dahil sa mas 'nakakaangat' ang mga salitang ito. May hierarchy sa wika. Tatanggapin ang mga salitang bastos batay sa taas ng antas ng isang wika. Kung itutuloy ang ganitong pananaw, hindi ba isa ring uri ng pagpipigil na mahanap ng isang tao ang kanyang sariling salita?
Ang Masbate at Ang Halo-halong Salita
Grade five ako nang lumipat kami sa Masbate. Mainam na nga raw sa probinsya ng mga magulang ko manirahan dahil sariwa ang lahat -- sariwang pagkain, hangin at tanawin, ngunit hindi ang wika. Madalas kapag may bumibisitang kamag-anak sa amin sa Minasbate sila nagsasalita kaya hindi na dayuhan para sa amin ito. Kaya kapag kinakausap kami sa salitang ito, may kaunti na kaming alam. Unang linggo palang namin doon nakakapagsalita na ako ng isang diretsong Minasbate na hindi generic na mga pangungusap (ito yung mga pangungusap na nakukuha sa mga How-to-Speak books, at mga dictionaries). Kinailangan lang talagang matanong ka para mabilis na makaunawa at makapagsalita.
Sa unang linggo doon ko lang naunawaan na hindi sariwa ang diyalektong Minasbate. Sa katunayan, halo-halo ang mga salitang ginagamit, simula sa kaunting Bikolnon hanggang sa Sugbuanon. Ang tunay na Minasbate, kakaunti na lang ang nakakapagsalita. Hindi ko nga rin matukoy kung alin doon ang mga authentic na salitang Minasbate. Kung hahanapin ko ang tunay na amin, kailangan kong magpasikot-sikot sa sanga-sangang mga salita. Kailangang alam mo nang lubusan ang mga salita ng mga Boholnon, Sugbuanon, Waray, Ilonggo, at Bikolano. Madalas mas napagkakamalaang Bisaya ang salita namin dahil sa dami ng mga salitang ginagamit mula sa nasabing rehiyon. Hindi ko rin iyon masisisi, ang tanging libangan ng mga tao roon nang dumating kami ay makinig sa mga transistor radio, mga AM stations kung saan merong drama. Ang signal lamang ng AM ang kayang makatawid sa amin dahil sa ground signal na ginagamit nito. Mas lalong napapalayo ang abot ng signal dahil sa conductivity na binibigay ng dagat na siyang halos pumapalibot sa isla ng Masbate. Kung gaano kabilis at kalawak ang mga nasaasakop ng mga AM signals ganun din ang mga wikang hatid ng mga palatuntunan nila. Isa pang dahilan ay ang migrasyon ng mga taga-Visayas patungo sa amin. Kung tutuusin, maganda ang heyograpiya ng Masbate. Kung titingnan sa mapa, nagsisilbing puso ang islang ito na hugis baril. Kaya ang ilang taga-Visayas, nagawang manirahan dito dahil sa lapit sa Luzon at lapit sa Visayas.
Noong nakaraang taon, sa lecture ni Virgilio Almario hinggil sa reklamasyon ng Pambansang Gunita, nabanggit niya ang tungkol sa pasyon ng mga taga-Masbate. Wika niya, para raw Arabic ang ritmo at kung tutuusin dala ito ng otentikong Minasbate o Masbateno. Napakuwento tuloy ako nang wala sa oras hinggil sa suliranin nang unti-unting nawawalang wika ng aming probinsya. Gusto kong bawiin ang unti-unting naglalahong mga salita. Pero paano ko ba sisimulan? Ni isang hakbang di ko pa nagagawa. Aaminin ko rin na hindi ako marunong magsulat sa Minasbate na para bang hindi naging bahagi ang wika sa humigit-kumulang sa buhay ko. Naiingit nga ako sa ilang manunulat na nagagawang makapagsulat sa kani-kanilang wika.
Isang pag-uwi ang simula ng paglalakbay.
Kill My English
Nasambit ko na sa simula na hindi ako magaling sa salitang ito. Noong high school, madalas kong na-propronounce ang salitang 'chaos' ng 'tsaws' o naisusulat ang 'genius crime' imbes na 'heineous crime'. Mas lalong nawalan ng direksyon ang aking English nang nagawa kong pumasok sa Mapua. Dito, sinasantabi ang profeciency sa salita at pinapalitan ng technical expertise. Solb na kami sa mga wrong grammar sa report dahil wala naman kaming makikitang pulang tinta kapag sumablay ka sa subject-verb agreement o may mali kang article na ginamit. Ang importante, malinaw ang paliwanag mo tungkol sa isinagawang experiment. Karamihan sa mga estudyante naging kampante na sa Mapuan English nila hanggang maging excuse ito kapag binabatikos ang paraan ng pag-Iingles.
'Hindi namin kailangan ang subject-verb, mas kailangan namin ang Fourier series, ang Newton's Law of Motion, ang integral, ang derivatives, ang sine at cosine.' Ito madalas ang sinasabi namin. Sa technical you-know-how, magaling kami pero sa English, hayaan na natin yan sa mga hindi makapag-math. Yan ang confidence ng isang Mapuan. Ang confidence na dinadala ko noong nag-aaral pa ako, ngunit sa totoong buhay, magiging insecurities ko sa paghahanap ng trabaho.
Naging malinaw sa akin ang lahat noong ininterbyu kami sa isang call center. Network Engineer talaga ang gusto naming pasukan ng isang kaibigan na isa sa mga editor ng The Builder sa Mapua pero inilagay kami bilang Techical Support Representative. Gusto na nga namin mag-backout ngunit sa layo ng biniyahe namin, nasa Market Market yung kumpanya, napilitan na kaming magpainterbyu. Practice nga naman. Natapos ang interview at lagapak kami pareho. Ayon sa assessement (na magandang method para malaman ng aplikante ang kahinaan niya) sinabi sa akin na magaling daw akong magbigkas ng mga salita ngunit nakakalimutan pa rin ang fundamental grammars, samantalang sa kasama ko, sinabi ng interviewer na hindi daw siya articulate pero gamay niya ang grammar. Sa batch ng mga ininterbyu kami lang ata ang lumabas na nakangiti parang balewala lang ang lahat, ngunit sa loob-loob ko may kulang pa sa akin. Basic lang ang problema ko yun pa ang nakalimutan. May halong inis din kahit papaano.
