Paalala lang di ito ang ultimate Filipino short stories na nabasa ko. Ilan lang 'to sa ilang beses kong binabalik-balikan basahin. Ito yung mga kuwentong mamangha ka, o di kaya makakadama ng kislot sa dibdib. Marahil may ilan pang maiikling katha ang makapasok sa listahan once mabasa ko sila o di kaya marediscover, sa ngayon heto na lang muna.
(Binabalak kong gumawa ng once in a week o di kaya once in a month (o kaya once in a blue moon) countdown ng mga akdang nabasa ko. Malamang puro Filipino short stories. Kaya watch lang mga kid sa darating na next installment nito.)
10. Dalantao ni Alwin C. Aguirre
Isa ito sa rare oppurtunities na may lalaking manunulat na tumatalakay sa pagbubuntis ng isang babae, ang pait ng makunan. Ang nakakamangha rito, nagawa ng manunulat na gumamit ng ilang elemento ng magic realism.
Nang una duda ako sa pag-aallude niya sa mga pelikula, marahil dahil sa hindi ko kinahiligan ang mga classical Hollywood movies kahit nakailang re-runs na ang iba sa TnT. Mas namangha ako sa dysfunctional na relationship ng mag-ina at ang balighong ugnayan nila. Matapos panoorin ang ilang pelikulang nasasaad sa akdang iyon, doon ko lang na-reliaze na mas maganda ang epekto ng pagsasanib ng dalawang media. (check ninyo ang paggamit ng pelikula ni ingmar bergman na 7th seal sa kamatayan ng ina ng narrator, ayus talaga)
8. Sinsil Boys ni German V. Gervacio
Exploatation ang paksa ng kuwentong ito pero di sa kamay nang mapang-aping magulang, o mapang-alipustang pamayanan. Exploatation ito ng media sa mga batang lansangan. Silang nabubuhay para lamang sa rugby ay ginagamit pa ng kagahamanan ng mga taga-media. Isang malungkot na reyalidad.
7. The Assasination of the Citizen ni Dr. Mario Miclat
Kafkanesque ang dating ng akda ni Doc Mic. Sino nga ba ang kumidnap sa pangunahing tauhan - ang kanya bang asawa? ang kanya bang bayaw? ang pulubing nakita niyang namamasyal sa Cubao? ang estudyanteng kanyang ibinagsak? o ang mga taga-kilusan? Kung tutuusin walang malinaw na kasagutan dahil hindi rito umiikot ang kuwento. Mas nakatuon ang plot sa mga tawag sa telepono ng pangunahing bida hanggang sa makausap niya ang kanyang ama, na matagal nang patay at pag-usapan nila ang tungkol sa pakikisama.
6. Ang Liason ng 27th Floor ni Alan Derain
Sa unang bahagi ng kuwento alam mo nang binabasag nito ang kumbensyunal na pagsasalaysay. Ang narrator ang siya ring writer, literally. Dito, ang narrator ang nagpapatakbo sa buhay ng liason simula sa kamalasang inaabot nito hanggang sa pagdesisyunan ng tauhan na kumalas sa kagustuhan ng narrator na tila isa nang Diyos. Nakakatawa sa unang bahagi pero sa huli makikisimpatiya ka na rin sa liason bilang isang tau-tauhan lamang ng isang kuwento. Wika nga sa isang kanta ng The Smith, "I am human and I need to be love..."
5. Baliw ni Mayette Bayuga
Hindi baliw ang bida ng kuwento, marahil malapit na siyang maging isa. Sa mata ng bida masusi niyang sinipat ang dahilan ng kabaliwan ng isang babae -- simula pagtataksil hanggang sa pagsasawalang-bahala ng asawa sa katayuan ng babaeng inaagawan na ng katinuan, at ikinokondisyon na niya ang sarili sa darating na panahon. Feministang akda, oo pero makapangyarihan. Hindi nagsusumigaw na babae, hindi rin lumalaban. Itinapon ng may-akda ang mga gasgas na gawain ng mga feministang may-akda bagkus sumipat siya sa panibagong perspektibo ng isang Filipina - hindi martir ngunit naghahanda sa pangyayaring maari niyang sapitin.
4. Ang Pamilyang Kumakain ng Lupa ni Khavn dela Cruz
Dysfunctional ang pamilyang ito (at kung tutuusin lahat naman ng pamilya ay dysfunctional) ngunit sa likod nito sinipat ni Khavn ang kinabukasan ng pamilyang Filipino. Ano ang dahilan ng pagiging mahalay ng Ate, ang pagiging masokista (with split personality) ni Kuya, ang pagiging psychotic ni Tatay, ang pagiging 'martir' ni Inay, at ang di 'paglaki' ni Bunso? Wala makakapagsabi dahil mahohook ka sa violence ng kuwento. Bakit sila nagsasalusalo ng lupa? Wala ring makakapagsabi dala ng kabalighuan ng akda, isa itong pagtatangka ni Khavn na makapagsulat ng Bizarro fiction, isang hakbang para makabuo ng panibagong genre sa panitikang Filipino.
Isang akda tungkol sa unrequited love. Pinanganak ang kapatid ng narrator na walang paa, nakakapagtaka para sa isang anak ng sapatero pero hindi rito nagtapos ang pagmamahal ng buong pamilya sa kanyang kapatid. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ng kapatid, nanaginip ito ng sapatos na maari niyang suotin, nagtuloy-tuloy ito hanggang mamatay ang kanilang ama. Sa akdang ito, maingat na hinawakan ni Luis Gatmaitan ang tema ng kamatayan at pag-ibig, sa sobrang ingat nang pagkakahawak niya nakakapagbigay ito ng kislot sa damdamin habang binabasa. Maingat din niyang hinabi ang mga salita para di magmukhang pilit o di kaya masyadong mushy.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
2. Kasal ni Eli Rueda Guieb
Isang pagsipat sa relasyon ang kuwentong ito (kung tutuusin forte na ni Guieb ang pagtalakay sa relasyon). Masusing hinawakan ni Guieb ang detalye nang paghihiwalay, ang masalimot na pakikipagrelasyon, ang paghahanap ng permanence samantalang umiikot ang buhay bilang transient, at ang malugod na pagtatangap kung paano haharapin ang kinabukasan. Kung kumalat sa net ang likha ni Guieb malamang pupunuin nito ang mga bulletin board ng Friendster o di kaya magiging laman ng mga forwarded mail. Magaan ang mga diyalogo samantalang epektibo ang naratibo, ang pagbubulaybulay ng narrator sa kanyang kasalukuyang katayuan, kasama na rin ang kaniyang kahapon at kinabukasan.
