[Tula at Eklat] Tulang Pambalenatyms at Ilang Updates
** successful naman kahit papaano ang Kapusuan ng LIRA. marami na rin ang dumating matapos kung magbasa. buti na lang kung hindi, nakita nila ako sa 'Matsing Mask' ko. nagkaroon lang ako ng ideyang gumawa ng ilang tula patungkol sa pag-dedekonstrak sa mga mitolohiyang personalidad. gusto ko silang bigyan ng bagong perspektiba, lalo na ang ilan sa mga palasak nang nagagamit tulad ni Kupido. challenge sa akin ito lalo na't nais kong bigyan ng pansin ang pagtutula. masyado kasi akong occupied sa trabaho para makabuo ng isang disenteng kuwento. yung talagang sa palagay ko maganda dahil sa pagtitiyagaan ko hanggang sa pagbuo ng outline at character studies. hindi naman sa pinagyayabang ko na madaling isulat ang tula, sa totoo isa ito sa mahirap gawin. lalo na kung magpapakabusisi ako rito. pero may libog akong nadadama ngayon sa pagtula, marahil epekto nang halos ilang buwang palihan sa LIRA. mga mangilan-ngilang linya pagsapit ng gabi, siguro ito lang ang kailangan ko para makabuo ng matinong tula. susubukan kong pakinisin ito tuwing lunch breaks o kaya habang dyumudyingel. time management lang to.
kailangan ko na rin sigurong pumili ng makatang pagbabagayan ko. sa kasalukuyan, naiibigan ko ang sensibilidad ng mga tula ni Jerry Gracio, ang pagiging pulido sa mga salita ni Mike Bigornia, ang pananaw ni Bobby Anounevo at Rosmon Tuazon, at ang kasimplehan nila Billy Collins at Ted Kooser. pero bukas pa rin ako sa ilang makatang magbibigay lalo sa akin ng maturity sa larangan ng panulaan.
** bilang unang salvo sa nasabing proyekto (na sana'y matapos ko), narito ang binasa ko sa Conspiracy kagabi with matching 'Matsing Mask':
Kupido Enrique S. Villasis
Ang magtanim ng pag-ibig, Ito ang tanging nakaatas sa akin. Ilang beses na bang namulaklak ang aking mga tanim?
Ngayong gabi, ako ang humihimas Ng serbesa, nakikinig Sa sintunadong umaawit. Kanina lamang, nabali ang sarili kong binhi.
Sa kabilang mesa, dinig ko Ang lalaking may itinatagong hikbi. Nagkukubli sa mga lagok ng alak At nguya sa pulutang mani.
Ipinaglalayo kami ng distansiya, Ipinaglalapit kami ng pag-iisa.
Nais kong isa-isahin ang mga punla Na aking itinanim. Isa ba siya Sa aking napabayaan?
Tumubo ngunit hindi nadiligan? Mababaw ang pagkakapunla’t nabunot sa lupa? O sadyang hindi nalagyan ng pataba? Hindi napainitan sa araw?
Kay rami nila. Hindi ko matukoy Kung sino siya roon.
Nais ko sanang muli siyang tamnan Ng panibagong punla ng pagmamahal Dahil ito ang nakaatas sa akin, Ngunit ngayon gabi, tanging paglalasing Sa pag-iisa ang aking magagawa.
** hindi ko itatanggi na malaking impluwensiya sa pagbuo ko ng tulang ito ang Matusalen ni Rosmon Tuazon mula sa kanyang chapbook na 'Mula'.
** nagbalik Dungeons and Dragons ulit ako. sa matagal na panahon, ito ang hinahanap ko. para makulit ko lang ang kaibigang Dungeon Master na magpalaro, nasabi ko sa kanya na balak kong bumuo ng isang sanaysay tungkol sa role-playing games. isang pagpaparallel ito sa mundong binubuo namin habang naglalaro at sa mundong talagang iniikutan namin.
** speaking of DnD, level 2 barbarian na ang character ko. napilitan akong maging hack&slash character dahil sa pangit ang stat ko. suicide na kumbaga ang paglalaro ko nito.
** mabalik tayo sa fiction, nakabili ako noong Read or Die Convention ng ilang libro. dalawa to be exact. ang 'Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento' ni Jun Cruz Reyes at ang 'Werewolves on Their Youth' ni Michael Chabon. mas nag-eenjoy ako sa mga kuwento ni Jun Cruz Reyes kaysa kay Chabon kahit mas dysfunctional ang mga tauhan niya. dala siguro ito na mas kakaiba ang pagsipat ni Jun Cruz Reyes sa mga bagay-bagay. may angst din. pero sa katagalan, kapuna-puna ang impluwensya ni J.D. Salinger sa mga akda niya. isa pa sa bentahe ng mga 'luma o klasikong' akda ni Jun Cruz Reyes ay ang pagbibigay nito ng mga boses sa mga karaniwang taong hindi nabibigyang ng boses. si Jun Cruz Reyes ang spokeperson ng mga tambay, ng mga bunso, ng mga teacher enemy number one. sabi ko nga sa isang forum, wag silang mag-rave kay Bob Ong dahil mas nauna pa si Jun Cruz Reyes sa pagpapakyut. i-deny man ni Bob Ong, lutang ang impluwensyang Jun Cruz Reyes sa mga akda niya.
Mga magbabasa ay mula sa iba't-ibang grupo ng mga artists at writers mula sa intiative ng Linangan sa Imagen, Retorika, at Anyo. Kaya kung gusto mo ng pre-Valentines gimmick, pumunta ka rito para maranasan mo kung paano mainlab, masaktan, maiwanan -- dahil kahit hindi ka saging, may puso ka pa rin.
*** nakabili kasi ako nung Sabado nang The Best American Poetry 1998 sa Booksale at ang tula ni Edward Hirsch na 'The Lectures on Love' ang isa sa mga nag-struck sa akin. isipin mo iba't-ibang persona mula kay Marquis de Sade hanggang kay Collete ang nagbigay ng 'symposium' tungkol sa pag-ibig. nakakatuwa rin ang ginamit niyang mga forms at isa rito ang pantoum. ang pinakamaangas na symposium, siyempre kay Marquis de Sade.
at dahil tinatamad akong i-type ang nasabing tula, naghanap ako sa net (the power of unlimited connection thank you sa trabaho) ng mga tula niya at isa ito sa mga nagustuhan ko:
Poor Angels by Edward Hirsch
At this hour the soul floats weightlessly through the city streets, speechless and invisible, astonished by the smoky blend of grays and golds seeping out of the air, the dark half-tones
of dusk suddenly filling the urban sky while the body sits listlessly by the window sullen and heavy, too exhausted to move, too weary to stand up or to lie down.
At this hour the soul is like a yellow wing slipping through the treetops, a little ecstatic cloud hovering over the sidewalks, calling out to the approaching night, “Amaze me, amaze me,”
while the body sits glumly by the window listening to the clear summons of the dead transparent as glass, clairvoyant as crystal. Some nights it is almost ready to join them.
Oh, this is a strange, unlikely tethering, a furious grafting of the quick and the slow: when the soul flies up, the body sinks down and all night—locked in the same cramped room—
they go on quarreling, stubbornly threatening to leave each other, wordlessly filling the air with the sound of a low internal burning. How long can this bewildering marriage last?
At midnight the soul dreams of a small fire of stars flaming on the other side of the sky, but the body stares into an empty night sheen, a hollow-eyed darkness. Poor luckless angels,
feverish old loves: don’t separate yet. Let what rises live with what descends.
*** isa pang tula mula sa unti-unti ko nang nagugustuhang makata, si Naomi Shihab Nye.
Blood by Naomi Shihab Nye
“A true Arab knows how to catch a fly in his hands,” my father would say. And he’d prove it, cupping the buzzer instantly while the host with the swatter stared.
In the spring our palms peeled like snakes. True Arabs believed watermelon could heal fifty ways. I changed these to fit the occasion.
Years before, a girl knocked, wanted to see the Arab. I said we didn’t have one. After that, my father told me who he was, “Shihab”—“shooting star”— a good name, borrowed from the sky. Once I said, “When we die, we give it back?” He said that’s what a true Arab would say.
Today the headlines clot in my blood. A little Palestinian dangles a truck on the front page. Homeless fig, this tragedy with a terrible root is too big for us. What flag can we wave? I wave the flag of stone and seed, table mat stitched in blue.
I call my father, we talk around the news. It is too much for him, neither of his two languages can reach it. I drive into the country to find sheep, cows, to plead with the air: Who calls anyone civilized? Where can the crying heart graze? What does a true Arab do now?