Dito sa Pilipinas, kung gusto mong magseryoso sa pagsusulat kailangang gamay mo ang English. Ito kasi ang salitang nakakataas partikular sa negosyo, pagkalat ng impormasyon, at kahit pagbuo ng mga malilikhaing akda. Kung tutuusin, lahat ng mga ad agency nangangailangan ng mga magagaling na English writers, lahat ng mga pahayagang malalaki ang kinikita nasa English, at ang magazine na may literary pages ay nasa English (maliban na lamang sa Liwayway, ngunit madalas kinukonsidera ang magasin na ito ay magasin ng mga bakya). Ambisyon ko sa kasalukuyan ang ma-publish ngayong taon, at dapat sa English kaya sinusubukan kong aralin ulit ang basic ng grammar ng English. Sa palagay ko malapit na rin iyon.
Paglalagom/Pagsisimula
Kung lansangan lang ang mga salita, marahil nagkandaligaw-ligaw na ako. Madalas, hindi ko alam kung saan magsisimula. Minsan, alam natin kung saan ang simula ngunit may pumipigil sa atin. Kung talagang nais kong matunton ang tamang lansangan ng wika, kailangang maisamapa ko ito. Sabi nga sa kasabihan, lahat daw ng katapusan, may simula. Kailangang mahanap ang ugat ng Babel para tuloy-tuloy ang paglalakbay -- ang paglalakbay sa sanga-sangang salita.
Kaakibat na ng Tondo ang karahasan. Hindi ba noong mga naunang mga dekada, kinakatakutan ang Tondo dahil sa mga basaguloero sa lugar. Mga taong may tatak ng karahasan. Sa pelikulang ito, ipininta ni Jim Libiran ang karahasan ng kasalukuyan. Mga kabataang nakasuot ng mga maluluwag na damit, mga nakasuot ng bling, at mga nag-frefrestyle rap - sila ang bagong henerasyon ng mga siga ng Tondo. Wala na ang mga maton ng Sigue-sigue OXO at Bahala Na. Sabi nga sa narration ng pelikula, 'Sa Tondo, Bata ang Diyos'. Isa itong pagjujuxtopse sa kultura ng Tondo, isang makulay na kultura ng pagsasampalataya kay Santo Nino, at ang madugong kultura ng gang war.
Epektibo ang medium na ginamit sa pelikula. Animo'y isang documentary film lang ang ginawa ni Libiran, na isa ring dokyumentarista. Pinakita niya ang buhay ng Tondo sa pamamagitan ng mga mata ng batang si Ebet, isang batang nakakahanap ng pamilya sa lansangan kasama ang ilang mga gangsta. Umikot ang kuwento sa loob lamang ng halos 24 oras, sa pagitan ng mga oras na may napatay na isang miyembro ng isang tribu (ang tawag sa gang na umiiral sa Tondo).
Makabuluhan na tingnan ang iba't-ibang buhay ng mga tauhan sa pelikula. Nariyan si Makoy na malapit sa kanyang ama ngunit kapag nasa gang ay nagpapalit ng anyo bilang isang matapang na gangsta. Nariyan din si Gege na isang mabuting anak at kapatid, at palabirong kaibigan na nabubuhay bilang isang marahas na teenager. Sa bawat pagpipinta sa mga tauhan, nabubuo ang ideya ng karahasan -- na ang lugar mismo ang salik ng karahasan. Na kailangan mong maging marahas upang mabuhay sa marahas na pamayanan. Maayos naipakita nila Shielbert bilang Makoy at Chabelita (dahil ito ang tawag sa kanila nila Shielbert sa LIRA) bilang Gege ang mga karakter na ito, na halos kapani-paniwala ang kanilang pagganap. May puwang ang pag-ibig ngunit panandalian lamang, ito ang punto ng pagkamatay ni Dennis na isa sa mga tauhan. Nakakatawa nga ring isipin na may bahid ng pulitika ang pelikula lalo na sa usaping social class. Ang mga agrabyadong tribu, ang SBT na pinamumunuan ng karakter ni Jamir Garcia ng Slapshock ang siyang kumakatawan sa mga dugyot at iskuwater ng Tondo, samantalang ang tribung kanilang kalaban, ang Diyabloz, ay siya namang kumakatawan sa maykaya ng Tondo. May maliit na papel ang isa sa mga indie direktor sa pinas na si Sigfried Barros Sanchez bilang isa sa mga gangsta. Naging epektibo ang kanyang papel dahil sa itsura niya agarang nakakabuo ng angas at astig na aura sa kanya.
Hindi rin glorified ang karahasan bagkus kung titingnan nang maiigi, malayo ang kuha ng camera. Umiiwas sa gulo, tila isang mata lamang na sumasaksi sa bayolenteng kaganapan. Sa Tondo, hindi tilaok ng manok ang batayan ng pagsapit ng umaga kundi mga iyak ng mga pinapatay na mga hayop. Magandang device ito upang mag-foreshadow sa mangyayaring rambol kinagabihan. Sa pagitan ng mga iyak, nagtatago ang halakhak, ang iyakan, ang inuman, ang rap, at karahasan.
Hindi ko maiwasan maikumpara ang pelikulang ito sa mga pelikulang tulad ng Gangland ni Peque Gallaga at Cidade De Deus (City of God). Ang dokyumentaryong istilo at pati na rin ang kuwento ng mga tauhan ay halos sumasalamin sa Gangland, samantalang ang karahasan at ang pagkuha sa buhay Tondo ay halos kapareho ng Cidade de Deus.
Sa mga pelikulang napanood ko sa Cinemalaya masasabi kong ito ang pinakamaganda, bias aside (dahil sa palagiang plugging ng ka-LIRAng si Sir Jim at ang ilang artistang taga-Tondo ay fellows namin ngayon). Dahil hindi sa karahasan umiikot ang pelikula, kundi sa masusing pagsasalamin ng Tondo.
Dito sa Tondo, Bata ang Diyos.