Minsan nga nai-quote ko to sa yahoo group ng mga kabarkada ko nang minsan may humihingi ng payo:
"maraming bagay sa mundo ang hindi puwedeng bigkisin ng mga kontrata ng relasyon. iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal. kapag iyon ang nawala wala na rin ang silbi ang katotohanan ng mga kontrata. ang tanging katotohanan naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata."
Anarkista ang may-ari ng buhok, ayon kay Jun Cruz Reyes sa Aklat Likhaan kung saan napabilang ang akdang ito. Si Tony, pinatatag ng kanyang pagkamulat sa kahirapan ay nagpunyaging maibago ang buhay ngunit sa kasamang-palad naging simula pa ito ng kanyang pagbagsak. Kung ganito ang pagsipat na gagawin sa kuwnto marahil trahedya ang kahahantungan ng akdang ito, ngunit kapag sinipat mo sa ibang dimensyon marerealize mo na hindi nabigo si Tony. Sa pagkain sa maangas na Kanong si Wayne naipakita ni Wilcayco na hindi lahat na transgressive fiction nag-rerely lang sa shock value ngunit dapat may pulitikang inilalatag (sa puntong ito napag-isa ang prinsipyo ni Wilcayco at ang tauhan niyang si Tony). Nagtagumpay si Tony, nagtagumpay si Wilcayco. Hindi rin marunong magpaumanhin sa paggamit ng salita si Wilcayco, alam niya kung kailan magmumura si Tony, alam niya kung ano ang sasabihin nito ito ang sangkap ng isang kontemporaryong kuwento para sa isang kontemporaryong sitwasyon.
Bawat pala ko ay sumasakit ang kanang braso ko. Ang ilong nga pala ni Wayne ang siya kong inulam nang maghapunan ako. Masarap pala ang ilong ng banyaga. Berde ang mga dahon. Ang buhay dito sa institusyon ng mga makata ay parang buhay sa loob ng aquarium nina Elmer, pinagmamasdan namin ang mga isdang sari-sari ang kulay. Fuck you! Eat dirt, motherfucker! Savor the taste of my native soil! Noong bata ako ay nag-iigib ako ng tubig. Noong lumaki ako ay nagtinda ako ng balut at sumama sa mga karpintero sa paggawa ng mga bahay. Masarap kumain ng balut. Si Wayne ay hindi na yata humihinga. Mahirap mag-aral sa UP kung squatter ka at may kaklase kang taga-ibang bansa. Sabi ni nanay, ang kilay ko raw ay hawig ng kilay ng tatay kong babaero. Kumusta na kaya si Klarang niligawan ko noong grade six ako?
sa totoo lang, mahirap gumawa ng listahan lalo na sa mga bagay na ayaw na ayaw mong bitiwan. personal choices lamang yan at walang masyadong batayan pero ang gaan nang feeling once naibahagi mo ang mga pananaw mo sa mga akdang ito. sa mga susunod, pipilitin kong gumawa na mayroon batayan. yung tipong may classification na, parang Top Ten Gay Stories o kaya Top Ten Pinoy Sci-fi. mukhang exciting din siya. kaya hanggang sa muli.
*** natapos na rin kagabi ang fellow's night at kaninang umaga habang naliligo napaisip ako: kung talaga seseryosohin ko ang pagsusulat ano dapat ang magiging motibo ko? at kaninang umaga habang nagrandom read ako sa wikipedia, nakilala ko si ted kooser. isa siyang makatang amerikano at naging Poet Laureate. at ito ang isa sa mga hirit niya:
"Every stranger's tolerance for poetry is compromised by much more important demands on his or her time. Therefore, I try to honor my reader's patience and generosity by presenting what I have to say as clearly and succinctly as possible .... Also, I try not to insult the reader's good sense by talking down; I don't see anything to gain by alluding to intellectual experiences that the reader may not have had. I do what I can to avoid being rude or offensive; most strangers, understandably, have a very low tolerance for displays of pique or anger or hysteria. Being harangued by a poet rarely endears a reader. I am also extremely wary of over cleverness; there is a definite limit to how much intellectual showing off a stranger can tolerate."- Ted Kooser Midwest Quarterly, 1999
*** ang susunod na tula'y mula kay Ted Kooser at nagandahan ako sa imahen na kanyang iprinisinta:
Flying at Night
Above us, stars. Beneath us, constellations. Five billion miles away, a galaxy dies like a snowflake falling on water. Below us, some farmer, feeling the chill of that distant death, snaps on his yard light, drawing his sheds and barn back into the little system of his care. All night, the cities, like shimmering novas, tug with bright streets at lonely lights like his.
*** isa pang tula mula sa kanya:
A Happy Birthday
This evening, I sat by an open window and read till the light was gone and the book was no more than a part of the darkness. I could easily have switched on a lamp, but I wanted to ride this day down into night, to sit alone and smooth the unreadable page with the pale gray ghost of my hand.
ang alam ko nung nag-birthday ako nasa opisina lang ako. nag-ooverworked. ang tula ni ted kooser ang nagpaalala sa akin na masarap magpahinga kung kaarawan mo. tama siya, bubunuin mo lang ang buong araw sa pagbabasa, ika nga kapag tumatanda ka you gain wisdom/knowledge. para kay kooser, mainam na simulan ang iyong panibagong taon sa pagpapayaman nang nilalaman at magsisimula yan sa pagbuklat ng libro.
*** last na tula mula kay Kooser:
At the Cancer Clinic
She is being helped toward the open door that leads to the examining rooms by two young women I take to be her sisters. Each bends to the weight of an arm and steps with the straight, tough bearing of courage. At what must seem to be a great distance, a nurse holds the door, smiling and calling encouragement. How patient she is in the crisp white sails of her clothes. The sick woman peers from under her funny knit cap to watch each foot swing scuffing forward and take its turn under her weight. There is no restlessness or impatience or anger anywhere in sight. Grace fills the clean mold of this moment and all the shuffling magazines grow still.
