Nagsindi ng sigarilyo ang katapat ko sa dyip. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang drayber. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang katabi ng katapat ko. Hinithit niya. Nagsindi ng sigarilyo ang katabi ko. Hinithit niya. Isa-isang nagsindi ng sigarilyo ang mga nasa dyip maliban sa akin. Sabay-sabay nilang hinithit hanggang sa mag-usok.
Mausok, ang dyip ay umuusok. Tila mga ulap na gumagapang patungo sa akin. Dahan-dahan silang pumapasok sa aking mata, nambubulag. Pumasok ang usok sa aking ilong, sa aking bunganga, sa aking tainga, sa aking puwit. Sumuksok siya sa aking kilikili, sa aking singit, sa pagitan ng aking mga daliri. Nagsusumiksik sa aking mga ngipin ang nikotina.
“Nikotina ang bumabalot sa katawan ko. Nikotina ang bumabalot sa dyip. Nikotina ang bumabalot sa mundo,” pagsusumigaw ng aking sistemang lumabo dala ng usok. “Ma! Para!” sabay hila sa pising nakasabit. Pull the string to smoke.
Pagkababa, naglabas ako ng sigarilyo. Sinindihan. Hinithit. Dahan-dahang dinama ang usok at ang nikotina. Umuusok akong naglalakad samantalang humupa na ang usok na bumabalot sa sasakyang kanina’y tila magdadala sa akin sa alapaap.
** oh well, part lang yan sa prina-project kong tuluyang tula (prose poem) na balak ko sanang isama sa Ani 33 kung sakaling aabot sa deadline. ang title ng project na ito ay 'Tatlong Tala ng Usok Lungsod'. halong beat, at surrealismo ang balak ko rito.
** lately, na-enjoy ko ang 'Turning My Safety Off' ng Sino Sikat? hindi ko alam kung anong karisma meron si Kat (ang vocalist nila), na tipong sa bawat beses na maririnig ko ang kantang ito gusto kong maghubad. heto ang kantang yun (sabay lagay ng headphone at pagtali sa mga kamay):
** yan lang muna dahil sa sobrang busy ako lately from work (may dumating na expats galing Spain at nauubusan na ako ng english 'que cabron') kaya nababawasan na rin yung time ko para makapagsulat at para makasama ang Mommy Angel ko. andami ko ring backlog na libro at buti na lang natapos ko yung earthsea trilogy ni ursula le guin ng isang upuan. tatlong libro sa iisang upuan lang yun. at ngayon sasabihin ko na, si Ursula Le Guin ang diyosa pagdating sa fantasy na bildingsroman ang dating - walang kokontra move over harry potter talaga. uulitin ko siyang basahin para ma-decipher ko ang symbolisms na ginamit niya. (naalala ko lang, nagiging literary piece ang isang fantasy kapag may symbolism raw ito aside sa pagiging poetic ng mga linya)
"who in the quest for the melancholic soul of his native city has discovered new symbols for the clash and interlacing of cultures"
Binabasa ko lang kanina sa wikipedia ang biography niya. Oh well, he's a millionaire na at the same time makakamayan na niya ang Hari ng Sweden. sabi ko matapos manalo ni Harold Pinter, tuloy-tuloy na ang political writer sa pagsungkit ng Nobel. i'm betting my ass pa naman kay Phillip Roth. well, mainit-nit pa ang kontrobersya ni Pamuk at bagong magkaroon ng 10% increase sa mga translated na libro niya sa mga local bookstore (dahil tiyak, may ilalagay na Nobel Prize Winner sa mga cover) bibili na ako ng isa.
(Disclaimer: stream of conciousness ang tirada ko rito habang nakasalamapak ang headset sa tainga ko. gumamit din ako ng pastiche para mas lalong maipakita ang ilang bagay na di ko masabi ng mabilisan.)
Discotillion is a portmanteau of Disco and Cotillion parehong elemento o terminolohiya sa sayaw at kung pag-uusapan ang tunog ng Narda, isa rin itong portmanteau. Hindi dadalawang elemento kundi samu't saring elemento - blazing synths, powerful guitar riffs, hard-pounding drums, feisty and fiery vocals, and get-up-and-dance-punk energy ang mapapansin mo sa 11 tracks album na 'to.