Still Life ni Katski Flores
Sa unang tatlumpung minuto ng pelikula, halos antukin ako. Medyo dragging ang atake ng narration. At kung kailan nagkaroon ng mga light moments saka ako ginanahang manood thinking na magkakaroon ng pag-iibigan sa dalawang tauhan. Ang kuwento, tungkol sa isang pintor na nakakaranas ng isang kakaibang sakit kung saan maari siyang maparalisa. Napag-isipan niyang tapusin ang buhay sa isang rest house nang dumating si Emma, na may dalang aral mula sa buhay. Kung tutuusin para lamang siyang isang self-help film. Isang pelikulang nagtuturo ng kung ano ang buhay, at kung papaano nating tingnan ang buhay. Maganda ang twist ng pelikula although sa simula ng pelikula makikitaan mo ito ng predictability, at bigla na lamang nawala sa kalagitnaan. Ang pintor nama'y parang isa lamang stock character ng mga artists, mayabang, ma-pride, at deppressive. Burgis na burgis nga raw ang dating. Masyadong artsy-fartsy na halos naging one-dimensional lamang siya sa kabuuan ng pelikula at tanging sa dulo lamang talaga nakitaan ng pagbabago. Maayos ang naging treatment ni Ron Capinding bilang pintor ngunit nasayangan ako dahil may ilang linyang di ko maintindihan, dahil siguro masyadong mahina ang pagsasalita o di kaya animo'y nakakain ang mga salita.
Maganda ang trato ng direktor pagdating sa kamera. Kinukuhanan niya ang ilang bagay at inilalagay sa frame, animo'y naging isa na rin silang painting. Maganda ang location at napaka-secnic ng mga kuha. Maganda rin ang scoring at ang theme song ay ang 'Comfort in Strangeness' ni Cynthia Alexander, na akmang-akma para sa pelikula.
Pisay ni Auraeus Solito
Sabi nga sa kanta ni Ate Shawie, pinakamasaya ang highschool life, pero gaano ito katotoo sa mga estudyante ng Pisay o Phillipine Science High School noong dekada 80. Tinaguriang mga nerd ang mga estudyante ng prestigious school na ito. Libreng pag-aaral, libre gamit, pati allowances libre. Ang mahirap nga lang ay ang standard na kailangan mong sundin. Kada taon may nalalagas sa isa sa mga kaklase mo. Natatanggal kasi hindi nakakayanan ang pamantayan ng paaralan. Sa pelikulang ito ni Auraeus Solito (ng Maximo Oliveros), sinubukan niyang gawan ng kuwento ang mga estudyante ng paaralan. Epsiodic ang atake niya at sinubukan niyan gumawa ng kuwento bawat isang mag-aaral sa kada taon sa hayskul. Dito, napatunayan na magaling na direktor si Auraeus pagdating sa mga coming of age films.
Sa episode na Freshmen, isinalaysay dito ang kuwento ni Rom. National quiz bee champion siya ngunit naging alternate lamang sa Pisay bago ito nakapasok. Magaling siya ngunit kuntento na lamang na makakuha ng tamang grado. Sa episode na ring ito, sinubukang talakayin ang teenage love, ang crushes, at relationship. Hindi gaanong na-explore ang ideyang ito para sa akin. Lumabas na parang sagabal ang relasyon sa pressured na pag-aaral.
Sa episode na Sophomore, pinakita naman ang pagiging alienated ni Mat sa mga kasamahan niya sa dorm. Para sa kanya, para siyang nakabilanggo sa Pisay at dorm. Sa lahat ng mga tauhan sa pelikula kay Mat ako nagkaroon ng simpatiya, dahil sa alam ko kung papaano mabuhay nang mag-isa habang nag-aaral, at ang problema ng pagtitipid ng baon para mabili lamang ang gustong mabili. Para kay Mat, ang pagkakatanggal niya sa Pisay ay isang tagumpay.
Sa episode na Junior, usaping politikal ang umiiral dito. Pero dapat nga bang ang isang morenang babae, at the same time nanggaling pa sa minority group ang magsalita ukol sa pulitika? Medyo stereotypical ang naging atake rito, lalo pa't binigyan siya ng love interest na eventually magiging corp commandant pagdating ng senior year. Para sa akin, nahinahaan ako sa dating ng kuwento ng episode na ito, ngunit nasiyahaan ako at nabigyan ng importansya ang kuwento ni Apo Macliig.
Para sa akin, ang episode na Senior ang pinakamaganda. Usapin sa pagpili ng iyong tatahaking karera sa buhay ang naging pokus ng kuwento. Hindi rin katakataka na maaring authobiography ito ng direktor na isa ring alumnus ng Pisay. May elemento ng pagiging surreal ang atake ng kuwento, may panning ng camera na sadyang nakakatuwa at ang mga lumilipad na balahibo ng mga manok ay nakakadagdag sa elementong ito. Isinama na rin sa episode na ito ang ilang usaping pulitikal kasama ang pagsama ng mga mag-aaral sa EDSA Revolution.
Overall, naging kaaya-aya ang pelikula kahit may ilang karakter tulad nila Rom ang sadyang napabayaan na lamang matapos ang kanyang episode. Kakaunti rin ang development ng mga tauhan kaya nakakahinayang. Ang maganda sa pelikulang ito ay ang script. Maaring maihalintulad ito sa dulang Proof kung saan ang mathematical equations at scientific theories ay ginagamit bilang representasyon ng buhay.
Matapos mapanood ang pelikula, nagkaroon ako ng sudden nostalgia sa sarili kong highschool life.
Tukso ni Dennis Marasigan
Sa simula nang pelikula, parang ang hirap na hindi mo ikumpara ito sa mga naunang pelikulang tulad ng Salome at Rashomon. Isang panghihinyaang dahil sa isa sa paborito kong pelikula ang Sa North Diversion Road na dinerehe ni Marasigan. Sa pelikulang ito, nagmistulang paulit-ulit lang ang mga shots na ginamit na sa puntong wala kang papanigan kundi hihintayin mo na lamang kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Monica, na halos predictable na kung sino matapos ipakita ang ilang suspek. Kahit magpaulit-ulit, naghahanap pa rin ako ng variations para hindi maiwasang sabihing, 'alam ko naman yan bakit pa uulitin, tingnan ko na lang mamaya para makonekta ang istorya.'
Endo ni Jade Castro
Ang buhay ni Leo ay puro endo, o end of contract. Isa itong pelikula tuingkol sa mga contarctual, tungkol sa pagiging breadwinner na anak, at tungkol sa pag-ibig. Isa ito sa mga pelikulang indie na may kakayahang humakot ng mainstream audiences dahil sa mababaw na kuwento at cheesy na mga dialogues. May maganda sanang impact kung maayos na ginamit ang Endo, isang tunay na kalagayan na nararamdaman ng bawat contractual na empleyado. Para kay Leo, tinitingnan na niya ang bawat katapusan ng kanyang kontrata bilang panibagong yugto sa kanya, wala yung anxiety na tumagal siya sa isang trabaho. Kabighabighani naman dito si Tanya, ang tauhang ginampanan ni Ina Feleo. Ang lalim sa pag-arte ni Feleo ang halos sumagip sa pelikulang ito lalo na yung huli niyang tagpo.