*** wish kong makanap ng ilan sa kanyang mga libro. dapat isama sa wish lists ko yan:
Official Entry Blank. (1969). Grass County. (1971). Twenty Poems. (1973). A Local Habitation and a Name. (1974). Not Coming to Be Barked At. (1976). Sure Signs: New and Selected Poems. (1980). One World at a Time. (1985). The Blizzard Voices. (1986). Weather Central. (1994). A Book of Things. (1995). Riding with Colonel Carter. (1999). Winter Morning Walks: One Hundred Postcards to Jim Harrison. (2001). Delights and Shadows. (2004). Local Wonders: Seasons in the Bohemian Alps. (2004). Flying At Night : Poems 1965-1985. (2005). The Poetry Home Repair Manual: Practical Advice For Beginning Poets. (2005).
kung may alam kayo kung saan makakabili nito na affordable pakibigay alam na lang po ninyo. tenk you!
2006 Top Five Hottest Single by a Female Fronted Band
Ok mga girls and boys na mahilig makipagyugyugan, lapit na ng end of the year kaya naglalabasan na naman ang mga Top ek-ek. Sa pagkakataon na ito, na tripan ko ang gumawa ng list para sa Limang Pinakamaangas na Single ng Isang Female Fronted Band, at sa pagkakataong din ito kasama sa criteria ko ang, guess what, testosterone. Malaking factor kasi sa akin ang salitang Hot, at kapag sinabi kong Hot kailangan ganito - Cute, Riotous, Hypnotizing, Mesmerizing, at Orgasmic. Sa mga adjectives na to ang isa sa mga basis ko kung bakit ko sila pinili. So kung ganito pala ang criteria eh mag-uunahan na ang mga Baywalk Bodies, Viva Hotbabe at Sex Bomb sa listahan na ito? Kunting reality check, siyempre kasama rin ang angas ng single na inilabas nila. Critics choice din ika nga.
So tama na ang dakdak at heto na ang listahan ng mga nakapasok sa Top Five Hottest Single by a Female Fronted Band:
Number Five
Charm Me by Wake Up Your Seatmate
This quartet of all girl rockers from St. Scholastica has something to prove. Naging finalist sila last year sa Soundskool ng Nescafe pero di sila nagpatalo. They managed to have a certain cult followers (mga kolehiyalas at naghahabol sa mga kolehiyalas) they pulled to have an album this year. Charm Me was the first single from their self-titled debut album (wow parang pang-18th birthday). Natuwa ako noong una kung napakinggan ang track na 'to dahil sa ibinabandera nila na, CHARM ME! Oo, tama ka, akitin mo raw siya and I find it CUTE. Ang track na ito ay maaring pumasa bilang isang ehhrmmm... sanitary napkin jingle. Pero in fairness, ayus ang arrangement ng kantang 'to, catchy din ang melody. Ang drawback nga lang ng awiting ito ay mahirap na di siya maikumpara sa mga awitin nila Kitchie Nadal at Barbie Almabis, ngunit, take note sa ngunit may edge sila dahil I find this song na pa-cute talaga, umaaamin na pa-cute. Walang pretensions.
Sige para ma-entice kayo heto ang picture nila:
Try na rin ninyo bisitahin ang kanilang myspace account at bumili na rin kayo ng kanilang album. (Take note: Ang kanilang second single na 'Panaginip' ay isa sa mga nagustuhan kung awitin ng isang female-fronted powerpop band)
Number Four
Molotov by Narda
Kapag pumapasok ako sa trabahong dala-dala ang Discotillion album ng Narda, marami ang nagtatanong sa akin na ka-opisina. "May Narda ba talagang banda?" Siyempre oo ang sagot ko. Tapos hihirit sila, "Ano ang genre nila?" Isang maikling "PANTY PUNK" ang sagot ko.
Hindi ko talaga nasubaybayan ang ebolusyon sa musika ng Narda. Lo-fi at garage ang tugtugan nila nung una akong nakabili ng album nila Formika. Napansin ko rin na ang pagbabago ng kanilang tunog ay kasabay sa pagbabago ng hairstyle ni Katwo, ang kanilang bokalista. Kaya di ako nagtaka nang magpaikli ng buhok si Katwo at sabay pagpasok ng panibagong tunog. Ang Molotov ang simula ng riot. Itatapon ito at sabay sasabog, pansinin ang nag-aapoy na boses ni Katwo sa unang bagsak ng linya ng awiting ito: 'hipan mo na ang salbabida'. Sa awiting ito, buong buong sinasabi ng Narda na dalhin na natin lahat ng sayawan at hatawan sa kalsada. Mala-Sugod ba ng Sandwich? Oo. Ang kaibahan lang, subtle ang atake nila at the same time mas fiery.
Number Three
Sama Na by Chillitees
Isa sa mga inisnub kong music dati ay ang Pinoy Soul. Puro kasi mga showbands (Southboarder, kahit RnB hirit nila sa genre nila at Freestyle), mga mediocre artists with bigger than life titles (Jaya, Janno Gibbs, et al). Pero nung nadinig ko ang ‘Jolog Soul’ ng Chillitees bigla na lang ako nabighani sa tunog nila. Uela’s voice is hypnotizing. Tila iduduyan ka pero may certain grooves pa rin na naiiwan.
‘Sama Na’ was taken from their album Extra Rice. Gaya nga ng hirit ng refrain nilang ‘sama na, wag ka nang magtanong. Lapit pa, ipikit ang mata’, ineenganyo ka nila na pakinggan ang kanilang musika. Ang madama ang bagong dimension ng OPM, ang bagong dimension ng soul. Wala ring pretensions ang hirit nila, kung sugar-coated ang ilang lyrics ay dahil iyon ang nagbibigay ng tamis sa kanilang melodiya. Angkop na angkop ito tuwing umuulan at humihirit ang mga linyang ‘sama na, wag ka nang magtanong.’
Number Two
Oo by Updharma Down
Number Two lang ang Updharma? Sila na ata ang may pinaka-fresh na tunog na nailabas. Hirap pa nga ang ilang kritiko kung paano sila ikaka-classify kaya sumang-ayon na lang sila sa hirit ng banda na tawaging Fusion ang tugtugan nila. Kung nakailang ulit ko na rin napapakinggan ang ‘Oo’. Sa ilang ulit nang pag-ikot ng CD, oo mesmerizing ang track na ‘to at nagawa niyang hindi ako maumay sa pakikinig. Sinabi ko na rin na ito ang pinakamagandang track sa album nila (pero sa ilang beses kong pakikinig nag-iiba ang trip ko sa mga tracks ng album nila).
Ang ‘Oo’ ay may sinseridad sa kanyang liriko, isama mo pa rito ang mapaglarong melodiya. Mahirap ding i-classify ang kantang ito: torpe song ba ‘to, love song na may panghihinayang, friendship song, jamming song atbp. Kung papansinin ng mabuti, ditto lang nagmellow ang boses ni Armi. Para bang nilalaro lang niya ang kanta. Damang dama niya ang bawat bitaw ng mga linya at sa huli madadama mo rin ang paghihinayang. ‘Sana’y nakikinig na lang ako sa Nanay ko.’