Recipe for Molotov
Molotov for starter is a generic incidenciary weapon. Kalimitang linalagyan ito ng Gasolina at sinisindihan ng Mitsa. Narda started the riot by throwing Molotov. Ang kantang ito'y punong-puno ng punk attitude, lyrically wise. Street riots on your stereo kumbaga. "Molotov" is a sonic grenade that combines yelps and croons, beeps and buzzes, urgency and sentiment; it has received airplay on NU107, and was voted no.1 this year by NU107 listeners on the Stairway to Seven countdown (Luis Katigbak). Mapapasayaw ka habang nagliliyab ang "Gasolina". This high-octane song reminds me of Taralets ng Imago, pero mas feisty and fiery ang vocals ni Katwo. Isama mo pa rito ang hydrocarbon fueled drum beats ni Ryan Villena. Gasolina, patakbuhin mo ako. Gasolina, paliyabin mo ako. Gasolina, paandarin ako. Gasolina, sasabog ako Nagliliyab din 'Ang Mitsa' with its angsty lyrics and burning beats was one of the best track of the album. Angst is a universal flammable theme.
Kay Lab, Ang Golden Boy
Relationship is a common theme sa album na to. Kay Lab talks about dysfunctional relationship, at tulad ng isang cotillion kailangan may mabagal na kanta, pero kahit bumagal siya kaya ka pa rin niyang ipa-sway-sway ang nakikinig. At tulad ng isang mabilis na relasyon ganun din kabilis natapos ang Halik, ngunit kahit gaano kabilis may maiiwan pa ring bahid ng mga alaala (in terms sa music, mapapa-LSS kumbaga). Longing for someone you love ang drama ng Golden Boy. Katwo can deliver subtle melancholy on this track inspite of her fiery feisty vocals from the previous tracks. Kumbaga, dito mo makikita mo yung apoy na sumasayaw pero sumasayaw ng malungkot na sayaw. Time is a factor sa kantang 100 Taon. Mas nadama ko ang mga synths dito. Para bang nakikiiyak din sila sa paghihintay.
"Alta Presyon" has a New Wave flavor but an energy all its own (Luis Katigbak) Modern – Cinderella ang dating ng kantang ito ngunit ang lyrics ang nag-hook sa akin sa kantang ito. Malinaw na pinaramdam sa akin ang kalagayan ng isang inaatake ng alta-presyon dahil sa in-love ka (mais na mais pero benta sa akin). Tuwing nanlalapit, ako’y nama’y nanabik. Tumatalon ang puso ko, bumibilis ang daloy ng dugo.
Buti nga Batang Munti (Ang Kamikazee)
Buti nga is a fast paced track. Ito yung mga tipong masarap pakinggan habang nakikipagkarerahan ka sa lumang Greenhills (oo, tama kung saan madalas magkaroon ng drag race nung 80s at early 90s). Sabi nga ni Luis Katigbak, car chase of a song: adrenaline-pumping and dangerous . At napaka-80s ng dating niya sa akin from the use of synths, to beats, and vocals (Katwo reminds me of angsty female rockers of the 80s). Medyo subtle ang lyrics ng Batang Munti. Nagtatalo sa akin ang image ng taong bangang sa drugs at manyakis (kung iisipin mo lang na si Katwo ang tinitingnan ng character sa kanta). Tawa nang tawa, tawa nang tawa. Bakit ka ngumingiti?
Kamikazee, hindi ito biro. Promise, may track talaga silang Kamikazee ang title. Para bang Narda ng Kamikazee? Ganun nga, pero hindi love song 'to. Sa una, paano kaya makakasulat ang Narda ng kantang Kamikazee. Destructive? Suicidal? Honorable death? Then they settled in describing Kamikazee's antics on stage. One of the tracks na may potential mag-rate kapag nailabas bilang single. I enjoy this track. Tamang-tamang pang-ending ng isang malupit na album.