Masyado ata akong umasa sa pelikulang ito tulad ng isang kostumer na kaaga-aga kumatok sa pintuan ng saradong resto upang kumain ng Goto Galore ngunit sa huli ay isa lamang promo.
Hindi ko na rin nagawang panoorin ang ilang short films lalo na't may ilang ayus naman kung titingnan. Trip ko yung Rolyo at Doble Vista, sa una dahil sa fan ako sa mga kuwento ni Alvin Yapan at sa huli dahil sa angas ng theatrical poster nila. Hindi ko rin nagawang panoorin ang Kadin (isang pelikula sa paghahanap sa nawawalang kambing kung saan ang diyalektong Ivatan ang ginamit sa pelikula), Sinungaling na Buwan (na mukhang maganda ayon sa mga narinig ko), Gulong (isang mala-Magnifico na pelikula), at Ligaw Liham (set during the 70s, inspired by a true story). Hanggang 28th pa naman ang Cinemalaya kaya gagawan ko ng paraan na makapanood ng isa pang pelikula bago sila ilipat sa UP sa mga darating na linggo.
** kapag may nababasa kang nobela, minsan, napapaisip ka na lang kung ano kaya ang kalalabasan nito kapag naging pelikula. halos taon-taon maraming pelikula ang naipapalabas na hango sa mga nobela. sa kasamaang palad, hindi gawain ito ng mga pilipino. halimbawa, tanging mga nobela ni rizal at sa kasalukuyan ang kay lualhati bautista ang naisasapelikula. bakit walang pelikula na hango sa mga nobela nila kerima polotan, f. sionil jose, edilberto tiempo, at iba pa (aaminin ko, hindi ako masyadong nagbabasa ng mga nobelang nakasulat sa filipino). maganda sanang ideya ito upang sa ganun mabuhay ang dalawang larangang madalas isinasantabi natin, matinong pelikula at matinong panitikan. maari ring gamitin ang mga nobelang ito bilang educational tools para sa mga mag-aaral. mabuti pa nga ang mga lumang komiks nila gilda oldivado, mars ravelo, francisco conching ay nabibigyang pansin sa kulturang popular by movies and tv shows. kelan kaya magiging popular ang mga nobelang pilipino? kailangang may isang maverick na director ang magtataguyod ng ganitong adhikain, ang isabuhay ang mga nobela bilang isang pelikula. sana nga, sana.
** dapat masaya ang tone ng entry na 'to, tagal ko ring nawala. bumalik man ako, kalibugan pa pinagsasabi ko. napagalitan pa ako ni mommy angel ko dahil sa pagpost ko ng retrato ni beng calma. bilang pagpapakalma (no pun intended), heto ang trailer ng movie adaptation ng Golden Compass ni Phillip Pullman:
maganda ang nasabing nobela, alternate reality ang pinaka-premise at nalalayo sa pagiging tolkien na iba ang munong ginagalawan. sa mga di pa nakakabasa, ang golden compass ang unang libro sa his dark materials trilogy. maganda ang konspeto ng nobela dahil sa nakatuon ito sa mundong naka-parallel mismo sa ating mundo kung saan ang mga kaluluwa ay may physical manifestation na kung tawagi'y daemon. siyempre ayokong magbigay ng karagdagang detalye baka ma-spoil ka pa at di panoorin ang pelikula.
debate ang truthfulness ng adaptation sa orihinal na materyal. ito naman lagi ang nagiging problema sa ilang adaptations. masyadong nag-ooversight ang mga gumagawa ng pelikula kaya pumapangit. kadalasan nangyayari ito sa mga orihinal na materyal na may mataas nang antas, may sarili ng followings. may ilan naman ang mas umaangas sa kadahilanang may napansin ang mga gumagawa ng pelikula na may kulang pa sa orihinal na materyal.
ang nakakatakot lamang sa pelikulang ito ay ang pagtanggal sa mga usaping pangrelihiyon. mukhang mahihirapan sila kung papaano gagawan ng kuwento ang pangatlong nobela kung saan haharapin nila ang isang 'divine' entity. kahit din sa pelikulang ito, may ilang ideya na baka hindi masustain ng maayos. halimbawa, magmumukhang familiar lang (alaga ng mga witches at wizards) ang mga daemon, kung saan nga sila ang physical manifestation ng mga kaluluwa. nakakatakot kung magkaganun. pero hindi ko naman nakikitaan ng problema ang casting. para sa akin, ayus lang ang casting nila. tamang si eva green ang kinuha nila serafina pellaka, si daniel craig bilang lord asriel, sam elliot bilang lee scottersby, at nicole kidman bilang mrs coutler.
overall kaabang-abang na ang pelikula. may mga moments kasi sa trailer na nagbibigay sa'yo ng excitement tulad na lamang noong duwelo ng dalawang polar bear. at samahan pa ng marketing strategy sa unang bahagi, tiyak gugustuhin mong mapanood ito kahit di mo pa nababasa ang libro.
** mula sa isang fantasy patungo tayo sa isa pang fantasy. sa mga Neil Gaiman fans, mukhang magandang taon ito sapagkat nagkaroon na rin ng movie adaptation ang kanyang nobelang Stardust:
hindi ko pa nababasa ang akdang ito ni neil gaiman, at hindi rin ako ginaganahang mapanood ito. kalahati sa akin gustong manood, kalahati sa akin ayaw. siguro dahil sa masyadong pagiging lantad ng fantasy element niya. walang duda maganda ang nobela, pero ang pelikula, may duda ako rito lalo na't nagbank sila sa all-star ensemble cast. sabi ni mao, hindi faithful ang pelikula sa characterization ng character ni michelle pfeiffer. supposed to be hindi siya villain, pero dahil sa hollywood adaptation kailangang may kontrabida sa heroic journey. medyo dull din pa rin sa akin ang setting. may feeling ako na parang dungeons and dragons the movie ang kalalabasan nito.
lets cross our fingers na sana di nga ganito.