*** kung may isa akong gusto kay Billy Collins ay ito ang kanyang simplisidad sa pagtingin sa mga bagay-bagay. simula sa paggamit niya ng diction at tone, simple at kung minsa'y conversational pero may dating siya matapos basahin. at sa imahen, may tendency siyang maging simple sa pagbibigay buhay sa mga ito. tulad ng dalawang tula:
Questions About Angels by Billy Collins
Of all the questions you might want to ask about angels, the only one you ever hear is how many can dance on the head of a pin.
No curiosity about how they pass the eternal time besides circling the Throne chanting in Latin or delivering a crust of bread to a hermit on earth or guiding a boy and girl across a rickety wooden bridge.
Do they fly through God's body and come out singing? Do they swing like children from the hinges of the spirit world saying their names backwards and forwards? Do they sit alone in little gardens changing colors?
What about their sleeping habits, the fabric of their robes, their diet of unfiltered divine light? What goes on inside their luminous heads? Is there a wall these tall presences can look over and see hell?
If an angel fell off a cloud, would he leave a hole in a river and would the hole float along endlessly filled with the silent letters of every angelic word?
If an angel delivered the mail, would he arrive in a blinding rush of wings or would he just assume the appearance of the regular mailman and whistle up the driveway reading the postcards?
No, the medieval theologians control the court. The only question you ever hear is about the little dance floor on the head of a pin where halos are meant to converge and drift invisibly.
It is designed to make us think in millions, billions, to make us run out of numbers and collapse into infinity, but perhaps the answer is simply one: one female angel dancing alone in her stocking feet, a small jazz combo working in the background.
She sways like a branch in the wind, her beautiful eyes closed, and the tall thin bassist leans over to glance at his watch because she has been dancing forever, and now it is very late, even for musicians.
Creatures by Billy Collins
Hamlet noticed them in the shapes of clouds, but I saw them in the furniture of childhood, creatures trapped under surfaces of wood,
one submerged in a polished sideboard, one frowning from a chair-back, another howling from my mother’s silent bureau, locked in the grain of maple, frozen in oak.
I would see these presences, too, in a swirling pattern of wallpaper or in the various greens of a porcelain lamp, each looking so melancholy, so damned, some peering out at me as if they knew all the secrets of a secretive boy.
Many times I would be daydreaming on the carpet and one would appear next to me, the oversize nose, the hollow look.
So you will understand my reaction this morning at the beach when you opened your hand to show me a stone you had picked up from the shoreline.
“Do you see the face?” you asked as the cold surf circled our bare ankles. “There’s the eye and the line of the mouth, like it’s grimacing, like it’s in pain.”
“Well, maybe that’s because it has a fissure running down the length of its forehead not to mention a kind of twisted beak,” I said,
taking the thing from you and flinging it out over the sparkle of blue waves so it could live out its freakish existence on the dark bottom of the sea
and stop bothering innocent beachgoers like us, stop ruining everyone’s summer.
*** ginusto kong magbigay ng ilang kritisismo pero hilaw pa sa kung hilaw ako kaya inilgay ko na lang ang sa palagay ko'y ilan sa mga okey na tula.
*** nitong nakaraang sabado (january 13), napag-isipan naming magkita-kita ng mga kaklase noong hayskul dahil sa birthday ng sponsor ko sa CAT na si jaja. kahit papaano may ilan na sumulpot, ako pa nga ang pinakamaaga. the usual na ginagawa kapag may pagtitipon ay inuman, kaya ayun nag-vodka muna kami tapos strong ice. tapong inom lang. binasa ni jaja at ni alvin (isang kaibigan nila jaja mula sa up) ang kuwento ko. natuwa naman sila at may mga natanggap din akong magagandang feedback. ang pinakanagstuck sa akin ay yung sinabi ni jaja, 'para makaalis sa de-latang buhay, kailangan bang magpakamatay'. wika niya, kailangang di pang-indibwal na pag-iisip sa pagtakas ang gagawing solusyon, mas mainam kung sa ikakabuti ng mga nakakarami. gusto kong i-take in consideration ang mga sinabi niya (maliban sa comparitive lit si jaja, aktibo rin siya sa mga usaping sosyal). malaking tulong yun, marahil sa pagsapit ng 2007 iiwasan ko ang pagsusulat nang may pansariling perspektiba. kung may tatakasan ako, mainam na may isasama ko sa pagtakas. which leads me na dapat na akong magbasa ng mga pilosopiyang pangsosyal. masyadong manipis ang pananaw ko at hanggang sa rabaw lang ang kaya kong ibigay na solusyon. marahil sa pagbabasa ng mga ganito mas lalong lumawak ang paningin ko sa mga bagay-bagay. hindi lamang isang simpleng pagtanaw pero tumatagos hanggang ugat.
*** napag-usapan namin ang mga kaklaseng biglaan ang pagkakaroon ng pamilya. ilan na kasi sa amin nagsettle down na. nangako ako sa sarili na pagpatak ko sa edad na 24 dapat may anak na ako, kahit hindi nanggaling sa akin. iniisip ko na kasi na parang kabarkada ko lang ang anak kapag lumaki na siya. tipong kaya ko pang makipag-basketball sa kanya kahit binata na siya o maiintindihan ko ang kanyang pag-ibig kapag dalaga na siya. sa mga panahon na iyon wala pa marahil akong rayuma o hindi pa makitid ang utak sa pananaw ng maagang pag-ibig. pero evaluating, hindi pa ako financially stable. takot akong maghirap ang anak ko. sa panahon ngayon, mahal na ang gatas.
*** may mga bagay akong gustong gawin ngayong taon gaya ng pagkuha ng mas matinong writing study. pero sa kalagayan ko ngayon sa trabaho, mukhang malabo. kaya baka ngayong taon sa libro at internet na lang ako aasa sa mga bagay na gusto kong matutuhan at gawin.
*** nag-iisip ako ngayon kung sasali ulit ba ako sa mga contests. noong una, just for the sake of experience, ni hindi ko nga aakalain na mananalo ako. pero ngayon, may urge akong sumali para manalo. hindi ganito ang thinking ko, at kapag ganito ang nangyari natatalo ako. hate ko pa naman ang matalo.
*** dahil bagong taon, kinasasabikan ko ang magiging kaganapan sa local music scene. siyempre hindi ko na isasama ang 2nd APO Tribute Album at ang malamang reunion concert ng Eraserheads. focus tayo sa mga bandang kinakapanabikan kong magrerelease ngayong taon.
1.) Giniling Festival - given na sa website ng terno na maglalabas sila ngayon ng album. goofy metal. yan ang iniisip kong ibansag sa kanila, pero baka magbago once mapakinggan ang buong album. may nagsabi na huwag bumili ng pirata dahil sa may sorpresa sa kanilang packaging. ano kayo yun? ang masasabi ko, sa ngayon mas nagiging creative na ang mga artist hindi lamang sa kanilang musika pati na rin sa packages.
2.) Radioactive Sago Project - oo, ilalabas na ng tropa ni Louyrd de Veyra ang kanilang pangatlong album ang 'Tangina Mo! Ang Daming Nagugutom Fashionista Ka Pa Rin'. marahil isa itong malaking social commentaries sa kasalukuyan, halata naman sa kanilang unang single ang 'Wasak na Wasak'. speaking of that, napansin kong effective ang pagiging avant-garde ng kantang iyon.
3.) Los Chupacabraz - this poet's band fused new wave and blues to the melody and tongue-in-cheek novelty wits for lyrics. sa kasalukuyan isa sila sa may gumagapang na cult followings among the writers and artists. hinihintay ko ang kanilang album o kahit man lang LP.
4.) Cosmic Love - soul will be the flavor the year, pangungunahan nila with Sino Sikat and Pinoy Stories. evident din ang galeng nila sa Island Lovin collaboration nila with Nimbus9.
5.) Sino Sikat - raging testosterone, paano mapipigilan yan. sa mga observant ng local music scene, wala na silang masasabi. isa ang kanilang album sa mga pinakahihintay.
6.) Swissy - Terno has a new girl and her name is Swissy. last 'in the raw' na-impress ako sa galing nito. she sounds sweet and she got the spank.
7.) Panky Trinidad - guilty pleasure lang.
8.) Nyko Maca - electrosamba anyone?
*** iniisip ko rin maglagay ng mga featured poems, and fictions tapos bibigyan ko ng ilang puna o kritisismo. ang nakakatakot nga lang hilaw pa ako sa mga ganitong bagay kailangan ko pang pag-aralan ng mas malalim lalo na sa tula. pero magsusubok ako.