Recommended Narda Track sa JS Prom
Dahil sa malapit na rin ang JS Prom, malugod kong hinahandog ang Narda - Cotillion Tracks. Maari ninyong patugtugin ang mga sumusunod: Golden Boy, Alta-Presyon, Kay Lab, 100 Taon, at Halik. Recommended ito sa mga taong sawang sawa na sa King and Queen of Hearts ni David Pomeranz at lahat ng mga awiting lumabas sa OST ng Zapped. Para sa JS Prom with attitude, try Narda.
Street Party/Street Riot
Kung trip na trip ninyong magpa-street party at umay na umay na kayo sa trance o remixes, try Narda's Molotov, Gasolina, Ang Mitsa, Kamikazee for a party with spank and punk.
** siyempre maraming pinagbibisihan - work, trabaho, at hanapbuhay. medyo matabang na nga rin ang mga creative juices ko kaya di makagawa ng matitinong akda. kaya sa minsanang update, post ko rito ang isang wasak na video mula sa Ok Go! gumagawa na rin sila ng pangalan sa musika pero mas wasak pa rin ang DIY video nila na to. naalala ko tuloy ang 'praise me' ni fatboy slim, sa sobrang kasimplehan ng pagkakagawa ni spike jonze eh mas lalong umastig ito. kaya do check out this video:
** ilang rakrakan note: nagpapatawag ng submission of fiction ang tambalang karl de mesa at norma wilcayco at ang pinaka-topic nito'y ang transgressive fiction. yun nga sa likhaan, kung sakaling magpasa ako ng entry (malabong sumali ako) para sa kanilang advance workshop (may isang qualification na pinasa ko) gusto ko sanang isali ang ilang transgressive na mga kuwento. pero siyempre malabong mapansin yun, lalo na't ang mabilis pumasok sa isip ng iba sa genreng ito ay 'killing without reason. fucking with reason. puffing without reason'. pero kung interested ka, sige ikakalat ko na rin:
Call for Submissions: WASAK! Stories of Pinoy Transgression and Deliverance
You are not a beautiful and unique snowflake, you are the all-singing, all-dancing crap of the world.
Revolutions are first born in the mind, move to the street, and then rise up like a conflagration to burn the whole catastrophe down.
If you feel the same way, write with an agressive spirit and have kick ass, mind fuck stories that burn like a firebrand, then we want you to give us that cool narrative.
Edited by Norman Wilwayco (author of Mondomanila) and Karl De Mesa (author of Damaged People: Tales of the Gothic-Punk), WASAK! Stories of Pinoy Transgression and Deliverance tracks the same territory that writers like Hunter S. Thompson, Irvine Welsh, Douglas Coupland and Chuck Palanhiuk have explored and mapped in all its brutality, dysfunction and senseless beauty.
This is an anthology that breaks the rules and finds personal salvation in burning the flag of mediocrity.
REQUIREMENTS:
1) Stories must be written in the transgressive fiction vein and must be set in the Philippines (not necessarily Manila). 2) Stories can be either in English or Filipino. 3) Stories must clock in at not more than 30 pages (double spaced, size 11 font, on 8 and a half by 11 paper). There is no minimum word count. 4) Stories must be submitted in RTF format with the subject heading: “Submission to WASAK_title of story_name of author” to pinoytransgressive@yahoo.com 5) Include a short biography with your contact information and a map of your immediate residence along with the person to call in case of medical emergency. 6) Deadline for all submissions is December 30, 2006 7) All accepted works will be paid with contributor’s copies. 8) All accepted authors must prepare for a round in the WASAK! fight club. If you don’t die, we guarantee you’ll come away with a full set of scars, bub.
** sa susunod na post, promise review ng discotillion ng narda o kaya yung long overdue na journal sa mga lyrics ni dong abay.
sabi sa wikipedia, noong 1905 sa ganap na araw na ito (September 27) unang na-publish ang 'Does Inertia of a Body Depends Upon Its Energy Contents' ni Albert Einstein. sa papel na ito unang naipakilala sa mundo ang formulang E = mc^2. nabago ang sistemang pang-agham nang lumabas ito, marami ang nagsulputang makabagong fields at ang ilan dito'y ang quantum physics, quantum mechanics, at kung anu-ano pang may kinalaman sa mataas na antas ng physics at chemistry.
pero matapos ang 102 years, isang simpleng quotation lang mula sa isang kuwento ang magbibigay ng karagdagang paliwanag patungkol sa masalimuot na mundo ng agham.
para kay Einstein at sa kanyang kalibugan este katalinuhan.