** tinuturing si Cormac McCarthy ni harold bloom, isang premyadong literary critic, bilang isa sa mga apat na pundasyon ng makabagong nobelang amerikano. at ang coen brothers bilang isa sa pinakamaangas na direktor sa hollywood. kapag pinagsama mo ang insights ng cohen brothers at ang kuwento ni mccarthy tiyak makakabuo iyon ng isang kapanapanabik na pelikula, at ito nga ang No Country For Old Men:
dahil sa mag-utol ay sanay sa paggawa ng mga pelikulang may kinalaman sa krimen, nagmumukhang kaengaenganyo ang pelikula. isama mo pa rito ang swak na casting, lalo na't si tommy lee jones bilang isang sheriff at si javier bardem bilang isang assassin. kailangan ko rin sigurong mabasa ang nobelang ito para mas lalo kong mapanabikan ang pagpapalabas ng nasabing pelikula.
** tinuturing na isa sa pinakamagandang nobelang ingles ang nobela ni Ian McEwan, ang Atonement. marami na rin ang nagrekomenda sa akin na basahin ito at kahit nagkalat sa booksale ang mga kopya, di ko pa rin magawang basahin. siguro hindi pa ako ganun kahanda para magbasa ng isang tear-jerker. at mukhang sa trailer ng pelikula, isa nga itong drama. isang period film. isang drama:
sa musical scoring palang nakakaiyak na, paano pa kaya kung yung buong pelikula na. mukhang isa ito sa mga forerunners sa oscars sa susunod na taon, at isa sa mga forerunners sa mga kailangang panoorin.
** may adaptation din ang isa sa mga love story ni gabriel garcia marquez, ang Love In The Time of Cholera, pero wala akong mahanap na trailer para doon. mukhang nasa post-production pa ito at hinihintay ang isang movie tie-in cover sa nobela ni gabo marquez. call it marketing strategy.
pre, nakita mo na ba yung bagong fhm. yung june, 2007 issue. yung cover girl si maureen larrazabal. oo yun nga pare. yung stylistic ang dating ni maureen at hindi yung babakyang imahen na kinagisnan natin. pero hindi naman tungkol ito sa kanya, mas may nakakalibog pa kaysa sa kanya. sino ba kamo? heto siya:
ang init niya ano. siya si beng calma ng bandang (o act) drip (wag tataas ang kilay, anong tumutulo?). tugtugan nila'y triphop. isang electronic based na uri ng tugtugan. downtempo pa kung minsan. kumbaga, isa ang genre na ito ang masarap gawing soundtrack sa kama. kung naalala mo dre, siya yung kumanta sa underrated pero siya namang pinakamagandang kantang 'kabilugan ng buwan'. boses pa lang pangkama na, ano?
awit ni beng sa sweet cheeks, 'the art of seduction'. oo pare, tingnan mo mata niya, pati yung katawan -- yan ang art of seduction.
(okey malapit na ang tag-ulan, kaya kailangan ng pampainit. daan ako mamaya sa suking national bookstore para sa edition na 'to.)
Maybe you need to write a poem about grace. - Robert Haas, ‘Faint Music’
Hindi ko magagawa ang tula, Makata?
Nawalan na ako ng lakas ng loob –walang simbulo Sa trahedya, walang kagandahan sa pagsirko Ng sasakyang sumalpok sa kapwa sasakyan.
Kinapananabikan kong maisulat ang tunog Ng mga latang kumaskas sa kapwa lata, Ang tunog ng kumakayod na lata sa aspaltadong
Kalsada, ang sarili kong repleksyon Sa libulibong talim ng nabasag na salamin. Lahat ay naglaho habang tinutunghayan
Ang papel. Sinubukan ko balikan ang mga gasgas, Makata, ngunit hindi ko nabilang kung ilan. Ni wala Sigurong gasgas sa sasakyang nagkandayupi-yupi.
Isang mahabang litanya ang nakataob na sasakyan, Ngunit walang mabubuong tula. Tinunghayan ko muli Ang papel Makata, ngunit hindi salita ang namuo.
May pumapatak na dugo sa papel, Makata. Dahan-dahang umaagos ito, sinasakop Ang tinatawag nila langit. Makata, dugo
Ang sumusulat ng kanyang sariling tula. Hindi akin ang dugong pumapatak.
Linamukot ko ang papel, Makata At nahulma ang pilipit na mukha ng drayber.
Kapag iniisip ko ang pag-ibig, naiisip kita. Enrique Villasis
Halimbawa, kapag umaambon. Ang malamyong Pagpatak sa bubunga’y nakakalikha ng ritmo Ng pagtigil, ng paghinga, ng katahimikan. Sa pagitan, naalala kita tulad ng isang tula, Na minsan namahay ang pag-ibig Sa pagitan ng mga bantas, sa pagitan ng mga tugma, At mga putol-putol na linya. Namamahay din ang lungkot sa kawalan ng letra. Sa patuloy na pagpatak ng tubig, Nanalangin akong maging ulan ang ambon. Unti-unti nitong kakainin ang pagitan, Ang pira-piraso mong alaala.
[Pocket-Reviews] Mga Pelikulang Napanood at Isang Mini-update sa Sarili
** andami kong gustong irebyu na mga bagay bagay pero, hinid ko alam kung saan ko sisimulan. siguro mas maganda siguro kung magsisimula ako sa mga pelikulang napanood ko nitong nakaraang araw (halos panonood na lang ginagawa ko).
Stranger Than Fiction (2006)
recommended ang pelikulang ito ng kaibigan at katomang charles aka siquey. ito ang bukambibig niya tuwing magandang pelikula ang pinag-uuusapan, at oo, sasang-ayon ako sa kanya. hindi rin basta-basta ang pelikulang ito, lalo na't malaki ang naitulong nito (at naibigay na insights) sa pagsusulat. semi-spoiler lang mga pre, tungkol ang pelikula kay harold crick (will ferrel) na isang bored na IRS auditor (sila yung mga naghahabol sa mga kulang-kulang magbayad ng buwis sa US) na nakadepende ang buhay sa bilang at oras. nakakagulat dahil isa sa mga kuwento ko (na lalabas daw sa pinoy amazing stories 2 edited by vlad gonzales) ay nakabatay sa pagbibilang ng strokes ng pagsesepilyo, na halos pareho sa karakter ni crick. kasabay ng kuwento ay isang tragedy writer na si karen eiffel (emma thompson) na hindi matapos-tapos ang ginagawang kuwento, dahil hindi niya alam kung papaano papatayin ang pangunahing tauhan, si harold crick. ang fictional na harold crick ay tunay na tao, at dahil dito nadidinig niya si karen eiffel. nadidinig niya ang kanyang pagnanarrate sa kanyang kuwento habang in real life nagaganap ito. sa una naging freaky si harold tungkol dito, ngunit sa tulong ni jules hilbert (dustin hoffman) natutuhan ni harold na baguhin ang daloy ng kuwento. pero ang nakakatakot, prophisied na ang kamatayan niya.