The year 2006 produced a descent amount of good music. Talagang din a papaawat ang mga artists sa paggawa ng OPM, from indie to mainstream they connected the every ear of music loving Pinoy. One good thing about the music of 2006 is that it crossed boundaries – soul can be mix with jazz, jazz can be with rock, rock with a tinge of bubble gum pop so on and so forth. In the year 2006, bossanova became a sensation toppling acoustic acts, tribute albums became the soundtrack of city life, and future hit makers were covered 24/7, quartered and learned in one academy.
Before the Chinese New Year, dapat may recap sa mga best of ng OPM. Nagawa ng mga neophyte band na makasama sa count down. Some where able to surpassed the sophomore jinx. Yung iba kahit nagpalit na ng pangalan nagawa pa ring patunayan na ang tunog lang nila ang nagbago. At siyempre nariyan pa rin ang mga stalwart ng OPM industry.
(May ibang album achieved critical praises pero di ko magawang isama dahil saw ala akong kopya nila, these included the heavy ‘Conflagration’ ng Cog, ‘Transit’ ng Spongecola, Sleepyhead’s, Skies of Ember’s ‘Endless Swoon’, The Dawn’s 20th Year album at ilang emo bands.)
10.) Manila High – Kala
Influenced by the 70s Manila Sound, this band fused funk, disco, jazz, and pop to create a funky and groovy debut album. Their first single ‘Jeepney’ ruled some music charts gaining them nationwide attention. Noteworthy tracks include the bossa ‘Southside’, the novelty ‘Tubero’, the title track ‘Manila High’ and the VST inspired ‘Bakbakan Na’. Continuous playing of the album gave you an infectious grooving.
9.) 2 Step Marv – Kjwan
When Marc Abaya left Sandwich for Kjwan, marami ang nag-speculate na mas lalong paangasin ni Marc ang dati nang maangas na grupo. It was not really Marc’s full attention that gave this band the additional bravado it was also Boogie Romero’s guitar licks. From their sunny feeling ‘One Look’ the band proves that they evolved from a hard rocking band to a more matured musicians. Nagawa rin nilang gawing sophisticated ang nasabing album with tracks like ‘Can’t Do That’.
8.) Strangely Paired – Outerhope
Siblings Mike and Micaela Benedicto proved that even an acoustic guitar and an electronic organ can produce an infectious debut album. This duo were compared to the dream pop heroes like Nick Drake, Coctaeu Twins, and Belle and Sebastian that shows us Pinoy is not lagging behind in terms of music. Micaela’s sweet and delicate voice swoons like a little playful girl that matches with the atmospheric duet of their instruments. From their playful instrumental track ‘Learning to Skate’ to the infectious power pop ‘Final Hour’ this album is so atmospheric that you wanted to listen it during rainy days or preferably reading a book. Notable tracks will include the bluesy ‘Makisama’, the whimsical ‘Sky High Blue’ and the playful ‘Another Daybreak’.
7.) Discotillion – Narda
There is no stopping with Narda. From their indie debut album effort to its punk-dance riot sophomore album they had always proved that they can kick. Walang kaduda, Katwo Librado is the hottest female vocalist in town (after posing for FHM, definitely she is). Her vocal is so intense and fiery that it gave the track ‘Molotov’ its continuous flame. Hindi rin maiiwasan na mapasayaw sa mga naggagalawang tunog ng mga synths and undeniably strong drum beats. This short-span album delivers an in-your face songs about riots, dance party, crazy antics, car chases, and relationships. Track after track, it is undeniably infectious to the effect of faster paper works and uncontrollable head-banging.
6.) Extra Rice – Chillitees
Sabi nila ulan daw ang ultimate mood setter para sa tao pero habang pinakikinggan ko ang album na ito hindi ko maiwasang sabihing Chillitees can be a good mood setter. From the groovy ‘Sama Na’ to the bittersweet ‘Ex’, this album proves to be sultry, refreshing, soulful, sweet, and jazzy that you wanted to try to listen to the whole album again. One good thing about this album is that they employed the elegance of the Filipino language. Ginamit nila ang Tagalog and avoided the clichés that most RnB bands where doing which gives them an edge over Southborder and Freestyle.
5.) Queso – Queso
No they are not a new band, and their music – evolving. Tawag sa kanila dati’y Cheese at ang kanilang mga taga-sunod Tropang Daga, pero sa album cover pa lang pinatay na ang daga kaya intriguing ang dating ng bagong Cheese. Kung ang ilang nu-metal band ay nag-shift na ng tunog, sila, mas lalong pinahusay. Pinaghalu-halo nila ang iba’t-ibang genre para mas lalong umaangas ang tropical grunge nila. A steady mix of jazz, electronica beat, hip-hop, and the occasional reggae. Siyempre sino ang hindi magkakamali sa kanilang mouthful lyrics na binibigkas ni Ian Tayao. At ang ilang best tracks sa album ay ang ‘Furlan’, ‘Insekta’ , “santa Maria’ and the collaborated effort with the spoken-jazz genius Louyrd de Veyra, 'Billy Boy'.
4.) Tala-arawan – Sugarfree
Take a peek at Ebe Dancel’s diary. Mas personal ang dating ng album na ‘to para kay Ebe, nagsulat siya ng mga kantang naayon sa kanyang nadadarama, simula sa takot sa pagtanda (Salamin) hanggang sa sarkastikong hirit sa mga taong nangungutya (Ang Pinakamagaling na Tao sa Balat ng Mundo). But what makes this album special is that Ebe proved his worth as a honcho of mainstream pop-rock. The melody of the songs will stick in to your head na gugustuhin mong i-hum matapos ang ilang spin ng album. Adaptation. Nag-adapt ang bagong banda sa bago nilang kabandang si Kaka Quisimbing matapos umalis ang dating drummer na si Mitch. Sumasakto ang dating tunog nila Ebe sa mga drum beats ni Kaka, at si Kaka umaayon ang mga palo sa tunog ng Sugarfree. Mutualism kumbaga. ‘Ikaw Pala’ is a mellow song, walang kaduda-duda ang sentimentality ni Ebe pagdating sa mga ganitong uri ng mga kanta. At kung gagawa ng panibagong commercial ang mga network provider, paniguradong ‘Dear Kuya’ ang papatok sa mga utak ng mga taga-ads. At di mawawala ang mga break-up songs na gaya ng ‘Kung Ayaw Mo Na Sa Akin’ na hinaluan ng siste, at ang ‘Reunion’ bilang sequel ng kantang ‘Prom’ from their sophomore album.
3.) Blue Monsoon - Sound
From their previous positive debut album, Sound, this time took us to the darker and sober Manila, this may attributed to the inclusion of Malek Lopez (Drip, Rubber Inc) to the creative forces of the band. Sa first track (Blue Monsoon) palang gusto mo nang humiga at namnamin ang mga imahen na isinulat ni Sach Castillo, pero sa maiiging pagdarama mas kapansin-pansin ang loneliness sa pagbabago ng panahon. Ang isa sa maganda sa album na ‘to, mas nagbigay sila ng pansin sa mga kantang nasusulat sa Tagalog. Their debut effort only featured Habulan as a Tagalog track, now mas madami isama mo pa ang mahabang version ng ‘Di Na Natuto’. They sound like Steely Dan sa mga tracks na tulad ng ‘Where to Go From There’ and Corduroy sa instrumental track na ‘Let Get It Back’. They are not just a jazz fusion band, they tried to mix funk and electronica sa Jamiroquia-ish track ‘The Trouble With Me’. Notable tracks include the noir-ish ‘Turpentine’ (tribute track for the jazz goddess Billie Holiday), the darkest song in the album ‘Idlip’, the hypocrite-friendly ‘Maskarahan’, a tribute to Manila Sound ‘Maynila’, and the disillusioned “Bagong Siglo’. (Try ko gumawa ng album review nito)
2.) Fragmented – Updharma Down
When Armi and the band came out to the music scene via this album, kaliwa’t kanan na ang mga praises na natanggap nila, at kasama na rito ang respeto ng mga taga-industriya ng musika. Sa kanila nagsimula ang term na ‘fusion’ because their music can’t be classified as rock, jazz, pop, soul, triphop, or drum and bass, but one thing is for sure, spin after spin, siguradong bago mo nang mantra ay ang vocal prowess ni Armi Millare, the solid rhythm from the bass of Paul Yap, the affectionate guitar lines of Carlos Tanada, and the powerful drum beats of Ean Mayor.