** noong sabado, nakatangap ako ng text mula kay mao na nagmula kay tata funilas ng LIRA. nasa podium daw siya at hinihintay ang ilang miyembro at fellows (kasama ako doon) para magbigkas ng tula. kaya dali-dali akong pumunta para maka-experience man lang ng shining moments, yun nga lang kaming dalawa lang ni tata ang andun. nang pinakilala ako ni tata, nagkamali pa siya ng tawag sa pangalan ko - tinawag niya akong 'henry villasis' (wish ko henry sy) pero ayus lang, shining moments na kumbaga (tulad ng write-up tungkol sa mga nanalo sa palanca, enrique c. villasis ako dun). binasa ko ang isang tulang aleman na sinalin sa filipino. pang-performance poetry siya pero di ko napansin na sosyalistang tula siya. pero teka, hindi naman sa tinataasan ko ng kilay ang ganung klaseng pulitikal na pananaw, di lang talaga ako maalam tungkol dun kaya hindi ako nakapagbigay ng matinding epekto habang binabasa ko yun. sana binasa ko na lang yung isinasalin kong tula ni symbrozka na 'the terrosist watching' na pinabasa sa amin ni ma'am becky sa workshop ng LIRA. malamang makakagawa pa ako ng epekto para dun (di pa ako kumpiyansa sa pagkakasalin ko).
** noong linggo pina-workshop ko yung Prusisyon. okey na sana ang reception yun nga lang masyadong neat ang pagkakagawa. napansin kasi na play safe ang tirada ko. sabi nga ni rio, 'kung sa mahjong nakakamada na ang tula'. kaya ayun sumablay. pero maganda naman ang mga suggestions na natanggap ko. gagamitin kong consideration ang payong ibingay ni charles. gagawin kong absurd ang siste ng tula.
** speaking of absurd, sinisimulan ko na gawing ang draft ng play na matagal nang naglalaro sa isip ko. actually, monologue lang siya na hinaluan ng absurd humor at surrealism. ang pamagat niya'y "Ang Agham ng Pagkamulat". masyadong pang-art film ang dating, pero ang totoo ang pamagat na yan ay halaw lang rito.
[Kuwento] Jeepney Joyride: Isang Pakikipagsapalaran
-- siyempre, pasakalye muna. ang kuwentong ito'y isang draft at sinubukan kong i-post dito. maganda naman ang response nila dahil mataas ang popularity rating nito at nailagay sa frontpage, ang taning reklamo nila'y medyo bitin siya. sa totoo lang, kabit-kabit na istorya ito kaya ayoko pang gawan ng definite na ending (pero napilitan akong gumawa). mga kuwentong sumasalaysay sa tatlong bagay na kaakibat sa kulturang pinoy - ang jeep, ang videoke bar, at ang cellphone ma ihahabi sa iisang kuwento. siyempre narito pa rin ang ilang elemento ng kabalighuan at kahungkangan ng buhay. susubukan ko siyang gawin talagang isang magandang kuwento at ipopost ko rito ang dalawa pang nakabinbing mga akda. kaya heto na po siya:
Jeepney Joyride Enrique Villasis
In God We Trust
Jackpot ngayong gabi si Temyong. Nakalimang cellphone din siya kahit ang ilan ay luma na. Tama ang hinala niya, makakadale rin siya kahit papaano sa kakarag-karag na jeep biyaheng Proj 6 – Quiapo.
“Sapat na ‘to pang-inom,” paninigurado niya sa sarili sabay para niya sa isang jeep patungong Kalaw. Sinigurado niyang naka-off ang mga cellphone. Pepestihin lang siya ng mga pinagkuhanan niya kaya mas mainam patahimikin sila. Sa pag-akyat niya sa patok na asul na jeep, rinig niya ang kumakalampag na speaker nito. Humihiyaw ang awiting Narda ng Kamikazee. Napapasipol siya habang nakangiti.