nakakatuwa ang kuwento, gaya ng sabi ko, may malaki itong kinalaman sa creative writing. sa umpisa aakalain mong pagbasag lamang ito ng fourth wall, ngunit habang tumatagal mas nagmumukha siyang metafiction. maganda rin ang pag-uugnay ng buhay at sa creative writing. naka-quote si italo calvino sa pelikulang iyon nang sinabi ni professor hilbert na, 'to understand literature, one must generally choose between two faces of the human story: comedy or tragedy.' hindi rin nawala ang maikling pagpapaliwanag sa plot-driven story at character-driven story, na kahit anong gawin ni harold crick may kuwento at may kuwento pa ring magaganap at hindi niya maiiwasan iyon.
hindi ko sinasabing pang-literati ang pelikula. may mga sidestories din na maiintindihan ng ilang manonood na wala naman talagang hilig sa panitikan. naririyan ang pagiging bored at 'alienated' ni harold, at ang tanging kaibigan niya ay si david. naririyan din ang romance sa pagitan ni harold at ni anna pascal, isang anti-authority baker na kailangang iaudit ni harold. nariyan din ang usapin tungkol sa buhay, pero walang philosophical na hataw -- isang tunggalian ng fate at sariling desisyon.
Children of Men (2006)
isa sa mga pelikulang hindi nabigyang pansin ng ilang 'cinetaste' sa pilipinas noong nakaraang taon. ang pelikulang ito ay halaw (o semi-halaw dahil sa nabasa ko na ang orihinal na akda) sa 'dystopian' (iba kasi ang pagkakaintindi ko sa dystopia at sa lagay ng pelikulang ito mas 'pre-apocalyptic' ang mas mainam na gamiting salita, pero stick na rin ako sa cliche) novel ni pd james, ang 'children of men'. ang pinakapremise ng kuwento, sa darating na taon, wala nang batang ipanganganak. nagkakagulo na ang mundo dala ng takot ng ilan sa darating na extinction ng tao. kasabay rito, kamamatay lang ng pinakabatang tao sa mundo - sinaksak dahil sa tumangging magbigay ng autograph, dala nito nagdadalamhati ang tao.
ang taon at mundong kinaiikutan ng pelikula ay mundo ni alfonso cuaron, direktor ng y tu mama tabien at harry potter and the prisoner of azkaban. mahusay niyang isiniwalat ang kalagayan ng britanya sa darating na panahon sa pamamagitan ng road movie na ito. si theo (clive owen) ay dating aktibistang pinakiusapan ng kanyang dating asawa na si julian (julianne moore) para sa travel permit ng isang african refugee na si kee. lingid sa kaalaman ni theo, si kee ay buntis at maraming nagkakainteres sa kanya lalo na sa teroristang grupong fishes kung saan pinuno si julian. ang pinakagusto lamang ni julian para kay kay ay maidala ito sa human project. dala ng sigalot sa britanya, lalo na sa usapin ng immigration, wala nang mapapagkatiwalaan si julian (at ni kee) kundi si theo.
gaya ng naunang pelikula ni cuaron na y tu mama tabien, dahan-dahang pinubuklat ni cuaron ang ilang usaping politikal, ang immigration at deportation. sa mundo ni cuaron, tinatapon ang mga hindi briton sa isang lokasyon kung saan iniisa-isa silang ipinapatapon gayong britanya na lamang ang pinakamalakas na bansa sa panahong iyon. nandun din ang sentiyemento sa paniniwalang lahat ng mga immigrants ay terorista. hindi rin maiwasan na hindi bigyang alusyon ang pelikula sa nativity story. dito, buntis si kee at ang kanyang anak ang 'mesiya' ngunit hindi pa nga iniluluwal ay kontrobersyal na sa teroristang grupo. maganda rin ang insight na gawing african ang magbibigay pag-asa sa mundo, at gaya nga ng sabi ni luke (ang naging lider ng grupo matapos mamatay ni julian), hindi matatanggap ng gobyerno na african ang bata. ang paggamit ng salasalabat na mga wika tulad ng gypsy na si mishka na walang alam na lengguwahe kundi sa kanya ay pagpapatunay lamang na guho pa rin ang babel despite malapit nang maubos ang sankatauhan.
kapag sinabi mong futuristic, mabilis na papasok sa isip ang special effects ngunit dito walang ganung kagarbong effects. mas pinag-ukulan nila ang kuwento at ang pagsasaayos ng set para mas maging kontemporaryo at linagyan ng kaunting advancement. sa unting tingin aakalain mo talagang kontemporaryo ang dating ng pelikula saka mo lamang malalaman na advanced kapag umusad na ang kamera. talagang tinanggal nila ng elemento ng cyberpunk dahil hindi naman tungkol sa technology (conspiracy) ang kuwento kundi mismo sa sankatauhan.
magaling din ang cinematography ng pelikula, kung saan may atmosphere siya ng bakal na unti-unting kinakain ng patina (pero siyempre hindi lalabas na green, feel ko lang na ganun siya). may mga ilang eksena na ginamitang ng extended single shot tulad ng ambush kila theo (saan napamura ako nang biglaang buksan ni clive owen ang pintuan ng sasakyan at sumemplang ang mga nakasakay sa motor, flawless ang execution), ang panganganak ni kee at ang nangyayaring rebelyon ng mga immigrants.
umaangkop din ang tunog ayon sa mood ng pelikula. mas lalong nakakadagdag nang tensyon ang kung minsa'y pasalit-salit ng klasikal na musika at ang ilang kotemparyong musika. pinakaoutstanding ang pagganap ni michael caine dito bilang jasper, isang kaibigan ni theo at isang neo-hippie. sa bawat frame niya, hindi siya si michael caine kundi siya si jasper. si clive owen naman ang siyang naging epitome ng karaniwang tao sa pelikula.
kung hindi lamang tinanggal ang futuristic fiction sa palanca, malamang, isa ito sa gagamitin kong materyal sa pagbuo ng kuwento.
