Royalties Not Included: Read at your own RISKS



Friday, April 06, 2007
[Update] Bakit Wala sa Prusisyon si Santong Busabos?

** iba ang prusisyon dito sa Manila kumpara sa Masbate. una, karamihan dito puro Nazareno ang prinuprusisyon. may maliit na Nazareno, may malaki, may tamang-tama lang. nagmumukha tuloy extension ng mga nagpapanata tuwing araw ng Quiapo ang itsura ng prusisyon dito sa balic-balic. lahat halos nakasuot ng kulay maroon na shirts, may kanya-kanyang tatak upang ipakita kung sila affliated. sa bawat baranggay ata rito may Nazareno, kaya kapag sapit ng Mahal na Araw, nagmumukhang baranggay contest ang prusisyon. 'yun nga lang wala masyadong nakakapansin.

sa Masbate naman, ang prusisyon sa Milagros (kita, relihiyoso ang lugar namin. nababagay gawing pamagat ng isang Holy Week Presentation) ay simple lang. sumusunod pa rin sila sa nakagaiang ayos ng mga santo. nung bata pa ako, halos nasaulo ko na ang mga patrong ipinaparada. pinakaprominante rito si San Pedro (kung sosyal ka, sige Saint Peter). dahil sa isang fishing town ang munisipyo, madalas lantakan ang karosa ng nasabing santo tuwing malapit na simbahan. kinukuha ang mga bulaklak na nakadekorasyon o kahit anong abubot (may ilang santa, na linalantakan ang hibla ng buhok. kung bano ang nagbabantay sa karosa malamang makalbo ito pagkauwi sa may-ari). ang mga nakuha sa karosa'y inilalagay sa lambat para makapag-akit ng mga isda. at kung minsan dekorasyon naman sa mga bangka para magdala ng suwerte at makaiwas sa sakuna ng dagat. maliban kasi sa pagiging patron ng mga sinungaling, at sabungero, mas kilala si san pedro bilang isang mangingisda. kaya raw malapit ang nasabing santo sa kapwa niya mangingisda. ang may-ari ng san pedro sa amin ay si jun de jesus o mas kilala bilang x44. nakailan na rin kasing asawa yan, kaya binansagan x44 dahil malapit na raw mag-james bond. nang minsan malapit na ang eleksyon, imbes na istatwang manok ang ilagay isang ugis ang inilagay niya. siyempre nakaka-attaract yun ng tao. karamihan sa mga sumusunod sa prusisyon nandun sa karosa iya nag-aabang. at dahil malapit si x44, todo kampanya ang ginawa niya. siympre pasimple lang. imagine na lang ninyo nang malapit na sa simbahan si san pedro. kawawang ugis, halos makalbo sa kakakuha ng balahibo. siyempre hindi sinaway ni x44 ang mga kumukuha baka mawalan siya ng botante. at simula noon, taun taon ang nasabing ugis ang laging bida pagdating ng prusisyon.

** sa probinsya, kapag Biyernes Santo bawal lahat. bawal maglaro, bawal mag-ingay, bawal kahit maligo at magsepilyo. tumitigil ang mundo. pero ngayon dito sa Manila, wala na ang mga bawal bawal na yan. heto nga ako, may trabaho pa.

isa sa pinag-uugatan ng bawal ay ang mga pamahiin. hindi na madidinig ang kampana ng simbahan simula ng alas-tres ng hapon. sabi ng mga matatana, madalas lumalabas ang aswang sa mga ganitong panahon. hinahanap naman ng mga mangkukulam ang ilang sagradong barang. naglilipana ang mga demonyo at engkanto. wala raw bisa ang simbahan. sa mga ganito ring oras, bawal kang masugatan dahil sa susunod na taon na ito gagaling. sa mga ganitong oras marami ang nagpapagupit ng buhok o kaya nagpuputol ng kuko. sa ganito ring oras epektibo ang sinugbang butiki para sa may hika (at sa ganito raw na oras humahalik ang butiki sa lupa). at pagdating ng Linggo ng Pagkabuhay, muling iikot ang mundo at babalik ang aming katinuan.

** napanood ko na rin sa wakas ang Pan's Labyrinth. over-hyped ang pelikulang ito. simple ang kuwento, dinaan sa violence para sabihing dark ang pelikula. pero bakit ko nagustuhan ang Pan's Labyrinth? una, dahil sa art directions nito. talagang captivating ang kabuuan ng kuwento. maamoy mo lahat mula sa mga lumot na nakakapit sa mga bato sa labirinto hanggang sa mandrake na nakasawsaw sa gatas. captivating din ang mga creatures na ipinakita simula mismo sa fawn hanggang sa halimaw na ang mata ay nasa kamay (si doug jones ang gumanap sa mga nasabing creatures).

maraming simbolismo ang pelikula kung tutuusin pero sa simula pa lang ayoko nang magpakaintelektwal at suriin kung anuano yun. kailangan kong mag-enjoy.

** sex, lies, and videotape ang nauna kong pinanood. ngayon ko lang na-realize kung gaano ka underrated si james spader. sa pelikulang ito gumanap siya bilang si graham, isang mahiyain ngunit seductive na sexually frustrated na 'filmographer'. sa pamagat pa lang umiikot na ang kuwento sa tatlong bagay - sex, lies, and videotape.

ayokong magbigay ng spoiler dahil mas magandang masorpresa ka sa pelikulang ito. isa lang masasabi ko, walang sex scene dito. ang karamihan ng mga sex ay nagmumula sa mga diyalogo. at kung sa palagay mo ay katulad ito dangerous liason nagkakamali ka. subtle ang ilang patawa na isinulat ni steven soderberg. hindi siya nauubusan ng wit at dark humor upang maitawid ang manonood sa mundo ng sex, lies, and videotape. hindi lang si james spader ang may magandang performance dito kundi ang buo cast.