“Di muna ako manghoholdap,” nasambit niya nang napadaan sila sa simbahan ng Quiapo.
Pull The String To Stop
Halos napapapikit na si Temyong kahit umaalingawngaw ang speaker ng jeep. Nakakaantok kasi ang awiting Knife, naalala lang niya ang GRO sa isang ihaw-ihaw sa may V. Mapa. Pinaasa lang kasi ang kawawang Temyong. Pero di niya rin masisi ang babae, nang malaman ang kanyang trabaho di nagdalawang isip ang GRO na di siya sagutin.
“Paano tayo mabubuhay ng marangal kung pareho tayong nasa dilim,” ito ang madramang sinagot ng magandang GRO.
Para kay Temyong, sumpa ang awiting Knife. Gusto niyang itutok ang dala niyang baril sa driver at pasabugin ang bungo nito pero nangako si Temyong na di siya gagamit ng dahas kaya itutulog na lang niya ang kanyang kabiguan.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatakip-tainga at pagpapangap na matutulog, biglang binasag ng isang ringtone ang kanyang ulirat. Ang polytone na The Day You Said Goodnight na naka-level five ang nakaagaw sa pansin ng mga pasahero. Tiningnan nila ang tinatatawagan. Isang lalaking balot ng gintong kuwintas, gintong singsing, at gold plated na Rolex na halos hinehepa na. Idagdag mo pa na nakasandong puti at maong na shorts. Sabay nilabas ang kanyang N90.
“Hello?” na tipong pinagsisigawan niya sa buong mundo na “hoy! Ang ganda ng cellphone ko”. “Hello?” sabay tingin sa mga pasahero sabay ngisi na tipong “hoy! Mga pulubi maingit kayo sa bago kong cellphone”. “Oh, musta na padi…” na tipong humahalakhak dahil sa ingit na nabuo sa mga pasahero.
“Puta naman ‘to, nangako akong di muna dadale at heto may nanunukso pa,” wika ni Temyong sa sarili sabay pagkapa sa tagiliran. Kinapakapa ang bitbit na baril. At sa kanyang mata namuo ang isang matamis na ngiti. “Jackpot ang araw na ‘to.”
kung sinusubaybayan mo ang mga kaganapan sa panitikang filipino, marahil di mo rin maitatanggi na trip mo ring magbasa ng mga award-winning na mga akda. sa katsambahang tinamo ko, isa ako sa napabilang. ayaw mong maniwala? basahin mo ang de-lata. promis, mahalay yan (kung may infatuations ka sa mga sexy star promis makaka-relate ka).
basahin mo rin ang ibang akda, promis wasak ang bawat isa. nakakagulat nga, kapag futuristic fiction lalo na sa filipino di ko talagang maiwasang mag-isip. postmodern na pero naiiwan pa rin ang sensibility ng pagiging pinoy. wow ako kila mykel at vladimier, astig talaga sila. dati binabasa ko lang mga akda nila sa panitikan pero ngayon nakahanay ko na sila. wow, surreal ang feeling (pabayaan na ninyo akong mag-feeling bihira lang to). pero di pa rin maiwasan na may mga puristang nagtataas ng kilay patungkol sa kategorya ng futuristic fiction. wala naman daw itong pinagkaiba sa maikling kuwento ngunit para sa akin marami at isa na rito ang pagtest kung handa na ba talaga ang filipinas sa advance ng pagsusulat (inuulit ko postmodern o di kaya modern ang approach ng mga manunulat sa kategoryang ito).
siyempre nang makita ko nang naka-upload na ang mga maangas na akda, mabilis kong binasa ang mga tula ni sid gomez hilda na madalas ikuwento sa akin ni charles. magaling ngang naiapply ni sid ang elemento ng arkitektura sa mga tula niya, at ito ang nagbigay sa akin ng karagdagang lakas ng loob na kahit ano ang tinapos mo sa kolehiyo di ito magiging hadlang sa pagsusulat. incorporate what you learned, ika nga.