Number One
Turning My Safety Off by Sino Sikat?
Sa puntong ito, I’ll be turning my safety off. May magtataas ng kilay, who? Sino Sikat? (hate ko yung question mark sa name nila). Oo, hindi pa sila sikat ngayon, maybe next year, malay natin. Ang kantang ito ang nag-introduce sa akin kung paano ko itatackle ang usapin ng casual sex. Sa bawat pakikinig sa kantang to nakakaramdam ako ng pag-angat ng libido. Humahataw kumbaga. Kahit sa opisina ko ito pinakikinggan courtesy of yours truly myspace eh bigla na lang pumapalo ang testosterone ko. Kunting pigil lang baka masisante tayo. Sa unang dinig ng malibog, casual sex kaagad ang papasok sa utak pero palalimin mo pa ang pag-uunawa at magegets mo siya. Tungkol lang ito sa pag-iisa at pagkatapos may natipuhan ka at nais mo siyang makasama kaya kunting paseduce lang para makuha ang kanyang ninanais.
Tulad ni Armi, madadama mo ang emosyon ni Kat sa kanyang pagkanta. Sa buong areglo ng melodiya at liriko na ilalagay nila sa pedestal ang isang awiting disenteng senswal. At kung alam mo ang itsura ni Kat, ay naku! mahabaging santo, mapapa-olala ka na lang.
Itapon ko na nga ang hirit na pangmahalay, dapat depensahan ko nang maayos kung bakit number one sila:
Orgasmic. Isang salitang maaring makadescribe sa kanila (wait a minute, pangmahalay din ang hirit kong yan ah). Sige gawin nating phrase. Ito ang awiting papakinggan ng Diyos habang meron siyang katalik. Gets?
Sa mga bandang ito, maraming salamat sa pagpapainit ng taong 2006.
Matapos ang voting caravan, at on-line votes lumabas na ang resulta para sa mga nominado para sa NU Rock Awards. Siyempre popularity ang naging batayan para sa nomination. Mga fans at music lovers ang nagkaroon ng pagkakataon para mailagay ang ilan sa mga paborito nilang banda sa limelight. Siyempre, dominated na naman ng mga mainstream artists ang nominations. Nakakatuwa na ang ilan sa mga local cult favorite ay nagkaroon ng pagkakataong mainominate sa nasabing award (di ko ikakaila ang kagalakan nang makapasok ang Updharma Down sa ilang category). May nakakahinayang ding pangyayari tulad ng hindi pagkakasama ng mala-alamat na si Dong Abay. Di kasali ang kanyang album na 'Flipino' sa Best Album o di kaya ang 'Perpekto' sa Song of the Year at ang kahinahinayang, di siya napabilang sa Male Rock Icon. Ilan ba ang nagsabing idolo nila si Dong? Ilan na ba ang nagsabing malaki ang naging ambag ni Dong sa musikang Pinoy? Na mulat ang mata ni Dong? Na henyo si Dong? Na dapat manominate si dong sa National Artists? Oh well, masyadong sour graping lang. Nakakahinayang lang kasi.
Pero maganda pa rin ang kinalabasan ng popularity votes. Halata mo na kung sino kaagad ang mangingibabaw but may element of surprise pa rin sa mga award na tulad nito. Darkhorse, ika nga.
Sige na di na ako magdada, huhulaan ko na kung sinusino ang uuwing nakangiti at ang mga uuwing nanghihinayang. (for the complete list of the nominated artists, click me.)
BEST NEW ARTIST
Wagi: Updharmadown. They manage to snatch various nominations from different categories so malamang mananalo sila. Since last year, tinatawag na silang 'It' band dahil sa paghahalo ng iba't-ibang genre notably jazz, electronica, and triphop. Distinctive din ang boses ni Armi, ang bass line ni Paul Yap ang mga espiritu sa likod ng dharmang ito.
Manghihinayang: Nuff said. Rocksteedy, aside from being a campy band di rin ako nahook nang spoken words dun sa kantang 'Dedma'. Callalily, pedestrian rock? (thank you dodobird for the term) Kala. I appriciate Kala's attempt to revive the Manila Sound, or is it Sound's sound. At this point, sila ang darkhorse. 'Jeepney' was a one of the hits this year so nakagawa na sila kaagad ng pangalan. In case of Reggae Mistress, magaling sila on stage pero dahil sa hina (maybe may I underestimate their fanbase) ng popularity nila, I find them racing on the wrong side of the track.
VOCALIST OF THE YEAR
This is a tough category. Lahat ng mga nominees are good at their own rights pero dapat isa lang ang best sa kanila. And who will bag the trophy?
Who will win Jay Contreras, Kamikazee. At this point, natabunan na ni Jay ang stage performance ni Chito Miranda. With the signature headstand, nakuha na ni Jay ang tindi ng popularity para i-konsider siya isa sa mga hottest vocalist.
Ang Deserving: Armi Millare, Updharma Down. Aside from being distinct ang voice niya - garalgal na may pagkapitchy, she showed the various vocal ranges she posess. Sa track na 'Sleeptalk' she can make the birit na may angst. Sa 'Oo' she made an attempt to create a pop voice pero may halong sarcasm (the garalgal man). And she can play the keyborads with flair.
GUITARIST OF THE YEAR
Who will win & Ang Deserving MONG ALCARAZ of Sandwich & Chicosci.
BASSIST OF THE YEAR
Who will win: PAUL YAP of Updharmadown. Kapansin pansin talaga ang tunog ng UDD dahil sa bass nito. Yung ilang bass line na ginagamit ni Paul medyo pang DnB ang dating. Bumabagay talaga sa tunog nila. For most bands na guitar driven ang gitara ang nagsisilbing iespiritu ng mga kanta nila. In case of UDD, halatang nangingibabaw ang bass ni Paul Yap. At kung may isang taong tatanggalin sa UDD, siguradong di si Paul yun sapagkat siya ang kaluluwa ng kanilang tunog.
Darkhorse: LALAY LIM of Urbandub. Naikuwento ko nga sa isang ka-opisina na si Lalay ang isa mga talented na bassists sa Pinas, ang kulang nga lang sa kanya ay exposure sa mas malumanay na melodies.