1.) Flipino – Dong Abay
Dong Abay is what Lino Brocka is for film. Both persona captured the scenery of Philippine condition. Kung drama si Lino Brocka, wit ang pinagagana ni Dong Abay. ‘Awit ng Kambing’ can be compared with Lino Brocka’s ‘Insiang’. ‘Perpekto’ was Dong Abay’s answer to Lino Brocka’s ‘Tinimbang Ka…’. Kung hirap naman ng buhay ang pag-uusapan, parehong huli ng dalawa ang tunay na kalagayan ng mga mamayang Filipino. Si Brocka ay may ‘Maynila: Sa Kunko ng Liwanag’ samantalang si Dong Abay ay mayroon naming ‘Mateo Singko’. Sa ilang ulit na pagpapaikot ng album na ‘to, mas magbubukas ito ng karagdagang mata sa tunay na kalagayan ng Filipinas.
What makes Pinoy Christmas special ay ang MMFF. Siyempre lahat ng bata sa Manila ay nakadiskarte sa pamamasko. Isama mo pa na quality times ito para sa pamilya, kaya sige sugod sila sa mga sinehan para manood ng mga pelikulang Filipino. Ang huling taong nakapanood ako kasama ang Tatay ko ay noong Okey Ka Fairy Ko, yung first episode, sa lumang sinehan sa Odeon sa may Recto Ave. Dahil sa kumikita na ako, gusto ko rin magrelax kaya galing sa bahay nila Mommy Angel Zyrah dumiretso kami sa SM Southmall kung saan nakipagkita muna kami sa college kabarkada ko na si Bernard para kunin ang naiwan kong mga libro sa bahay nila Alix. Matapos makuha, nagdecide na kami ng girlfriend ko na manood ng sine despite na inaantok siya. Dalawa lang ang pelikulang gusto kong panoorin – ‘Ligalig’ at ‘Kasal, Kasali, Kasalo’. Ligalig ang first choice ko dahil sa admit it film noir ito. Sa poster pa lang halata mo na. Sige, film-noir slasher flick para mas okey ang pag-claclassify natin sa kanya. Gusto naman ni Mommy Angel na yung ‘KKK’ ang panoorin, obviously dahil crush niya si Ryan Agoncillo.
Dahil ako naman ang magbabayad, ako ang masusunod. Nanood kami nang Ligalig. Ligalig is my top choice to win the Best Picture Award. Technicals palang niya mapapamura ka na. Film-noir talaga ang treatment sa kanya, at kung papansinin nang maiigi, high definition digital camera ang ginamit saka inilipat sa film. Kaya buong-buo ang paggawa ng mga effects. Superb ang cinematography. Alam mo yung feeling na talagang dark ang atmosphere, from the opening sequence sa motel hanggang sa confrontation ng mga character nila Johnny Delgado at Cesar Montano. Familiar ako sa mga gawa nila Alfred Hithcock, at isa sa mga signature ng mga film noir ay ang halos di gumagalaw na mga sasakyan ngunit yung background lang ang tumatakbo. Yung taxi sequence nang papunta sila Junior sa bahay nila Sunshine Cruz, doon mo makikita ang galing ni Cesar at ng Director of Photography. Isa pa ay ang paggamit ng mga fog. Ang pulido ng takbo ng treatment sa kulay, pati na rin sa galaw ng camera. Nagulat ako dahil natural ang dating ng fog sa pelikula. Mas nagdagdag epekto ito sa pagiging noir ng Ligalig. Idagdag pa rito ang angas ng sounds at background music. Isa sa paborito kong pelikula ay ang ‘Fight Club’, di naman siya film-noir pero halatang isa ito sa mga inspiration ni Cesar lalo na sa sound editing (pay attention sa closing credit, parehong pareho sa Fight Club, akala ko nga The Pixies din ang tumutugtog).
Gaya ng mga ibang film-noir dapat mabilisan ang pacing kuwento. Isang araw lang naganap ang kuwento pero alam mong isang araw naganap yun dahil sa tight ng editing para makagawa ng mas mabilis ang galaw ng istorya. Maayos naman ang script yun nga lang may mga dialogue na off ako. Para bang hinahabol ni Cesar na manalo ng Villegas Award kung puro pang-soap opera ang mga linya ng mga characters simula sa character ni Rebecca Lusterio (yung bata sa Muro-Ami) hanggang sa pinaka-crucial na confrontations. Di nga rin kinalimutan ni Cesar na mag-pay tribute sa pinakagasgas na linya para sa mga slasher flicks na ‘you can run, but you can’t hide’. Commendable naman talaga ang story, pero hindi talaga market ito para sa mga spoon fed brain Pinoy. Kung di ka sanay manood ng mga pelikulang tulad nito (o mahilig man lang magbasa) di mo kaagad makukuha ang twist ng kuwento. Semi-spoiler lang, apat na sequence ang dapat mong abangan para makuha ang twist: 1.) Ang motel sequence. May naganap na patayan sa motel, samantalang katatapos lang ni Junior makipagtalik sa isang prosti (Gwen Garci). (Nagustuhan ko ang batuhan ng dialogues nila ni Cesar) 2.) Ang sequence na pauwi sila Trixie sa kanila. Sakay sa isang lumang kotse, kumakanta si Johnny Delgado ng theme song ng Bagong Lipunan, sinabi ang kanyang pangalan at nagsaludo. Nag-cut ang scene kila Cesar kung saan inaalok siya ng tubig ni Toti (Katya Santos) dahil katatapos lang daw nitong kumanta. 3.) Pagsuot ni Junior ng headgear na ibinigay ng character ni Max (John Regala) sa harap ng salamin, naroroon ang reflection ni Johnny Delgado. 4.) Ang paglapag ng camera ni Toti sa lamesita pagkatapos nitong umuwi at habang katatapos pa lang ng patayan.
Hands down ako kay Cesar para sa pagdirehe niya sa pelikulang ito. Isa sa key factor kung paano magiging successful ang isang film-noir ay ang pagdevelop ng ilang patayan. Tahimik ang patayan dito. Walang sumisigaw habang iniisa-isa sila. Nakakadagdag sa cold bloodedness ng killer ang ganitong epekto habang unti-unti niyang pinapatay ang mga characters. In case naman kay Max, isang gilit sa leeg ang tumapos sa kanya habang inuubos ang isang round ng machine gun (mahina ako sa baril). Dito, may ballet ng violence na ipinapakita. Mas nagbigay ito ng dagdag takot. Hindi rin miscast ang pelikula. Commendable si Celia Rodriguez bilang Mamang. Sa itsura pa lang niya, lalo na ang nanlilisik na mata, nakakatakot na paano kung lalagyan mo pa ng shotgun, pero may pa-cool effect pa rin dahil sa tabako at headset ng walkman (CD) na nakalagay lagi sa tainga. Ang character na si Max na war shocked na sundalo’y isinulat para lamang kay John Regala. At ano pa bang ihihirit ko para sa mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano. Noteworthy si Johnny Delgado bilang cold hearted killer. Sa paglalakad pa lang niya alam mo nang naglalabas na kaagad siya ng aura ng hilakbot. At si Bayani, siya na mismo ang comic relief, pampagaan sa tensyonadong pelikula.
Isa sa napansin ko sa pelikula ay ang sponsor. Subtle ang paglitaw ng mga sponsors dito na di mo man lang mamalayan, kasama na pala sila. Si Trixie ay nagtratrabaho sa Calayan Clinic at mismong si Dr Calayan ay nasa pelikula. Lumabas din ang TM at kung sisipatin nang maayos, ang cellphone na gamit ni Cesar sa kanyang commercial para sa network subscriber ay siya ring cellphone na gamit ni Junior. Ang Mega sardines ay makikita sa mga banner sa tindahan ni Inggo (Bayani Agbayani) na normal naman talagang nakikita sa mga tindahan. Ang medyo lantaran nga lang ay ang Espenili. Mula sa T-shirt ni Max hanggang sa shotgun ni Mamang.
Matapos mapanood ang Ligalig, napatanong ako, handa na ba tayong mga Pinoy sa ganitong uri ng genre. Kung tutuusin, iilan lang ang nanood pero sigurado ako may fulfillment sila na sulit ang kanilang binayad para sa pelikula.
Paalala lang di ito ang ultimate Filipino short stories na nabasa ko. Ilan lang 'to sa ilang beses kong binabalik-balikan basahin. Ito yung mga kuwentong mamangha ka, o di kaya makakadama ng kislot sa dibdib. Marahil may ilan pang maiikling katha ang makapasok sa listahan once mabasa ko sila o di kaya marediscover, sa ngayon heto na lang muna.
(Binabalak kong gumawa ng once in a week o di kaya once in a month (o kaya once in a blue moon) countdown ng mga akdang nabasa ko. Malamang puro Filipino short stories. Kaya watch lang mga kid sa darating na next installment nito.)