naintriga rin ako sa akda ni kristian cordero. may article kasi sa inquirer patungkol sa kuwento niya, medyo existential. as of now di ko pa nababasa dahil sa dami ng trabaho, nakaw lang tong pag-update ng blog. anyway, salamat pa rin kay ian sa matiyaga niyang pagpost sa mga nasabing akda. nagsisilbing tulay ang website niya sa mga manunulat at mambabasa (para di na lang pili ang nakakabasa sa mga akda ko). marami pang kuwento kayong mababasa rito mula kila ed maranan, dean alfar, soccoro villanueva,myrza sison, peter nery solis, arturo ilano. siyempre nariyan din ang dula ni clarissa estuar at ang mga sanaysay nila ed maranan, martin villanueva, at ryan edward chua.
pero siyempre may mga akda pa rin akong hinihintay. nariyan ang mga tula nila ma'am becky anonuevo, joi barrios, larry ypil, at emmanuel dumlao. ang mga nanalong kuwentong pambata ay inaasam ko rin at ang ilang dula lalo na yung 'a palanca in my mind' na talagang nakakatuwa (pinalabas siya nung awarding at superb ang performance ni eugene domingo at talagang aliw ang dulang ito). hinihintay ko rin ang akda ni eros atalia (paborito ko ngayon siya dahil sa libro niyang puno ng dalit na may halong puna at wit).
sa huli kung may libre kang oras, subukan mong magbasa malay mo dalawin ka ng musa at sa susunod na taon ikaw naman ang binabasa ko.
*** nabasa ko yung excerpt sa winning sanaysay ni Rosario Torres Yu yung "Batang Tundo". kahit ako lumaki rin ako sa Tondo, sa Gagalangin pa nga yun sa Callejon J to be exact. maraming bagay din ako naalala sa lugar na ito. dati nang di pa naayos ang mga eskinita (di pa nila tinataasan at di pa maayos ang drainage system) madalas bumaha rito tuwing high tide. kadalasan pa nga, tuwing pauwi ako galing sa Princess Urduja Elementary School dun ako inaabutan ng pagbaha. kailangan ko pang magpasuyo sa mga kapitbahay na sumampa sa likod nila para makauwi dahil takot akong lumublob sa tubig baha (taena, vain ako nung bata pa ako). kadalasan tinatawag na lang nila sila ate sally at ate dagay, yung mga nag-alaga sa amin para sunduin ako at sumampa sa likod nila para lang makauwi. isang bagay kung bakit nagsasakripisyo sila sa pagbubuhat sa akin dahil sa ayaw nilang maglaba ng medyas na mabaho dala ng tubig-baha. sa Tondo ko rin unang kinanta ang 'mga kababayan ko' ni francis m, ito ay nung may pa-kontes sa birthday party ng apo ni mang boy na nagtitinda ng coke at sprite. siyempre, mayabang ako nun kasi sino ba naman 7 years old ang kayang i-rap ang kantang yun (buti di pa uso ang mga batng metal baka nabugbog na nila ako). siyempre rap-galore ang ginawa ko hanggang sa manalo ako ng singkuwenta pesos na inubos ko sa royal na yoyo, coke na yoyo, sprite na yoyo at fanta na yoyo na binebenta rin sa tindahan nila mang boy.