DRUMMER OF THE YEAR
Ang Wagi: JAZZ NICOLAS of Itchyworms. Popularity what else. Pero maliban dun, ayos din naman si Jazz. he take turns beating the drums and doing vocals. At mahirap na trabaho rin yun.
Darkhorse: PAOLO SANTIAGO of Join The Club. Honestly, nang una kong mapanood ng live ang Join the Club, nagulat ako sa galeng ng drummer nila. Alam mo yung nasa gitna ka nang mall nanonood pero mararamdaman mo yung palo niya sa drums. Heto pa ang effects nang pinapakinggan ko yung drumming niya, para bang hindi kumakalat kung saan-saan yung beats - concentrated lang palagi sa gitna. Minsan tight ang tugtugan ng banda kapag ang nagbibigay ng command sa timing ay ang drums, at sa kaso nila, commandant ang mga palo ni Paolo.
BEST LIVE ACT
Ang Wagi: Kamikazee. Crazy antics. Funny spiels. Signature headstand. Ano pa hahanapin mo?
Dapat Manalo: Join The Club. I have never been a fan sa campy pop/rock/punk na tugtugan nila. Pero once mapanood mo sila, parang nagbabalik yung alaala ng Eheads.
Dapat Nominated: Kiko Machine. SpiderDan. SpiderDan. SpiderDance.
RISING SUN AWARD
Ang Wagi: Imago. Paano ba pipiliin ang mananalo sa award na ito. Ganito lang lagi ang criteria niyan - gumawa ng isang napakagandang album (Probably Not But Definitely Maybe) at gumawa nang pop-rock 3rd 'effort' album (Blush). Imago fans, do you get my point.
Dapat Manalo: The Itchyworms. Yes, they rocked you with 'Antipara' pero mas nilasing ka ng 'Beer'.
IN THE RAW AWARDEE
Ang Wagi: Drip. This past few years, artists with passion from different genre snatched this trophy, at di nalalayo ang Drip.One of the visible triphop acts sa Manila, nakaagaw ng pansin ang Drip with their rendition of APO's 'Kabilugan ng Buwan' na para sa akin ang pinakamagandang track sa APO's Tribute Album.
Darkhorse: Point Click Kill. Hindi magpapahuli ang pride ng Iloilo sa karera. This band fused reggae, ska, metal, and rapcore to produce a heartpounding, mind-blowing (cliche, tangnang term ko) tracks. Kapag PCK ang pinag-uusapan - Ariba!
SONG OF THE YEAR
Last year's winner is a shocker ('Ako si M16' by Junior Kilat), mangyayari pa ba ngayon ulit 'to. Let's find out.
Ang Katangi-tanging Magwawagi: "OO" by Updharmadown. 'Di mo lang alam, naiisip kita, baka sakaling naisip mo ako. Di mo lang alam hanggang sa gabi, inaasam makita kang muli'. The best thing that happened to 2006 was 'OO'.
Wag Mo Akong Ismolin: "BEER" by The Itchyworms. Papalitan ko na ang tagay soundtrack ko, mula 'Inuman Na' ng PnE patungo sa 'ibuhos na ang beer sa aking lalamunan, ahhh...'. Seriously, isa rin ito sa mga hit sa NU na kahit ginawa pang 'Beer-Lite' ay patuloy pa rin sa pagtagay sa 'Stairway to seven' ng NU.
Sayang May Laban Sana Kayo: "Perpekto", "Tuyo", "Bombardment" by Dongabay. Tinigil na ni Dong ang maging isang mapagmasid na napudpod ang tsinelas, sa pagkakataong ito naging isa siyang mapagmasid at mas lalong dinama ang kahulugan ng buhay (Perpekto), ang kalagayan ng kapaligiran (Tuyo), ang katakawan sa komersyalismo (Bombardment). "Para" by Wolfmann + . May kakaiba akong nararamdaman habang pinapakinggan ko ang kantang 'to - hindi ko alam kung bakit. Para bang nakikita mong harap-harapan si Wilfrid, kumakanta nang nakasuot ng puti damit at may puting-puting pakpak. Salamat sa musika, Wolfmann.
ARTIST / BAND OF THE YEAR
Ang Tunay na Wagi: The Itchyworms. This band deserved to be recognize. Ang dami nang pinagdaanan nila, andyan ang pagsabihan ka ni Francis Brew sa 'In The Raw' na dapat muna nilang matutunan ang magtono ng gitara hanggang sa punahin nila ang sistemang showbiz (na may halong wit and humor) sa album nila 'Noontime Show'. Kailangang masuklian ang paghihirap na pinundar nila.
BEST MALE AWARD
Ang titulo dapat dito ay, sino ang tunay na Rakista!
Ako Ang Rakista: GABBY ALIPE of Urbandub. "kahit puro heartbreaks ang awitin namon sugad, ipapakita ko sa inyo ang tunay na image ng isang RAKISTA. Di ako emo, tulad ng iba diyan. Mas dinadama ko ang heartaches na di nagbabalak maglaslas ng pulso, o bahid ng galit. Dahil ang RAKISTA, cool lang!"
Lawyer-Rocker: POCHOY LABOG of Dicta License. "gumising na RAKISTA! ang tunay na RAKISTA'y may pagmamahal sa lupang sinilangan. basta kapag gumawa ka ng lyrics tagalugin mo yung mga salitang 'imagination', 'civilazation'. at mag-rock ka tulad ni Zach"
Ako Ang Pinagbatayan ng Rock talent Search: BAMBOO MANALAC of Bamboo. Action: papahiran ang ulo, mula batok hanggang noo.
BEST FEMALE AWARD
Sino kaya ang papalit sa mga trono nila Lolita Carbon at Sampaguita?
Her Higness: AIA DE LEON of Imago. Well ganun talaga, Aia threw her guitar in favor of her dancing skills. Wala namang masama, Aia can carry herself. Sing and Dance.
1st Princess: ARMI MILLARE of Updharmadown. Keyboards & vocals. 2nd Princess: RIA BAUTISTA of Paramita. Drums & vocals.
ALBUM OF THE YEAR
Nanghihinayang ako dahil di napasama ang 'Flipino' ni Dongabay. Lyrics and melody wise, napakaganda nang album na iyon. Hindi ka mauumay sa mga kanta niya. Pero gaya nga ng naunang nasabi ko, popularity ang naging basehan ng nominations kaya wala na tayong magagawa. Nakatali pa rin ang mga tagapakinig sa musikang Yano ni Dong Abay kaya ganun. Sa pagkakataong ito, ngayong taon naging mabunga ang pagtitiyaga ng mga banda at artistang pinoy. Muli nilang binuhay ang Pinoy Rock. Sabi nga ng ilang tagapagmasid, doble sa pagdami ng mga banda. Nagsulputang parang kabute, ika nga. Madami-dami na rin ang nailabas na mga album, mga album nag-explore sa iba't-ibang genre, mga album na ginamit ang ilang nakasanayang tunog ngunit itinaas ang antas ng musika.