10. Dalantao ni Alwin C. Aguirre
Isa ito sa rare oppurtunities na may lalaking manunulat na tumatalakay sa pagbubuntis ng isang babae, ang pait ng makunan. Ang nakakamangha rito, nagawa ng manunulat na gumamit ng ilang elemento ng magic realism.
Nang una duda ako sa pag-aallude niya sa mga pelikula, marahil dahil sa hindi ko kinahiligan ang mga classical Hollywood movies kahit nakailang re-runs na ang iba sa TnT. Mas namangha ako sa dysfunctional na relationship ng mag-ina at ang balighong ugnayan nila. Matapos panoorin ang ilang pelikulang nasasaad sa akdang iyon, doon ko lang na-reliaze na mas maganda ang epekto ng pagsasanib ng dalawang media. (check ninyo ang paggamit ng pelikula ni ingmar bergman na 7th seal sa kamatayan ng ina ng narrator, ayus talaga)
8. Sinsil Boys ni German V. Gervacio
Exploatation ang paksa ng kuwentong ito pero di sa kamay nang mapang-aping magulang, o mapang-alipustang pamayanan. Exploatation ito ng media sa mga batang lansangan. Silang nabubuhay para lamang sa rugby ay ginagamit pa ng kagahamanan ng mga taga-media. Isang malungkot na reyalidad.
7. The Assasination of the Citizen ni Dr. Mario Miclat
Kafkanesque ang dating ng akda ni Doc Mic. Sino nga ba ang kumidnap sa pangunahing tauhan - ang kanya bang asawa? ang kanya bang bayaw? ang pulubing nakita niyang namamasyal sa Cubao? ang estudyanteng kanyang ibinagsak? o ang mga taga-kilusan? Kung tutuusin walang malinaw na kasagutan dahil hindi rito umiikot ang kuwento. Mas nakatuon ang plot sa mga tawag sa telepono ng pangunahing bida hanggang sa makausap niya ang kanyang ama, na matagal nang patay at pag-usapan nila ang tungkol sa pakikisama.
6. Ang Liason ng 27th Floor ni Alan Derain
Sa unang bahagi ng kuwento alam mo nang binabasag nito ang kumbensyunal na pagsasalaysay. Ang narrator ang siya ring writer, literally. Dito, ang narrator ang nagpapatakbo sa buhay ng liason simula sa kamalasang inaabot nito hanggang sa pagdesisyunan ng tauhan na kumalas sa kagustuhan ng narrator na tila isa nang Diyos. Nakakatawa sa unang bahagi pero sa huli makikisimpatiya ka na rin sa liason bilang isang tau-tauhan lamang ng isang kuwento. Wika nga sa isang kanta ng The Smith, "I am human and I need to be love..."
5. Baliw ni Mayette Bayuga
Hindi baliw ang bida ng kuwento, marahil malapit na siyang maging isa. Sa mata ng bida masusi niyang sinipat ang dahilan ng kabaliwan ng isang babae -- simula pagtataksil hanggang sa pagsasawalang-bahala ng asawa sa katayuan ng babaeng inaagawan na ng katinuan, at ikinokondisyon na niya ang sarili sa darating na panahon. Feministang akda, oo pero makapangyarihan. Hindi nagsusumigaw na babae, hindi rin lumalaban. Itinapon ng may-akda ang mga gasgas na gawain ng mga feministang may-akda bagkus sumipat siya sa panibagong perspektibo ng isang Filipina - hindi martir ngunit naghahanda sa pangyayaring maari niyang sapitin.
4. Ang Pamilyang Kumakain ng Lupa ni Khavn dela Cruz
Dysfunctional ang pamilyang ito (at kung tutuusin lahat naman ng pamilya ay dysfunctional) ngunit sa likod nito sinipat ni Khavn ang kinabukasan ng pamilyang Filipino. Ano ang dahilan ng pagiging mahalay ng Ate, ang pagiging masokista (with split personality) ni Kuya, ang pagiging psychotic ni Tatay, ang pagiging 'martir' ni Inay, at ang di 'paglaki' ni Bunso? Wala makakapagsabi dahil mahohook ka sa violence ng kuwento. Bakit sila nagsasalusalo ng lupa? Wala ring makakapagsabi dala ng kabalighuan ng akda, isa itong pagtatangka ni Khavn na makapagsulat ng Bizarro fiction, isang hakbang para makabuo ng panibagong genre sa panitikang Filipino.
Isang akda tungkol sa unrequited love. Pinanganak ang kapatid ng narrator na walang paa, nakakapagtaka para sa isang anak ng sapatero pero hindi rito nagtapos ang pagmamahal ng buong pamilya sa kanyang kapatid. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ng kapatid, nanaginip ito ng sapatos na maari niyang suotin, nagtuloy-tuloy ito hanggang mamatay ang kanilang ama. Sa akdang ito, maingat na hinawakan ni Luis Gatmaitan ang tema ng kamatayan at pag-ibig, sa sobrang ingat nang pagkakahawak niya nakakapagbigay ito ng kislot sa damdamin habang binabasa. Maingat din niyang hinabi ang mga salita para di magmukhang pilit o di kaya masyadong mushy.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
2. Kasal ni Eli Rueda Guieb
Isang pagsipat sa relasyon ang kuwentong ito (kung tutuusin forte na ni Guieb ang pagtalakay sa relasyon). Masusing hinawakan ni Guieb ang detalye nang paghihiwalay, ang masalimot na pakikipagrelasyon, ang paghahanap ng permanence samantalang umiikot ang buhay bilang transient, at ang malugod na pagtatangap kung paano haharapin ang kinabukasan. Kung kumalat sa net ang likha ni Guieb malamang pupunuin nito ang mga bulletin board ng Friendster o di kaya magiging laman ng mga forwarded mail. Magaan ang mga diyalogo samantalang epektibo ang naratibo, ang pagbubulaybulay ng narrator sa kanyang kasalukuyang katayuan, kasama na rin ang kaniyang kahapon at kinabukasan.
Minsan nga nai-quote ko to sa yahoo group ng mga kabarkada ko nang minsan may humihingi ng payo:
"maraming bagay sa mundo ang hindi puwedeng bigkisin ng mga kontrata ng relasyon. iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal. kapag iyon ang nawala wala na rin ang silbi ang katotohanan ng mga kontrata. ang tanging katotohanan naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata."
Anarkista ang may-ari ng buhok, ayon kay Jun Cruz Reyes sa Aklat Likhaan kung saan napabilang ang akdang ito. Si Tony, pinatatag ng kanyang pagkamulat sa kahirapan ay nagpunyaging maibago ang buhay ngunit sa kasamang-palad naging simula pa ito ng kanyang pagbagsak. Kung ganito ang pagsipat na gagawin sa kuwnto marahil trahedya ang kahahantungan ng akdang ito, ngunit kapag sinipat mo sa ibang dimensyon marerealize mo na hindi nabigo si Tony. Sa pagkain sa maangas na Kanong si Wayne naipakita ni Wilcayco na hindi lahat na transgressive fiction nag-rerely lang sa shock value ngunit dapat may pulitikang inilalatag (sa puntong ito napag-isa ang prinsipyo ni Wilcayco at ang tauhan niyang si Tony). Nagtagumpay si Tony, nagtagumpay si Wilcayco. Hindi rin marunong magpaumanhin sa paggamit ng salita si Wilcayco, alam niya kung kailan magmumura si Tony, alam niya kung ano ang sasabihin nito ito ang sangkap ng isang kontemporaryong kuwento para sa isang kontemporaryong sitwasyon.
Bawat pala ko ay sumasakit ang kanang braso ko. Ang ilong nga pala ni Wayne ang siya kong inulam nang maghapunan ako. Masarap pala ang ilong ng banyaga. Berde ang mga dahon. Ang buhay dito sa institusyon ng mga makata ay parang buhay sa loob ng aquarium nina Elmer, pinagmamasdan namin ang mga isdang sari-sari ang kulay. Fuck you! Eat dirt, motherfucker! Savor the taste of my native soil! Noong bata ako ay nag-iigib ako ng tubig. Noong lumaki ako ay nagtinda ako ng balut at sumama sa mga karpintero sa paggawa ng mga bahay. Masarap kumain ng balut. Si Wayne ay hindi na yata humihinga. Mahirap mag-aral sa UP kung squatter ka at may kaklase kang taga-ibang bansa. Sabi ni nanay, ang kilay ko raw ay hawig ng kilay ng tatay kong babaero. Kumusta na kaya si Klarang niligawan ko noong grade six ako?
sa totoo lang, mahirap gumawa ng listahan lalo na sa mga bagay na ayaw na ayaw mong bitiwan. personal choices lamang yan at walang masyadong batayan pero ang gaan nang feeling once naibahagi mo ang mga pananaw mo sa mga akdang ito. sa mga susunod, pipilitin kong gumawa na mayroon batayan. yung tipong may classification na, parang Top Ten Gay Stories o kaya Top Ten Pinoy Sci-fi. mukhang exciting din siya. kaya hanggang sa muli.