sa Callejon J ako ang pinakamabilis tumakbo. di ko alam kung lampa lang talaga ang mga bata dun gaya nila totoy at randy basta karera ako lagi ang nauuna. dito rin kami naglalaro ng teks, nung una yung mga teks na halaw sa mga pelikula. pamato ko nun yung 'Maging Sino Ka Man' number 55 (di ako sure basta trip ko nun ang mga numerong pompyang). ubusan ng teks dun at dangkalan ang sistema ng bayaran. kumbaga, shoot kasama ang pamato ang drama kapag gusto mong manalo in a very desperate way, yun nga lang kapag natalo ka baka umuwi kang umiiyak o may dalawampung pirasong teks courtesy of balato (sa simula hihingi muna ako ng balato sabay ilalaban ko, this way nanalo ako lalo kung yung nagbalato sa'yo ang kalaban mo). suwerte namin nun dahil mabait yung nanay nila imelda, totoy at randy na si aling daisy. may tindahan sila sa may divisoria na puro tsitsirya. kaya minsan maramihan kami kung bumili ng mga zoom zoom (ito yung may lamang laruan o minsan pera, kapag nakakuha ka ng sampung piso puwede ka nang tumaya sa lotto dahil masuwerte ka) at pung pung (ito ang paborito kong junk food). kaya sa murang edad, nababad na ang bituka namin sa matinding MSG. nasabi ko nga palang mabait si aling daisy dahil sa laging may dagdag o may paaman ang mga binibili namin. minsan kami ang taster ng ilang bagong junk foods at kapag nabasa naman ang mga ito sa bodega nila, nagkakaroon kami ng libreng tsitsirya.
may kapitbahay din kami na sa buong Callejon J sila lang ang mayroon Family Computer. minsan nasasagap ng luma naming Sony Black and White Television ang signal ng kanilang Family Computer. sa Channel 13 pa nun. dapat gigising kami ng mga bandang ala-sais, at bubuksan namin ang TV sa nasabing channel, dahil sa wala pang palabas nang ganun oras masasagap ng TV namin ang paglalaro nila ng Contra at Super Mario. para kaming naglalaro habang pinapanood lang kung paano sila maglaro. kaming dalawa ni kuya, nag-iimagine na lang kami na may hawak na control pad at sabay ang paggalaw ng mga braso tuwing tatalon si mario o di kaya magtatambling ang sundalo mula sa Contra. pagdating ng alas-otso, mawawala na ang reception dahil sa papalitan na ito ng misa susundan ng chinesse cooking show hanggang magbioman at shaider. nung bata ako sa Callejon J, paborito kong channel ang IBC 13.
nang magbakasyon kami sa Masbate noong mag-gragrade five ako, natuluyan na talaga ang planong pagbalik ng mga magulang ko sa probinsya. huli kong naalala sa Callejon J ay noong may dala-dala akong backpack at buong pagmamayabang sa mga kaibiga kung saan ako pupunta. well, di sikat ang Masbate kaya maraming akong binibida tungkol sa probinsyang yun. magandang beaches (well isa lang naman ang resort dun), maraming baka (magsawa ka lang), at sariwang hangin (pero maalinsangan). nangako pa nga akong magdadala ng pasalubong na karmelado o pastillas de leche sa aking pagbabalik. naalala ko pa nang may magpaalam ako - sabi ko sa kanila 'Goodbye' at sinabi naman ni totoy (siya bestfriend ko dun) na masamang sabihin ang "Goodbye' parang nagbabadyang di na kami babalik. nagkatotoo naman kahit papaano, kaya hanggang ngayon di ako nagsasabi ng 'goodbye' sa mga kaibigan at kakilalang umaalis umaasam kasi ako na babalik pa sila.
ilang taon din wala kaming balita sa bahay namin sa Callejon J, ang pinakahuling balitang nalaman namin lumipat na sila totoy sa pasay. at pinaayos na rin ang ilang bahay na naroroon. ang matandang mananahi na kapitbahay namatay na dala ng breast cancer (sa kanila kami nagpapalagay ng karne o isda dahil malaki ang freezer nila at kami wala). nalugi na rin ang silk screen printing shop (dito kami nagpapatatak ng mga teenage mutant ninja turtle kapag may puting t-shirt). at ang nakakakilabot, may batang hinalay at pinatay na natagpuan sa banyo namin. minsang na-sentionalize ang balitang ito sa mga diyaryo, muli kong nakita ang lumang grills ng bintana namin na madalas kong pag-idlipan. nagbalik ang ilang alaala ng Callejon J sa aking isipan. kahit papaano, may pagbabalik tanaw pa rin akong naranasan sa eskinitang kinamulatan, sa eskinitang pinaglaruan, at sa eskinitang aking minahal.