Sa mga nominado dalawa ang nagtatapatan ng galing. Ang 'Fragmented' ng Updharma Down at 'Noontime Show' ng The Itchyworms. Himahimayin natin ang kalakasan ng bawat isa. Sa 'Fragmented' masyadong artsy fancy ang dating ng tunog nila. Tipong Class ABC ang magkakatrip. Sila ang nagbigay ng sophistication sa Pinoy Rock. Sa kabilang banda, ang 'Noontime Show' ay isang pag-aanalisa sa masalimuot na mundo ng showbiz. Showbiz ang pinasok ng bandang The Itchyworms pero hindi sila natakot na ibunyag ang kanilang nasasaksihan. May talim ang kanilang mga awitin at nakakasugat ang kanilang pasaring. Ang album na ito ang nagbigay ng talino sa Pinoy Rock.
BEST ALBUM PACKAGING
Maangas ang packaging namin KAHLIL DE PIO and URBANDUB 'Embrace'. May nadama akong existential sa portrait ng isang tsinitang bata sa likod ng mga fern. Sa packaging na ito, malinaw na nilalahad ang kabuan ng album ng Urbandub -- kabiguan at anxiety.
What the Pack!: ELECTROLYCHEE.COM, "Blush" of Imago. Masyadong maraming nagrereklamo sa pagiging stylistic ng packaging ng Imago. Marami rin ang nagsasabing masyadong pa-cute ito. Pero isa lang ang masasabi ko, kailangan ba talagang isama ang mukha sa cover? What the Pack!
BEST MUSIC VIDEO
One and only: "MARTYR NYEBERA" of Kamikazee (Directed by Avid Liongoren). Avid is a visionary. Alam niyang gamitin lahat ng effects at alam niya kung paano gumawa ng kuwento para sa isang masayang video. Kung-fu at its finest kumbaga.
PRODUCER OF THE YEAR
Winner: NOEL DE BRACKINGHE, SWEETSPOT, UPDHARMADOWN (Fragmented - Updharmadown). Kaya nga maganda yung album na to dahil sa well-produced. Tama lang ang timpla sa lahat ng tracks plus nakakabighani yung dalawang instrumental tracks showcasing the bands ability to create an atmospheric performances.
[Kaeklatan] Dahil Sabi ng Nag-tag sa Blog ni Kiko...
** ang blog ay isang mainam na venue para magyabang. o sige, magyayabang ulit ako.
kung di ninyo mabasa, andito ang write-up. lumabas lang siya na di ko alam. kahit papaano nagkaroon din ako ng two paragraphs of fame. nakaka-inspire ulit magsulat kahit tambak ang trabaho. sana december na para makapagpahinga na ako kahit saglit.
** may nakita ako sa PEx na thread tungkol sa Manila Bulletin. naalala ko tuloy yung isang tula ni jonar ng PP at GG tungkol dun. ikaw bakit di mo trip ang Manila Bulletin? sa akin, dahil dito:
Runner-up: Grafield 2 Winner: The Fart & The Furious
** napanood ko nga pala yung Science of Sleep nung friday. ayos naman siya, pero mas matrip ko pa rin ang Eternal Sunshine of the Spotless Mind. hindi ko alam kung ang script ng SoS ang prinoblema ko (ilang cheesy dialogue) o ang narration (napaka-linear niya lang). mas ayos pa rin kung si kaufmann ang nagsulat ng script gaya ng pagkakasulat niya sa ESoSM. pero kung anong prinoblema ko sa script, mas nagustuhan ko ang production at directing. alam mong surreal ang dating dahil sa paggamit ng ilang clay animations. nagkaroon tuloy ng pambatang feeling. makikipagpustahan ako, si michael gondry ang susunod sa yapak ni tim burton.
** may special treat ang opening ng cinemanila. pinalabas din ang pelikula ni raya martin. silent film in black and white. tungkol iyon sa Birth, War, and Death nung panahon ng Kastila. andami niyang simbolismo, at isa sa pinaka-profound ay yun sa eclipse na hinahanap ng mga bata. oo nga pala, Radioactive Sago Project ang nag-score at wasak na wasak ang scoring nila. nagbalik na pala sa kanila ang paborito kong local saxophonist na si rastem eugenio.
** nasa tinig.com ang isa sa mga nauna kong kuwento (nauna in a sense, unang naisulat at natapos). isa ito sa produkto ng kabagutan ko habang may lecture/training ng SAP sa opisina. ginagawa ko ito habang may naglelektyur, at aakalain niyang nag-eencode lang ako dahil sa patype-type ang drama ko. ito rin yung oras na kasagsagan ng pagkakadeklara ng National State of Emergency ng tita mong si gloria. halos kalahating araw ko rin siya ginawa dahil siyempre may mga exercises din akong dapat tapusin hindi pa kasama dyan ang walang kasawaang pagsusurf sa net.
matapos isulat, pinost ko siya sa isang website. como dahil sa walang editor mabilis na na-post yung akda. ang title pa nga niya'y 'Ika'y Tsuper, Buhay Mo'y Hindi Super'. at ipinost ko rin dito (hanapin na lang ninyo). isang paggagad yun sa isang kuwento ni alan derain, ang 'Liason sa 27th Floor' na sobra kong ininjoy. kaya sabi ko gagawa rin ako ng ganung klaseng akda pero gagawin kong diretsahan at mala-Lino Brocka (tipong may blurb na 'the poignancy of this story clearly depicts the humanity of an ageing Filipino', blog ko to kaya puwede akong magbuhat ng bangko). pero talagang di ganun kaganda yung title niya, kaya naisipan ni vlad gonzales o kung sinong editor na palitan ang cheesy title at gawing mala-existential at seryoso (nang mapalitan ang titulo, ang laki ng pinagkaiba ng dalawang akda). kaya nagpapasalamat ako sa nagpalit ng titulo -- napansin ko na talagang mahina ako sa pagpili ng mainam na pamagat.