*** natapos na rin kagabi ang fellow's night at kaninang umaga habang naliligo napaisip ako: kung talaga seseryosohin ko ang pagsusulat ano dapat ang magiging motibo ko? at kaninang umaga habang nagrandom read ako sa wikipedia, nakilala ko si ted kooser. isa siyang makatang amerikano at naging Poet Laureate. at ito ang isa sa mga hirit niya:
"Every stranger's tolerance for poetry is compromised by much more important demands on his or her time. Therefore, I try to honor my reader's patience and generosity by presenting what I have to say as clearly and succinctly as possible .... Also, I try not to insult the reader's good sense by talking down; I don't see anything to gain by alluding to intellectual experiences that the reader may not have had. I do what I can to avoid being rude or offensive; most strangers, understandably, have a very low tolerance for displays of pique or anger or hysteria. Being harangued by a poet rarely endears a reader. I am also extremely wary of over cleverness; there is a definite limit to how much intellectual showing off a stranger can tolerate."- Ted Kooser Midwest Quarterly, 1999
*** ang susunod na tula'y mula kay Ted Kooser at nagandahan ako sa imahen na kanyang iprinisinta:
Flying at Night
Above us, stars. Beneath us, constellations. Five billion miles away, a galaxy dies like a snowflake falling on water. Below us, some farmer, feeling the chill of that distant death, snaps on his yard light, drawing his sheds and barn back into the little system of his care. All night, the cities, like shimmering novas, tug with bright streets at lonely lights like his.
*** isa pang tula mula sa kanya:
A Happy Birthday
This evening, I sat by an open window and read till the light was gone and the book was no more than a part of the darkness. I could easily have switched on a lamp, but I wanted to ride this day down into night, to sit alone and smooth the unreadable page with the pale gray ghost of my hand.
ang alam ko nung nag-birthday ako nasa opisina lang ako. nag-ooverworked. ang tula ni ted kooser ang nagpaalala sa akin na masarap magpahinga kung kaarawan mo. tama siya, bubunuin mo lang ang buong araw sa pagbabasa, ika nga kapag tumatanda ka you gain wisdom/knowledge. para kay kooser, mainam na simulan ang iyong panibagong taon sa pagpapayaman nang nilalaman at magsisimula yan sa pagbuklat ng libro.
*** last na tula mula kay Kooser:
At the Cancer Clinic
She is being helped toward the open door that leads to the examining rooms by two young women I take to be her sisters. Each bends to the weight of an arm and steps with the straight, tough bearing of courage. At what must seem to be a great distance, a nurse holds the door, smiling and calling encouragement. How patient she is in the crisp white sails of her clothes. The sick woman peers from under her funny knit cap to watch each foot swing scuffing forward and take its turn under her weight. There is no restlessness or impatience or anger anywhere in sight. Grace fills the clean mold of this moment and all the shuffling magazines grow still.
*** wish kong makanap ng ilan sa kanyang mga libro. dapat isama sa wish lists ko yan:
Official Entry Blank. (1969). Grass County. (1971). Twenty Poems. (1973). A Local Habitation and a Name. (1974). Not Coming to Be Barked At. (1976). Sure Signs: New and Selected Poems. (1980). One World at a Time. (1985). The Blizzard Voices. (1986). Weather Central. (1994). A Book of Things. (1995). Riding with Colonel Carter. (1999). Winter Morning Walks: One Hundred Postcards to Jim Harrison. (2001). Delights and Shadows. (2004). Local Wonders: Seasons in the Bohemian Alps. (2004). Flying At Night : Poems 1965-1985. (2005). The Poetry Home Repair Manual: Practical Advice For Beginning Poets. (2005).
kung may alam kayo kung saan makakabili nito na affordable pakibigay alam na lang po ninyo. tenk you!
2006 Top Five Hottest Single by a Female Fronted Band
Ok mga girls and boys na mahilig makipagyugyugan, lapit na ng end of the year kaya naglalabasan na naman ang mga Top ek-ek. Sa pagkakataon na ito, na tripan ko ang gumawa ng list para sa Limang Pinakamaangas na Single ng Isang Female Fronted Band, at sa pagkakataong din ito kasama sa criteria ko ang, guess what, testosterone. Malaking factor kasi sa akin ang salitang Hot, at kapag sinabi kong Hot kailangan ganito - Cute, Riotous, Hypnotizing, Mesmerizing, at Orgasmic. Sa mga adjectives na to ang isa sa mga basis ko kung bakit ko sila pinili. So kung ganito pala ang criteria eh mag-uunahan na ang mga Baywalk Bodies, Viva Hotbabe at Sex Bomb sa listahan na ito? Kunting reality check, siyempre kasama rin ang angas ng single na inilabas nila. Critics choice din ika nga.
So tama na ang dakdak at heto na ang listahan ng mga nakapasok sa Top Five Hottest Single by a Female Fronted Band:
Number Five
Charm Me by Wake Up Your Seatmate
This quartet of all girl rockers from St. Scholastica has something to prove. Naging finalist sila last year sa Soundskool ng Nescafe pero di sila nagpatalo. They managed to have a certain cult followers (mga kolehiyalas at naghahabol sa mga kolehiyalas) they pulled to have an album this year. Charm Me was the first single from their self-titled debut album (wow parang pang-18th birthday). Natuwa ako noong una kung napakinggan ang track na 'to dahil sa ibinabandera nila na, CHARM ME! Oo, tama ka, akitin mo raw siya and I find it CUTE. Ang track na ito ay maaring pumasa bilang isang ehhrmmm... sanitary napkin jingle. Pero in fairness, ayus ang arrangement ng kantang 'to, catchy din ang melody. Ang drawback nga lang ng awiting ito ay mahirap na di siya maikumpara sa mga awitin nila Kitchie Nadal at Barbie Almabis, ngunit, take note sa ngunit may edge sila dahil I find this song na pa-cute talaga, umaaamin na pa-cute. Walang pretensions.
Sige para ma-entice kayo heto ang picture nila:
Try na rin ninyo bisitahin ang kanilang myspace account at bumili na rin kayo ng kanilang album. (Take note: Ang kanilang second single na 'Panaginip' ay isa sa mga nagustuhan kung awitin ng isang female-fronted powerpop band)
Number Four
Molotov by Narda
Kapag pumapasok ako sa trabahong dala-dala ang Discotillion album ng Narda, marami ang nagtatanong sa akin na ka-opisina. "May Narda ba talagang banda?" Siyempre oo ang sagot ko. Tapos hihirit sila, "Ano ang genre nila?" Isang maikling "PANTY PUNK" ang sagot ko.
Hindi ko talaga nasubaybayan ang ebolusyon sa musika ng Narda. Lo-fi at garage ang tugtugan nila nung una akong nakabili ng album nila Formika. Napansin ko rin na ang pagbabago ng kanilang tunog ay kasabay sa pagbabago ng hairstyle ni Katwo, ang kanilang bokalista. Kaya di ako nagtaka nang magpaikli ng buhok si Katwo at sabay pagpasok ng panibagong tunog. Ang Molotov ang simula ng riot. Itatapon ito at sabay sasabog, pansinin ang nag-aapoy na boses ni Katwo sa unang bagsak ng linya ng awiting ito: 'hipan mo na ang salbabida'. Sa awiting ito, buong buong sinasabi ng Narda na dalhin na natin lahat ng sayawan at hatawan sa kalsada. Mala-Sugod ba ng Sandwich? Oo. Ang kaibahan lang, subtle ang atake nila at the same time mas fiery.
Number Three
Sama Na by Chillitees
Isa sa mga inisnub kong music dati ay ang Pinoy Soul. Puro kasi mga showbands (Southboarder, kahit RnB hirit nila sa genre nila at Freestyle), mga mediocre artists with bigger than life titles (Jaya, Janno Gibbs, et al). Pero nung nadinig ko ang ‘Jolog Soul’ ng Chillitees bigla na lang ako nabighani sa tunog nila. Uela’s voice is hypnotizing. Tila iduduyan ka pero may certain grooves pa rin na naiiwan.