** alam mo ba yung gusto mong makapunta sa isang lugar tapos na halos makakarating ka na nang biglang may mangyari para maudlot. ganun yung nangyari sa akin, sayang talaga.

** tuwing uuwi ako sa probinsya namin nanaginip ako ng nahuhulog na ngipin. talagang creepy experience kapag napapanaginipan ko yun. tapos sa mga susunod na araw nakasakay na ako ng barko pauwi sa amin. siguro yung panaginip na yun, premonition na siya para sabihing hindi ako matutuloy doon sa lugar na gusto kong puntahan bagkus kailangan kong umuwi sa amin. may tooth fairy siguro sa bahay namin sa probinsya at madalas niya akong tawagin.

** ang dull naman ng entry na to, wala kahit picture man lang. 'Mahal na araw,' sabi ng konsensya ko kaya hindi ko mapopost ang banned commercial ni ji jeon hyu ng sassy girl. baka magkasala pa tayo.

Posted at 07:58 pm by nosferatujoe

danfred
September 3, 2007   01:07 PM PDT
 
pare ang hina ng blog mo!!!!!!!
Enrique
April 16, 2007   08:58 PM PDT
 
ay oo, sinabi mo pa. minsan nga natatawa na lang ako kapag nakikita ko yung prusisyon na puro Nazareno na lang. ilang beses ba nagpasan ng krus si hesus at nasunog ang balat nito. :D
makoy
April 16, 2007   02:40 PM PDT
 
<i>may maliit na Nazareno, may malaki, may tamang-tama lang. nagmumukha tuloy extension ng mga nagpapanata tuwing araw ng Quiapo ang itsura ng prusisyon dito sa balic-balic.</i>

haha! scary lalo na un Catholic trad sa Mexico..
Enrique
April 13, 2007   06:35 PM PDT
 
ginagamit din ken ang oragon sa amin pero hindi kasing kahulugan ng mga taga-mainland bicol. mas bisaya ang ibig sabihin namin. ang nakakatuwa sa salitang 'oragon' ay may kakayahan ang salitang to na magbago ng ibig sabihin (at kahit uri ng salita) kung malalagyan siya ng mga panlapi/bawasan/ulit-ulitin.

yan yung sa giordano, and there is nothing wrong with the commercial. seductive masyado, yun lang. siguro sa konteksto ng mga koreano big deal na yun. :)
ken
April 13, 2007   09:36 AM PDT
 
taga masbate ka pala enrique..btw, ginagamit din ba sa Masbate ang term na Uragon? di ko kc sure kung sa Albay and/or Cam. Sur sya gamit. Di ko alam sa ibang province.

yun kay sassy girl..yun ba yung sumasayaw sya, kung yun yon di ko alam kung bkit sya na ban? hehehe
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry



   





<< April 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

Sources of Knowledges

  • Electronic Encyclopedia

  • De-kuryenteng Dyaryo ni Gates

  • Diyaryo sa Net

  • Mga Tula at Makata

  • Tula para sa Kinahong Alamat

  • Diyaryo sa Net

  • Panitikan Para sa Bayan

    Mga Kapanalig

  • Marie, the Muse, the Diva

  • Oliver, the Saint Vladymir

  • Coreen, Sue Len in California

  • Allan and Jane, the Jacklyn Jose Admirer

  • Ian, The Cursed

  • Dong Abay, Ang Bagong Flipino

  • Kiko, LIRA

  • Mary Ann, Ang Umiiyak na Alitaptap

  • Mark Angeles, Soulfly

  • Charles, Katomang Siquey

  • DodoBird's Music Review

  • Apartment ni Mykel

  • Sarah Crespo, ang Muse sa Avenue

  • Nostalgia Manila

  • I Love Honey ni Elaine

  • Waytbord nila Ergoe en Nanoy

  • Mga Murmur ni Ninong

  • Sushi Journal ni Eunice

  • Ronald, The Wind-Up Tool

    Music, the Food of the Hungry Thoughts

  • Bridge

  • Coffeeshop Conspiracies

  • Daydream Cycle

  • Acid 42

  • Hellbender

  • Kinkyhooters

  • Drip

  • Updharma Down

  • Brian Cua

    SONG OF THE MOMENT


    Habulan - Sound


    ganito pala ang mundo
    matulin ang takbo
    laging naghahabol sa pangako
    bilisan, bawat hakbang
    nahihilo
    isang ulila sa gitna nitong gulo

    sari-saring damdamin
    halu-halong hangarin
    naghahabulan

    tagumpay nalumbay
    sa kamay ng kapalaran
    o taya ka na naman
    takbo, takbo, sana’y makarating
    sa wakas ng pagkatuliro
    sa pag-ikot nitong daigdig

    habol nang habol

    pagkakataon di palalagpasin
    di magpapahuli kahit sandali
    huwag na sana maiwan muli

    bilisan, bawat hakbang
    may dalang pag-alinlangan
    papunta, pabalik
    nagbibilang ng saglit, heto na
    ba’t lagi pang natataya?

    manipis ang silip ng buwan
    di namamasdan
    ang paglipas ng oras
    nangangapa pa rin sa dilim

    habol nang habol
    sana’y makarating









  • Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




    rss feed