** nagpasketch ako kahapon kay ezzard, kasama namin sa LIRA at ang lupit niya. halos five minutes lang ang pakakangalay ng pa-emote-emote kong face at meron na akong portrait na ilalagay sa darating na LIRA folio (siyempre ala pang pamagat). di rin ako confident sa mga tulang ipapasa ko. hindi kasi pulido ang editing na ginawa ko.
** nanood kami ng ilang fellows ng LIRA ng dulang hapon - Yaji and Kita ang titulo. Theater of Absurd ang tirada niya, at ang problema lang di namin maintindihan at kakaunti lang ang ginamit nilang plakard bilang translation ng dula. pero buong-buo ang pagiging surrealismo ng dula, ang nakakatawang diyalogo, ang pabalik-balik ng ilang eksena at energy ng mga aktor ang dahilan kung bakit na-enjoy namin ang dula. ilang theatric devices ang ginamit at isa na rito ang pagbasag ng fourth wall nang may dumating na delivery boy at may dalawang mami at pagturo ni Kita sa manonood bilang dingding. ang konsepto ng 'reality' at 'illusion' ay masusing inilarawan sa dula at ang 'buhay' at 'kamatayan' ay isa rin sa mga konsepto ng nasabing dula. at ang nakakamangha sa dula ay production set nito. grabe magugulat ka talaga, sayang nga lang at last performance na nila kahapon sa equitable tower 1 sa makati.
Nagsindi ng sigarilyo ang katapat ko sa dyip. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang drayber. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang katabi ng katapat ko. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang katabi ko. Hinithit niya. Isa-isang nagsindi ng sigarilyo ang mga nasa dyip maliban sa akin. Sabay-sabay nilang hinithit hanggang sa mag-usok.
Mausok, ang dyip ay umuusok. Tila mga ulap na gumagapang patungo sa akin. Dahan-dahan silang pumapasok sa aking mata, nambubulag. Pumasok ang usok sa aking ilong, sa aking bunganga, sa aking tainga, sa aking puwit. Sumuksok siya sa aking kilikili, sa aking singit, sa pagitan ng aking mga daliri. Nagsusumiksik sa aking mga ngipin ang nikotina.
“Nikotina ang bumabalot sa katawan ko. Nikotina ang bumabalot sa dyip. Nikotina ang bumabalot sa mundo,” pagsusumigaw ng aking sistemang lumabo dala ng usok. “Ma! Para!” sabay hila sa pising nakasabit. Pull the string to smoke.
Pagkababa, naglabas ako ng sigarilyo. Sinindihan. Hinithit. Dahan-dahang dinama ang usok at ang nikotina. Umuusok akong naglalakad samantalang humupa na ang usok na bumabalot sa sasakyang kanina’y tila magdadala sa akin sa alapaap.
** oh well, part lang yan sa prina-project kong tuluyang tula (prose poem) na balak ko sanang isama sa Ani 33 kung sakaling aabot sa deadline. ang title ng project na ito ay 'Tatlong Tala ng Usok Lungsod'. halong beat, at surrealismo ang balak ko rito.
** lately, na-enjoy ko ang 'Turning My Safety Off' ng Sino Sikat? hindi ko alam kung anong karisma meron si Kat (ang vocalist nila), na tipong sa bawat beses na maririnig ko ang kantang ito gusto kong maghubad. heto ang kantang yun (sabay lagay ng headphone at pagtali sa mga kamay):
** yan lang muna dahil sa sobrang busy ako lately from work (may dumating na expats galing Spain at nauubusan na ako ng english 'que cabron') kaya nababawasan na rin yung time ko para makapagsulat at para makasama ang Mommy Angel ko. andami ko ring backlog na libro at buti na lang natapos ko yung earthsea trilogy ni ursula le guin ng isang upuan. tatlong libro sa iisang upuan lang yun. at ngayon sasabihin ko na, si Ursula Le Guin ang diyosa pagdating sa fantasy na bildingsroman ang dating - walang kokontra move over harry potter talaga. uulitin ko siyang basahin para ma-decipher ko ang symbolisms na ginamit niya. (naalala ko lang, nagiging literary piece ang isang fantasy kapag may symbolism raw ito aside sa pagiging poetic ng mga linya)
"who in the quest for the melancholic soul of his native city has discovered new symbols for the clash and interlacing of cultures"
Binabasa ko lang kanina sa wikipedia ang biography niya. Oh well, he's a millionaire na at the same time makakamayan na niya ang Hari ng Sweden. sabi ko matapos manalo ni Harold Pinter, tuloy-tuloy na ang political writer sa pagsungkit ng Nobel. i'm betting my ass pa naman kay Phillip Roth. well, mainit-nit pa ang kontrobersya ni Pamuk at bagong magkaroon ng 10% increase sa mga translated na libro niya sa mga local bookstore (dahil tiyak, may ilalagay na Nobel Prize Winner sa mga cover) bibili na ako ng isa.
(Disclaimer: stream of conciousness ang tirada ko rito habang nakasalamapak ang headset sa tainga ko. gumamit din ako ng pastiche para mas lalong maipakita ang ilang bagay na di ko masabi ng mabilisan.)
Discotillion is a portmanteau of Disco and Cotillion parehong elemento o terminolohiya sa sayaw at kung pag-uusapan ang tunog ng Narda, isa rin itong portmanteau. Hindi dadalawang elemento kundi samu't saring elemento - blazing synths, powerful guitar riffs, hard-pounding drums, feisty and fiery vocals, and get-up-and-dance-punk energy ang mapapansin mo sa 11 tracks album na 'to.
Recipe for Molotov
Molotov for starter is a generic incidenciary weapon. Kalimitang linalagyan ito ng Gasolina at sinisindihan ng Mitsa. Narda started the riot by throwing Molotov. Ang kantang ito'y punong-puno ng punk attitude, lyrically wise. Street riots on your stereo kumbaga. "Molotov" is a sonic grenade that combines yelps and croons, beeps and buzzes, urgency and sentiment; it has received airplay on NU107, and was voted no.1 this year by NU107 listeners on the Stairway to Seven countdown (Luis Katigbak). Mapapasayaw ka habang nagliliyab ang "Gasolina". This high-octane song reminds me of Taralets ng Imago, pero mas feisty and fiery ang vocals ni Katwo. Isama mo pa rito ang hydrocarbon fueled drum beats ni Ryan Villena. Gasolina, patakbuhin mo ako. Gasolina, paliyabin mo ako. Gasolina, paandarin ako. Gasolina, sasabog ako Nagliliyab din 'Ang Mitsa' with its angsty lyrics and burning beats was one of the best track of the album. Angst is a universal flammable theme.