Short Cuts (1993)
noong una, iniisip kong kolekyon lamang ito ng mga short films (yung title kasi) tulad ng dream ni akira kurosawa pero hindi pala. nagulat na lamang ako nang nasa intro ng pelikula lumabas nang ang 'based from short stories of raymond carver'. at gaya nga ng sabi ko noong una, malaki ang paghanga ko sa mga akda ni raymond carver kaya biglang himatayin ako (okey OA na to) nang mabasa yun. at mas laking gulat ko nang malamang si robert altman (M*A*S*H) ang gumawa/nagsulat ng pelikula kaya pala ang umpisa nito'y mga helikopter na lumilipad, parang isang pag-aalusyon sa nauna niyang nagawa tungkol sa korean war. ang tanong, anong gawa ni raymond carver ang inadapt sa pelikula. ang hiling ko habang nagsisimula ang pelikula ay 'a small, good thing', 'why don't you dance', 'feathers', 'cathedral', 'where i'am calling from', saka 'so much water so close to home' pero mukhang malabo ang iba dahil sa kawalan ng connectivity ng ibang kuwento sa isa't-isa. at tanging 'a small, good thing' at 'so much water so close to home' ang naipakita sa pelikula at ang iba nama'y totally unknown pa (dapat kasi makabili na ako noong 'where i'am calling from' collection niya).
interconnectivity ang kuwento o mga kuwento na tumatalakay sa kamatayan, pagtataksil, buhay asawa, at ang pagkawala. ito naman lagi ang tinatalakay ni raymond carver at bagay na bagay naman para kay robert altman. in the grand tradition of traffic, crash, 21 grams, babel, at amores perros ang tirada ng pelikula. pinagdudugtong-dugtong ang mga kuwento ng klasikal na musika mula sa isang tormented at depressed na cellist at ang jazz mula naman sa nanay ng cellist. nagtatagpo ang mga tauhan sa bar, sa bakery, sa concert hall. may ilan, direktang nagkakausap may ilan naman na sadya lang nagkakatagpo.
maganda ang pagkakaedit ng pelikula para magmukha talagang 'short' ang dating ng bawat isa. at nakakamangha ang isang stellar cast (mga sikat noong 90s) para sa nasabing pelikula. dahil sa pamilyar ako sa ilang kuwento, at may ilang kuwentong halatang pamilyar ako (dahil sa isinisingit lang kung minsan ang ilan), mas tiningnan ko ang 'truthfulness' nito sa mga orihinal na materyal. sa kuwento nila anna at howard finnigan (ng 'a small, good thing') mas nabighani ako sa adaptation na ginawa. kaunting alteration tulad ng pagpapakita ng nakabangga (although mas gusto ko yung description ni carver sa batang nabangga na parang nagkikisay na bangag), ang pagsulpot ng ama ni howard (isa ata ito sa mga kuwento ni carver, parang 'compartment' pero hindi naman) at ang pangalan ng bata (from scotty to casey). mas naging kaasar-asar ang baker sa pelikulang ito, at magaling naman ang acting niya in fairness, yun nga lang namiss niya ang line na 'eating is a small, good thing' imbes 'eating is a good thing'. nakulangan naman ako sa pag-arte ni annie macdowell (na paborito ko sa sex, lies, and videotape) bilang inang hinaharass ng baker at namatayan ng anak.
nakakatuwa rin ang mga sexual tensions na nagaganap sa pelikula. nariyan ang confrontation ng mag-asawang wayne (isang artist at isang doktor, ang tumingin sa batang finnigan). may sikretong gustong ungkatin at itago, at ito ang sanhi ng fracture sa kanilang marriage life. sa confrontation, naglalakad na walang panty ang babaeng wayne (julianne moore yun pare, walang panty at wala ring pubic hair). sa imaheng ito, hinuhubad ang pagpapanggap at inilalantad ang sekswal na kapangyarihan ng babae habang ikinukuwento niya ang minsang pagpatataksil. para sa akin ito ang pinakahighlight ng pelikula.
hindi rin naiwasan na lagyan ng dark comedy ang pelikula. nariyan na nga yung sa 'so much water so close to home' kung saan ang hinayaan ng isang grupo ng mangingisda ang isang patay na babae na magpaanod-anod habang sila'y nangingisda at umiinom. isang act ito ng cruelty at insnsitivity ng mga karakter. at sa huli ay magsisilbing lamat sa marriage ni stuart at claire. naririyan din ang kuwento ng mag-asawang ang tanging pinagtatalunan ay ang aso (kung saan alam naman ng babae na may extramarital affair ang lalaki na isang unethical cop). matapos iligaw ng pulis (played by the brilliant tim robbins) mas lalong nagkagulo sa kanilang bahay dahil pati anak nakikisalo na rin sa gulo. nariyan din ang paninira ng gamit ng kanyang nangangaliwang asawa (isinasama pa ang anak) ng isang helicopter pilot (stormy weathers ang pangalan, ang angas nga).
nabasa ko na rin ang kuwentong 'neighbors' kung saan ginamit din sa kuwento pero maraming alternations ang ginawa pero ayus naman kahit papaano. meron din kuwento ang mag-asawang unti-unting nawawalan ng bait dala ng preempted ejaculation (hula ko lang dala ng akting ni chris penn) kapag nadidinig ang asawa niyang nakikipagphone sex (dahil ito ang kanyang trabaho) ngunit hindi naman makaiskor.
pinagsama-sama ang mga kuwento na ito over the weekends at tinapos ng isang lindol pagdating ng lunes. sa kabuuan hindi mo mamalayang lumipas na ang halos tatlong-oras na sulit na panonood.
** noong una gusto ko sanang magrant, magbigay naman ng negative vibes sa blog na 'to pero i get over na yung time na yun. sabi ko dapat laging good vibrations ang dating nito. kung mapagbibigyan nga ng pagkakataon kung puro kahalayan puro kahalayan na lang ang ilalagay ko rito pero kailangang wholesome ang image natin.
ano nga ba ang gusto kong palabasin? malapit na rin kasi akong magbiente-singko. ilang taon na lang, isa't kalahati, nalalapit na ako sa tinatawag na quarter-life crisis. ito yung puntong naghahanap ka na ng direksyon sa buhay. sa ngayon, hindi ko pa talaga alam kung saan ako pupunta. wala pa akong maturity para harapin ang darating na edad. kuntento pa rin ako sa crappy hair cuts, boring routinary life, pressure and expectation.
sige na pagbigyan na ninyo ako, DISAPPOINTED AKO SA BUWAKANGINANG BUHAY KO.
now, i feel better.
lambanog na iinumin ko saka na beer.