‘Sama Na’ was taken from their album Extra Rice. Gaya nga ng hirit ng refrain nilang ‘sama na, wag ka nang magtanong. Lapit pa, ipikit ang mata’, ineenganyo ka nila na pakinggan ang kanilang musika. Ang madama ang bagong dimension ng OPM, ang bagong dimension ng soul. Wala ring pretensions ang hirit nila, kung sugar-coated ang ilang lyrics ay dahil iyon ang nagbibigay ng tamis sa kanilang melodiya. Angkop na angkop ito tuwing umuulan at humihirit ang mga linyang ‘sama na, wag ka nang magtanong.’
Number Two
Oo by Updharma Down
Number Two lang ang Updharma? Sila na ata ang may pinaka-fresh na tunog na nailabas. Hirap pa nga ang ilang kritiko kung paano sila ikaka-classify kaya sumang-ayon na lang sila sa hirit ng banda na tawaging Fusion ang tugtugan nila. Kung nakailang ulit ko na rin napapakinggan ang ‘Oo’. Sa ilang ulit nang pag-ikot ng CD, oo mesmerizing ang track na ‘to at nagawa niyang hindi ako maumay sa pakikinig. Sinabi ko na rin na ito ang pinakamagandang track sa album nila (pero sa ilang beses kong pakikinig nag-iiba ang trip ko sa mga tracks ng album nila).
Ang ‘Oo’ ay may sinseridad sa kanyang liriko, isama mo pa rito ang mapaglarong melodiya. Mahirap ding i-classify ang kantang ito: torpe song ba ‘to, love song na may panghihinayang, friendship song, jamming song atbp. Kung papansinin ng mabuti, ditto lang nagmellow ang boses ni Armi. Para bang nilalaro lang niya ang kanta. Damang dama niya ang bawat bitaw ng mga linya at sa huli madadama mo rin ang paghihinayang. ‘Sana’y nakikinig na lang ako sa Nanay ko.’
Number One
Turning My Safety Off by Sino Sikat?
Sa puntong ito, I’ll be turning my safety off. May magtataas ng kilay, who? Sino Sikat? (hate ko yung question mark sa name nila). Oo, hindi pa sila sikat ngayon, maybe next year, malay natin. Ang kantang ito ang nag-introduce sa akin kung paano ko itatackle ang usapin ng casual sex. Sa bawat pakikinig sa kantang to nakakaramdam ako ng pag-angat ng libido. Humahataw kumbaga. Kahit sa opisina ko ito pinakikinggan courtesy of yours truly myspace eh bigla na lang pumapalo ang testosterone ko. Kunting pigil lang baka masisante tayo. Sa unang dinig ng malibog, casual sex kaagad ang papasok sa utak pero palalimin mo pa ang pag-uunawa at magegets mo siya. Tungkol lang ito sa pag-iisa at pagkatapos may natipuhan ka at nais mo siyang makasama kaya kunting paseduce lang para makuha ang kanyang ninanais.
Tulad ni Armi, madadama mo ang emosyon ni Kat sa kanyang pagkanta. Sa buong areglo ng melodiya at liriko na ilalagay nila sa pedestal ang isang awiting disenteng senswal. At kung alam mo ang itsura ni Kat, ay naku! mahabaging santo, mapapa-olala ka na lang.
Itapon ko na nga ang hirit na pangmahalay, dapat depensahan ko nang maayos kung bakit number one sila:
Orgasmic. Isang salitang maaring makadescribe sa kanila (wait a minute, pangmahalay din ang hirit kong yan ah). Sige gawin nating phrase. Ito ang awiting papakinggan ng Diyos habang meron siyang katalik. Gets?
Sa mga bandang ito, maraming salamat sa pagpapainit ng taong 2006.
Matapos ang voting caravan, at on-line votes lumabas na ang resulta para sa mga nominado para sa NU Rock Awards. Siyempre popularity ang naging batayan para sa nomination. Mga fans at music lovers ang nagkaroon ng pagkakataon para mailagay ang ilan sa mga paborito nilang banda sa limelight. Siyempre, dominated na naman ng mga mainstream artists ang nominations. Nakakatuwa na ang ilan sa mga local cult favorite ay nagkaroon ng pagkakataong mainominate sa nasabing award (di ko ikakaila ang kagalakan nang makapasok ang Updharma Down sa ilang category). May nakakahinayang ding pangyayari tulad ng hindi pagkakasama ng mala-alamat na si Dong Abay. Di kasali ang kanyang album na 'Flipino' sa Best Album o di kaya ang 'Perpekto' sa Song of the Year at ang kahinahinayang, di siya napabilang sa Male Rock Icon. Ilan ba ang nagsabing idolo nila si Dong? Ilan na ba ang nagsabing malaki ang naging ambag ni Dong sa musikang Pinoy? Na mulat ang mata ni Dong? Na henyo si Dong? Na dapat manominate si dong sa National Artists? Oh well, masyadong sour graping lang. Nakakahinayang lang kasi.
Pero maganda pa rin ang kinalabasan ng popularity votes. Halata mo na kung sino kaagad ang mangingibabaw but may element of surprise pa rin sa mga award na tulad nito. Darkhorse, ika nga.
Sige na di na ako magdada, huhulaan ko na kung sinusino ang uuwing nakangiti at ang mga uuwing nanghihinayang. (for the complete list of the nominated artists, click me.)
BEST NEW ARTIST
Wagi: Updharmadown. They manage to snatch various nominations from different categories so malamang mananalo sila. Since last year, tinatawag na silang 'It' band dahil sa paghahalo ng iba't-ibang genre notably jazz, electronica, and triphop. Distinctive din ang boses ni Armi, ang bass line ni Paul Yap ang mga espiritu sa likod ng dharmang ito.
Manghihinayang: Nuff said. Rocksteedy, aside from being a campy band di rin ako nahook nang spoken words dun sa kantang 'Dedma'. Callalily, pedestrian rock? (thank you dodobird for the term) Kala. I appriciate Kala's attempt to revive the Manila Sound, or is it Sound's sound. At this point, sila ang darkhorse. 'Jeepney' was a one of the hits this year so nakagawa na sila kaagad ng pangalan. In case of Reggae Mistress, magaling sila on stage pero dahil sa hina (maybe may I underestimate their fanbase) ng popularity nila, I find them racing on the wrong side of the track.
VOCALIST OF THE YEAR
This is a tough category. Lahat ng mga nominees are good at their own rights pero dapat isa lang ang best sa kanila. And who will bag the trophy?
Who will win Jay Contreras, Kamikazee. At this point, natabunan na ni Jay ang stage performance ni Chito Miranda. With the signature headstand, nakuha na ni Jay ang tindi ng popularity para i-konsider siya isa sa mga hottest vocalist.
Ang Deserving: Armi Millare, Updharma Down. Aside from being distinct ang voice niya - garalgal na may pagkapitchy, she showed the various vocal ranges she posess. Sa track na 'Sleeptalk' she can make the birit na may angst. Sa 'Oo' she made an attempt to create a pop voice pero may halong sarcasm (the garalgal man). And she can play the keyborads with flair.
GUITARIST OF THE YEAR
Who will win & Ang Deserving MONG ALCARAZ of Sandwich & Chicosci.
BASSIST OF THE YEAR
Who will win: PAUL YAP of Updharmadown. Kapansin pansin talaga ang tunog ng UDD dahil sa bass nito. Yung ilang bass line na ginagamit ni Paul medyo pang DnB ang dating. Bumabagay talaga sa tunog nila. For most bands na guitar driven ang gitara ang nagsisilbing iespiritu ng mga kanta nila. In case of UDD, halatang nangingibabaw ang bass ni Paul Yap. At kung may isang taong tatanggalin sa UDD, siguradong di si Paul yun sapagkat siya ang kaluluwa ng kanilang tunog.
Darkhorse: LALAY LIM of Urbandub. Naikuwento ko nga sa isang ka-opisina na si Lalay ang isa mga talented na bassists sa Pinas, ang kulang nga lang sa kanya ay exposure sa mas malumanay na melodies.
DRUMMER OF THE YEAR
Ang Wagi: JAZZ NICOLAS of Itchyworms. Popularity what else. Pero maliban dun, ayos din naman si Jazz. he take turns beating the drums and doing vocals. At mahirap na trabaho rin yun.