Kay Lab, Ang Golden Boy
Relationship is a common theme sa album na to. Kay Lab talks about dysfunctional relationship, at tulad ng isang cotillion kailangan may mabagal na kanta, pero kahit bumagal siya kaya ka pa rin niyang ipa-sway-sway ang nakikinig. At tulad ng isang mabilis na relasyon ganun din kabilis natapos ang Halik, ngunit kahit gaano kabilis may maiiwan pa ring bahid ng mga alaala (in terms sa music, mapapa-LSS kumbaga). Longing for someone you love ang drama ng Golden Boy. Katwo can deliver subtle melancholy on this track inspite of her fiery feisty vocals from the previous tracks. Kumbaga, dito mo makikita mo yung apoy na sumasayaw pero sumasayaw ng malungkot na sayaw. Time is a factor sa kantang 100 Taon. Mas nadama ko ang mga synths dito. Para bang nakikiiyak din sila sa paghihintay.
"Alta Presyon" has a New Wave flavor but an energy all its own (Luis Katigbak) Modern – Cinderella ang dating ng kantang ito ngunit ang lyrics ang nag-hook sa akin sa kantang ito. Malinaw na pinaramdam sa akin ang kalagayan ng isang inaatake ng alta-presyon dahil sa in-love ka (mais na mais pero benta sa akin). Tuwing nanlalapit, ako’y nama’y nanabik. Tumatalon ang puso ko, bumibilis ang daloy ng dugo.
Buti nga Batang Munti (Ang Kamikazee)
Buti nga is a fast paced track. Ito yung mga tipong masarap pakinggan habang nakikipagkarerahan ka sa lumang Greenhills (oo, tama kung saan madalas magkaroon ng drag race nung 80s at early 90s). Sabi nga ni Luis Katigbak, car chase of a song: adrenaline-pumping and dangerous . At napaka-80s ng dating niya sa akin from the use of synths, to beats, and vocals (Katwo reminds me of angsty female rockers of the 80s). Medyo subtle ang lyrics ng Batang Munti. Nagtatalo sa akin ang image ng taong bangang sa drugs at manyakis (kung iisipin mo lang na si Katwo ang tinitingnan ng character sa kanta). Tawa nang tawa, tawa nang tawa. Bakit ka ngumingiti?
Kamikazee, hindi ito biro. Promise, may track talaga silang Kamikazee ang title. Para bang Narda ng Kamikazee? Ganun nga, pero hindi love song 'to. Sa una, paano kaya makakasulat ang Narda ng kantang Kamikazee. Destructive? Suicidal? Honorable death? Then they settled in describing Kamikazee's antics on stage. One of the tracks na may potential mag-rate kapag nailabas bilang single. I enjoy this track. Tamang-tamang pang-ending ng isang malupit na album.
Recommended Narda Track sa JS Prom
Dahil sa malapit na rin ang JS Prom, malugod kong hinahandog ang Narda - Cotillion Tracks. Maari ninyong patugtugin ang mga sumusunod: Golden Boy, Alta-Presyon, Kay Lab, 100 Taon, at Halik. Recommended ito sa mga taong sawang sawa na sa King and Queen of Hearts ni David Pomeranz at lahat ng mga awiting lumabas sa OST ng Zapped. Para sa JS Prom with attitude, try Narda.
Street Party/Street Riot
Kung trip na trip ninyong magpa-street party at umay na umay na kayo sa trance o remixes, try Narda's Molotov, Gasolina, Ang Mitsa, Kamikazee for a party with spank and punk.
** siyempre maraming pinagbibisihan - work, trabaho, at hanapbuhay. medyo matabang na nga rin ang mga creative juices ko kaya di makagawa ng matitinong akda. kaya sa minsanang update, post ko rito ang isang wasak na video mula sa Ok Go! gumagawa na rin sila ng pangalan sa musika pero mas wasak pa rin ang DIY video nila na to. naalala ko tuloy ang 'praise me' ni fatboy slim, sa sobrang kasimplehan ng pagkakagawa ni spike jonze eh mas lalong umastig ito. kaya do check out this video:
** ilang rakrakan note: nagpapatawag ng submission of fiction ang tambalang karl de mesa at norma wilcayco at ang pinaka-topic nito'y ang transgressive fiction. yun nga sa likhaan, kung sakaling magpasa ako ng entry (malabong sumali ako) para sa kanilang advance workshop (may isang qualification na pinasa ko) gusto ko sanang isali ang ilang transgressive na mga kuwento. pero siyempre malabong mapansin yun, lalo na't ang mabilis pumasok sa isip ng iba sa genreng ito ay 'killing without reason. fucking with reason. puffing without reason'. pero kung interested ka, sige ikakalat ko na rin:
Call for Submissions: WASAK! Stories of Pinoy Transgression and Deliverance
You are not a beautiful and unique snowflake, you are the all-singing, all-dancing crap of the world.
Revolutions are first born in the mind, move to the street, and then rise up like a conflagration to burn the whole catastrophe down.
If you feel the same way, write with an agressive spirit and have kick ass, mind fuck stories that burn like a firebrand, then we want you to give us that cool narrative.
Edited by Norman Wilwayco (author of Mondomanila) and Karl De Mesa (author of Damaged People: Tales of the Gothic-Punk), WASAK! Stories of Pinoy Transgression and Deliverance tracks the same territory that writers like Hunter S. Thompson, Irvine Welsh, Douglas Coupland and Chuck Palanhiuk have explored and mapped in all its brutality, dysfunction and senseless beauty.
This is an anthology that breaks the rules and finds personal salvation in burning the flag of mediocrity.
REQUIREMENTS:
1) Stories must be written in the transgressive fiction vein and must be set in the Philippines (not necessarily Manila). 2) Stories can be either in English or Filipino. 3) Stories must clock in at not more than 30 pages (double spaced, size 11 font, on 8 and a half by 11 paper). There is no minimum word count. 4) Stories must be submitted in RTF format with the subject heading: “Submission to WASAK_title of story_name of author” to pinoytransgressive@yahoo.com 5) Include a short biography with your contact information and a map of your immediate residence along with the person to call in case of medical emergency. 6) Deadline for all submissions is December 30, 2006 7) All accepted works will be paid with contributor’s copies. 8) All accepted authors must prepare for a round in the WASAK! fight club. If you don’t die, we guarantee you’ll come away with a full set of scars, bub.
** sa susunod na post, promise review ng discotillion ng narda o kaya yung long overdue na journal sa mga lyrics ni dong abay.