*** sa mga oras na ito medyo may tama pa ako mula sa san mig lights na tinira namin kagabi. kasama kong uminom ang mga co-fellows ko sa LIRA (chiz, mao, repa, mic at charles) at si sir fidel rillo na isang malupit na manunulat at graphic artist. ewan ko ba kung bakit ngayon lang humina ang sarili ko sa pag-inom, siguro tanda ito na matanda na ako o di kaya mahina na ang sistema ng pangangatawan ko. kaninang umaga, medyo masakit ang ulo ko. may mga pagkakatulad ako sa tatay ko kapag may hang-over - balisa kapag nagising, kailangan umikot sa kama ng ilang beses para magising, kumukunot ang noo, kumakalam ang tiyan, at nadudumi pero walang maidumi. kaninang umaga, naalala ko ang tatay ko.
*** ayus ang kondisyon kahapon ni sir rio. andami niyang pinuring tula, best poet sigurado sa batch namin si charles. napuri rin ang gawa ko na sa totoo lang ay napakasimple ng konstruksyon. di ko sinubukang gumawa ng ilang malulupit na talinghaga. ang strength siguro nung tulang yun marahil ay nasa pagtitipid ng salita. actually bilang lang ang salitang ginamit ko at sabay inulit-ulit ko pa. medyo nahirapan pa nga ako dahil relihiyon ang paksa pero kahit papaano nailabas ko rin ang nais kong iparating (balak ko ngang gawing absurd pero naisipan ko na baka marami ang magreact kaya nagself-censored ako). ito po yung tula:
Kumpisal ng Mangingisda Enrique Villasis
Nalambat ko si Kristo sa maalong dagat at biglang pumayapa ang maalong dagat.
'Binalik ko si Kristo sa payapang dagat... Kung sakaling magalit ang payapang dagat
Si Kristo'y muli kong malalambat.
*** sa susunod na palihan sa LIRA, irony ang gustong ipatula sa amin ni sir rio. tungkol din sa sakit ng lipunan. may nakahanda na rin akong tula para rito at isa ito sa mga ikokonsidera ko (kahapon ko sinulat habang may palihan, pinabasa ko kay ezzard at nagustuhan niya):
Prusisyon Enrique Villasis
Pasan-pasan ng Nazareno ang problema ng mundo. Pasan-pasan ng mga deboto ang Nazareno.
Bumagsak ang Nazareno sa mga deboto.
Nasambit ko: 'Ganito na ba kabigat ang problema ng mundo?"
*** sa panghuli - nagsawa na ako sa LIVE. oo, astig naman sila lalo na ang I wanna dance with you, pero nakakaumay din pala. kaya naisipan kong ilagay ang isa sa mga paborito kong kanta, ang Glory Box ng Portishead. napakasexy ng kantang ito at kung pagmamasdan mo lang ang lyrics mapapa-shit ka. medyo dark ang tunog nila pero kapag narinig mo naman kumanta si Beth Gibbons, ewan ko na lang sa'yo. kung mapapanood mo ang live verion ng kantang ito, mapapanood mong may yosi pa siya habang kumakanta parang di iniisip na sisirain ng sigarilyo ang larynx niya. basta, enjoy mo na lang ang music nila.
Lagim ang laman ng bote ngunit may ilang matatapang - silang iniwan ng mahal, silang nabaon sa utang, silang lumaki sa galit ng mundong hindi kinauutangan, silang hindi anak ng Diyos.
Pinaghahandaan ang pagsalin ng likidong minarkahan ni Kamatayan patungo sa papel na kung tawagi'y buhay.
2. Bugtong, bugtong bago pumanaw ang tumbong
Mabilis kung magpataba ng palay mabilis kung kumuha ng buhay.
3. D.I.Y.
Paano magtimpla ng Morbid Shake? Kumuha ng frozen insecticide, kaskasin, ilagay sa blender. Ihalo ang cyanide at isang kutsarang fertilizer. Press on. Isabay sa ingay ng motor ang sampung Our father, dalawang Hail Mary at isang Glory Be. Awitin na rin ang Unchained melody habang sinasalin ang special concoction.