** magandang balita muna, sabi ni vlad gonzales mga june or july ang labas noong librong kanyang ineedit. kasama doon ang isa sa mga kuwento ko na direktang parodiya sa porma na ginamit ni jonathan nolan at isa ring homage para kay h.p. lovecraft at sa rpg na hunter: the reckoning. kung lumabas bili kayo, mga nasa 80-150 php lang yun. yung pang-starbucks niyo sa ibili na lang ninyong libro. wag kayong magpapaniwala sa status ng mga kapitalista, samantalang walang pambili ng sariling papel ang mga tagapitas nila ng kape. mas eenjoy pa kayo.
sige na, bibigyan kita ng halik. yung halik ko may autograph kaagad yan. parang stamp pad na may signature ng teacher.
** halos ilang linggo akong walang entry, kasi ba naman daming hinabol. as in madaming gustong gawin na hindi naman natupad. matapos ang isang linggong bakasyon, quiapo lang ata ang pinakamalayo kong narating. pumunta ako sa quiapo para bumili ng isang portable dvd na may 7" lcd monitor. siyempre, nakagawian ko nang bigyan ng pangalan ang mga bagay na nabili ko, sort of attachment kumbaga. at ang pangalan niya ay Kobe, dahil Coby ang brand nung dvd.
** speaking of dvd, libro, music, at sine lang ang kasama ko. halos araw-araw nagbabasa ako ng libro, nakikinig ng CD, o nanonood ng DVD. hindi ko na nga pinanood ulit yung "Tulad ng Dati" dahil mas napagtripan kong manood na lang sa bahay. pagkabili ko ng dvd, diretso nood na rin.
** Fight Club, yan yung una kong pinanood sa bahay ng pinsan kong si ate julie. siyempre pang-ilang beses ko nang napanood ako hypermasculine film na 'to. sobrang angas panoorin ang bugbugan at ang tamang anti-commercialism angst ng pelikula na adaptation mula sa nobela ni Chuck Palahniuk. si jico na tropa kong taga-marikina ang nagpakilala sa akin kay Palahniuk. halos nabasa ko na lahat ng nobela niya, maliban dun sa pinakabago yung Haunted (kung nasaan ang nakakadiring kuwento na 'Guts'). Fight Club ang unang pinagbasehan ko sa mga kuwentong naisulat ko. yung angas ng nobelang ito ang pinagsimulan ng pag-aangas ko sa ibang kuwentong naisuilat.
** Hindi lang Fight Club ang napanood ko, pinanood ko rin ang Reservoir Dogs na isinulat ni Quentin Tarantino. ang galing nung narration ng kuwento. hindi direct ang paglalahad, at halatang in media res ang dating. siyempre hindi mawawala ang mga jokes mula sa pop culture kapag ang pelikula ay nanggaling kay QT. sa simula pa lang, binibigyan ng grupo ng interpretasyon ang kantang 'Like A Virgin' ni Madonna -- at nakakatuwa nang sabihing itong kantang ito ay isang alusyon para sa malaking titi.
** bago ko binili yung dvd, nanood muna ako ng City of God (Cidade de Deus) sa bahay ng tita ko (sa taas lang ng kuwarto ko). isa itong paglalahad sa bayan na kung tawagi'y City of God, isang settlement area na maaring ihalintulad sa makalumang Tondo o Islang Puting Bato. bayolente ang pelikula sa pagpapakita ng mga batang humahawak ng baril at pumapatay (si Lil Dice ay may thirst of killing). despite of the violence, the film is richly colored. kung minsan naka-shot ang pelikula sa kulay ginto (o dilaw) at pula. masasabing simbolismo na ang kulay sa bayolente at kagahamanan na umiiral sa cidade de deus.
nagustuhan ko yung simula nang pelikula kung saan, ipinapakita ang pagpatay sa ilang manok na kanilang kakainin. ito ay isang foreshadowing nang magaganap na digmaan sa pagitan ng dalawang gang. sa paghabol nila sa isang nakawalang manok, mabilis na ipinakita ang kalagayan ng nasabing lugar.
** pagkabili ko kay Kobe, nanood ulit ako pagdating sa bahay, at this time its Taxi Driver. the quintessential film of alienation and existential angst, directed by Martin Scorcese. ang angas-angas nang pelikulang 'to. after ilang panood, Taxi Driver is one of my favorite film and Travis Bickle is one of a hell anti-hero. did i mention, jodie forster was so hot in this film. ilan taon siya nito, fourteen or twelve? basta prosti ang papel niya rito. even scorcese himself had a cameo in this film. siya yung businessman na pasahero ni robert de niro's character na gustong patayin ang asawa.
** hindi lang angas ang mga pinanood ko siyempre kailangan din ng kaunting comedy, at ang Full Monty ang isa rito. nakakatawa ang pelikulang ito tungkol sa mga steel workers mula sa Sheatfield, England na gumawa ng isang striptease group. ang nakakatuwa, sila yung mga everyday man na walang trabaho -- isang out-from-prison, divorcee na kailangang suportahan ang anak para hindi mawala ang custody nito, isang matabang lalaking on the rocks ang marriage dahil sa kanyang low-self esteem, isang security gurad/trumpet player na may suicidal tendency, isang oldie na executive na kailangang i-cope ang high living standard, isang oldie na black that goes by the name of Horse (horse by nature ika nga), at isang Gene Kelly fan na gustong gayahin ang walk on the wall. sobrang laughtrip ang pelikulang 'to, but despite being a comedy in nature this film tackles unemployment, depression, suicide, and father's right.
** at ang pinakahuling paborito kong pelikulang napanood ay ang All About My Mother (Todo Sobre Mi Madre) ni Pedro Almodovar. this tragicomedy film tackles about motherhood at ang pagiging babae. kasama na rin dito ang mga isyung tulad ng pagiging transvetite, AIDS victim, gender, religion and faith. nagtapos ang pelikula sa isang dedikasyon ni Almodovar: "To all actresses who have played actresses. To all women who act. To men who act and become women. To all the people who want to be mothers. To my mother."
** siyempre hindi ko naisasama ay ilang ehem pelikula tulad ng Private Education series mula sa japan at kung anuano pang pang R-18 dahil wholesome dapat ang image ko.