Darkhorse: PAOLO SANTIAGO of Join The Club. Honestly, nang una kong mapanood ng live ang Join the Club, nagulat ako sa galeng ng drummer nila. Alam mo yung nasa gitna ka nang mall nanonood pero mararamdaman mo yung palo niya sa drums. Heto pa ang effects nang pinapakinggan ko yung drumming niya, para bang hindi kumakalat kung saan-saan yung beats - concentrated lang palagi sa gitna. Minsan tight ang tugtugan ng banda kapag ang nagbibigay ng command sa timing ay ang drums, at sa kaso nila, commandant ang mga palo ni Paolo.
BEST LIVE ACT
Ang Wagi: Kamikazee. Crazy antics. Funny spiels. Signature headstand. Ano pa hahanapin mo?
Dapat Manalo: Join The Club. I have never been a fan sa campy pop/rock/punk na tugtugan nila. Pero once mapanood mo sila, parang nagbabalik yung alaala ng Eheads.
Dapat Nominated: Kiko Machine. SpiderDan. SpiderDan. SpiderDance.
RISING SUN AWARD
Ang Wagi: Imago. Paano ba pipiliin ang mananalo sa award na ito. Ganito lang lagi ang criteria niyan - gumawa ng isang napakagandang album (Probably Not But Definitely Maybe) at gumawa nang pop-rock 3rd 'effort' album (Blush). Imago fans, do you get my point.
Dapat Manalo: The Itchyworms. Yes, they rocked you with 'Antipara' pero mas nilasing ka ng 'Beer'.
IN THE RAW AWARDEE
Ang Wagi: Drip. This past few years, artists with passion from different genre snatched this trophy, at di nalalayo ang Drip.One of the visible triphop acts sa Manila, nakaagaw ng pansin ang Drip with their rendition of APO's 'Kabilugan ng Buwan' na para sa akin ang pinakamagandang track sa APO's Tribute Album.
Darkhorse: Point Click Kill. Hindi magpapahuli ang pride ng Iloilo sa karera. This band fused reggae, ska, metal, and rapcore to produce a heartpounding, mind-blowing (cliche, tangnang term ko) tracks. Kapag PCK ang pinag-uusapan - Ariba!
SONG OF THE YEAR
Last year's winner is a shocker ('Ako si M16' by Junior Kilat), mangyayari pa ba ngayon ulit 'to. Let's find out.
Ang Katangi-tanging Magwawagi: "OO" by Updharmadown. 'Di mo lang alam, naiisip kita, baka sakaling naisip mo ako. Di mo lang alam hanggang sa gabi, inaasam makita kang muli'. The best thing that happened to 2006 was 'OO'.
Wag Mo Akong Ismolin: "BEER" by The Itchyworms. Papalitan ko na ang tagay soundtrack ko, mula 'Inuman Na' ng PnE patungo sa 'ibuhos na ang beer sa aking lalamunan, ahhh...'. Seriously, isa rin ito sa mga hit sa NU na kahit ginawa pang 'Beer-Lite' ay patuloy pa rin sa pagtagay sa 'Stairway to seven' ng NU.
Sayang May Laban Sana Kayo: "Perpekto", "Tuyo", "Bombardment" by Dongabay. Tinigil na ni Dong ang maging isang mapagmasid na napudpod ang tsinelas, sa pagkakataong ito naging isa siyang mapagmasid at mas lalong dinama ang kahulugan ng buhay (Perpekto), ang kalagayan ng kapaligiran (Tuyo), ang katakawan sa komersyalismo (Bombardment). "Para" by Wolfmann + . May kakaiba akong nararamdaman habang pinapakinggan ko ang kantang 'to - hindi ko alam kung bakit. Para bang nakikita mong harap-harapan si Wilfrid, kumakanta nang nakasuot ng puti damit at may puting-puting pakpak. Salamat sa musika, Wolfmann.
ARTIST / BAND OF THE YEAR
Ang Tunay na Wagi: The Itchyworms. This band deserved to be recognize. Ang dami nang pinagdaanan nila, andyan ang pagsabihan ka ni Francis Brew sa 'In The Raw' na dapat muna nilang matutunan ang magtono ng gitara hanggang sa punahin nila ang sistemang showbiz (na may halong wit and humor) sa album nila 'Noontime Show'. Kailangang masuklian ang paghihirap na pinundar nila.
BEST MALE AWARD
Ang titulo dapat dito ay, sino ang tunay na Rakista!
Ako Ang Rakista: GABBY ALIPE of Urbandub. "kahit puro heartbreaks ang awitin namon sugad, ipapakita ko sa inyo ang tunay na image ng isang RAKISTA. Di ako emo, tulad ng iba diyan. Mas dinadama ko ang heartaches na di nagbabalak maglaslas ng pulso, o bahid ng galit. Dahil ang RAKISTA, cool lang!"
Lawyer-Rocker: POCHOY LABOG of Dicta License. "gumising na RAKISTA! ang tunay na RAKISTA'y may pagmamahal sa lupang sinilangan. basta kapag gumawa ka ng lyrics tagalugin mo yung mga salitang 'imagination', 'civilazation'. at mag-rock ka tulad ni Zach"
Ako Ang Pinagbatayan ng Rock talent Search: BAMBOO MANALAC of Bamboo. Action: papahiran ang ulo, mula batok hanggang noo.
BEST FEMALE AWARD
Sino kaya ang papalit sa mga trono nila Lolita Carbon at Sampaguita?
Her Higness: AIA DE LEON of Imago. Well ganun talaga, Aia threw her guitar in favor of her dancing skills. Wala namang masama, Aia can carry herself. Sing and Dance.
1st Princess: ARMI MILLARE of Updharmadown. Keyboards & vocals. 2nd Princess: RIA BAUTISTA of Paramita. Drums & vocals.
ALBUM OF THE YEAR
Nanghihinayang ako dahil di napasama ang 'Flipino' ni Dongabay. Lyrics and melody wise, napakaganda nang album na iyon. Hindi ka mauumay sa mga kanta niya. Pero gaya nga ng naunang nasabi ko, popularity ang naging basehan ng nominations kaya wala na tayong magagawa. Nakatali pa rin ang mga tagapakinig sa musikang Yano ni Dong Abay kaya ganun. Sa pagkakataong ito, ngayong taon naging mabunga ang pagtitiyaga ng mga banda at artistang pinoy. Muli nilang binuhay ang Pinoy Rock. Sabi nga ng ilang tagapagmasid, doble sa pagdami ng mga banda. Nagsulputang parang kabute, ika nga. Madami-dami na rin ang nailabas na mga album, mga album nag-explore sa iba't-ibang genre, mga album na ginamit ang ilang nakasanayang tunog ngunit itinaas ang antas ng musika.
Sa mga nominado dalawa ang nagtatapatan ng galing. Ang 'Fragmented' ng Updharma Down at 'Noontime Show' ng The Itchyworms. Himahimayin natin ang kalakasan ng bawat isa. Sa 'Fragmented' masyadong artsy fancy ang dating ng tunog nila. Tipong Class ABC ang magkakatrip. Sila ang nagbigay ng sophistication sa Pinoy Rock. Sa kabilang banda, ang 'Noontime Show' ay isang pag-aanalisa sa masalimuot na mundo ng showbiz. Showbiz ang pinasok ng bandang The Itchyworms pero hindi sila natakot na ibunyag ang kanilang nasasaksihan. May talim ang kanilang mga awitin at nakakasugat ang kanilang pasaring. Ang album na ito ang nagbigay ng talino sa Pinoy Rock.
BEST ALBUM PACKAGING
Maangas ang packaging namin KAHLIL DE PIO and URBANDUB 'Embrace'. May nadama akong existential sa portrait ng isang tsinitang bata sa likod ng mga fern. Sa packaging na ito, malinaw na nilalahad ang kabuan ng album ng Urbandub -- kabiguan at anxiety.
What the Pack!: ELECTROLYCHEE.COM, "Blush" of Imago. Masyadong maraming nagrereklamo sa pagiging stylistic ng packaging ng Imago. Marami rin ang nagsasabing masyadong pa-cute ito. Pero isa lang ang masasabi ko, kailangan ba talagang isama ang mukha sa cover? What the Pack!
BEST MUSIC VIDEO
One and only: "MARTYR NYEBERA" of Kamikazee (Directed by Avid Liongoren). Avid is a visionary. Alam niyang gamitin lahat ng effects at alam niya kung paano gumawa ng kuwento para sa isang masayang video. Kung-fu at its finest kumbaga.
PRODUCER OF THE YEAR
Winner: NOEL DE BRACKINGHE, SWEETSPOT, UPDHARMADOWN (Fragmented - Updharmadown). Kaya nga maganda yung album na to dahil sa well-produced. Tama lang ang timpla sa lahat ng tracks plus nakakabighani yung dalawang instrumental tracks showcasing the bands ability to create an atmospheric performances.