** nakaupo ako sa kama habang nagbabasa ng libro nang muli kong madinig ang kanta ng Death Cab for Cutie sa radyo. may kakaibang kislot akong naramdaman, hindi ko ma-explain kung bakit. minsan sa punto natin makakadama ka ng pag-ibig at magpapaka-Orpheus ka para lamang ipagpatuloy ang pagmamahalan. o di kaya ayaw mong mangyari ang ganun kaya nagbibigay ka ng assurance. 'I will follow you into the dark." ang sarap pakinggan.
(tama na ang pagiging cheesy. heto ang music video ng Death Cab for Cutie na I Will Follow You Into The Dark)
** sa kasalukuyan, binabasa ko si Raymond Carver. suwerte kasi na nakabili ako sa Booksale ng kanyang short story collection na Cathedral sa halagang forty pesos. sa kakabasa ko sa kanya halos lunurin ako sa pagkainggit sa istilo niya sa pagsusulat. pang-rabaw lang ang pagdedescribe niya sa kanyang mga kuwento ngunit kung susuriin nang mabuti may tension na nagaganap. nakokontrol din niya ang emosyon ng paglalahad at hinahayaan niya sa mga mambabasa ang kani-kanilang opinyon. ganito ang formula na kadalasang gamit niya -- nagsisimula ang kuwento kung saan ilalahad kung ano ang mangyayari (maaring pagbisita ng isang bulag na kaibigan ng asawa, o di kaya pagpunta sa bahay ng isang katrabaho) tapos sa tension na nagaganap (maiilang sa bulag na kaibigan ng asawa o sa isang peacock na nasa bahay ng katrabaho). inilalahad niya ang buong kuwento sa napaka-smooth na transistion hanggang sa dumating sa katapusan kung saan sasambulat ang ilang repleksyon (drinowing ng narrator at bulag ang isang cathedral upang ipadama sa nauna na may kakulangan din siya, o di kaya maghihiwalay ang mag-asawang pumunta sa katrabaho ng narrator dala ng hindi nila maaring ipilit ang mga bagay na ikinainggit nila). sa buong koleksyon na yun, nabihag ako sa mga kuwentong Feathers, A Small, Good Thing at Cathedral. dito inexhibit ni Carver ang kanyang pagiging genius sa larangan ng fiction.
matapos mabasa ang Feathers, naisulat ko ang 'Dyurds' isang maikling kuwento (na pinasa sa Iyas samantalang may ilang bahagi ng kuwento ang aksidenteng nabura) na halos itinutulad ko sa istilo ni Carver. hindi ko masasabing nagtagumpay ako pero nagawa ko rin kahit papaano ang magdrama sa puntong iyon. malayo sa dalawang kuwentong naisulat ko sa unang bahagi ng taon. 'For Johnny Knoxville' ay pinasa ko para sa Wasak Anthology. isa itong transgressive fic na tumatalakay (sana tumalakay siya) sa responsabilidad at sa Jackass. gusto kong ipakitang immature ang mga taong naeengganyo sa mga stunt nila Johnny Knoxville sa pamamagitan ng paggaya sa kanila. ang pinakaturning point ng kuwento ay nang kinain ng narrator ang sarili niyang anak (fetus lang yun). maraming kulang na elemento ang nasabing kuwento pero ipinasa ko pa rin. ang pangalawa nama'y ang 'Alaala' isang pseudo-literary at pa-pop na kuwento. si Jonathan Nolan at HP Lovecraft ang impluwensya sa kuwentong ito na tumatalakay sa pagiging OC at mga halimaw na may galamay. maraming tanong ang di nasagot ng kuwento dahil sa kailangang iklian ang nasabing akda para maipasa ko sa koleksyon na 'Pinoy Amazing Adventure 2' kung saan inimbitahan ako ni Vlad Gonzales na magpasa. nasa kamay na raw iyon ng management at pinag-iisipan.
** gusto ko rin mabasa si Ernest Hemingway, lalo na ang kanyang mga short stories. katulad ni Carver (idol niya si Hemingway at Chekov) pareho sila ng istilo sa pagsusulat. pareho rin kung minsan ang mga bagay na kanilang tinatalakay. kung may isang kuwento si Hemingway na gustong-gusto ko ito ang 'A Clean, Well-lighted Place'. isa itong meditation sa kalungkutan at katandaan. simple lang ang pagkakalahad ng kuwento, walang masyadong grandyosong paglalarawan pero napakalakas ng tama. isa ito sa mga kuwentong sana ako na lang ang nagsulat. sa sobra kong inggit gagawa ako ng ganyan, ipinangako ko sa sarili.
** entertainment naman bago maging seryoso ang usapan. isa munang kanta mula kay elliot smith, ang kanyang Oscar nominated na kantang 'Miss Misery':
Miss Misery – Elliot Smith
** malapit na ang April. ilang araw na lang kung tutuusin pero wala pa akong plano sa bakasyon ko sa last week ng nasabing buwan. gusto kong umuwi sa amin. namimingaw na ako sa dagat ng Masbate at ang amoy nito sa may pantalan. at pagdating ko doon, busy ang mga tao dahil kakandidato ang isa kong pinsan bilang vice-mayor. ganun sa pamilya namin, kapag gusto mong gumawa ng pangalan yumaman ka muna o di kaya kumandidato ka. uuwi ako pero di ako tutulong sa kampanya (as if my panghatak ako sa mga botante). uuwi ako para magpahinga.
** tatapusin ko ang entry na to sa pamamagitan ng isang sayaw. isipin na lang ninyo na ako si Elrand ng Kings of Convenience. ako yung naka-Adidas na jacket at puting tight-fitted na 'pajama' na halos walang brief dahil may bumabakat. isipin ninyo ako yung nagtuturo ng kakaibang swing sa mga batang ballerina. isipin ninyo ako ang magpapauso ng isang goof dance dahil seryoso ang sumasayaw (mga tinuruan) magiging isang seryosong dance craze ito. ako yan, isipin ninyo.
Kings Of Convenience - I'D Rather Dance With You
Posted at 01:11 pm by nosferatujoe
Enrique May 1, 2007 03:02 PM PDT sige mabasa nga yan kay Hempel. trip ko rin si Palahniuk pero sa nobela lang.
yung kay kay sir charlson ong, lumabas yang fixing the flat niya sa Conversion and other stories. publish ng anvil yan.
madalas ko ngang nakikita yang b-day antho ni murakami pero hindi ko pa nasusubukang basahin. :)
Ronald May 1, 2007 02:19 AM PDT Si Tess nga yung huling naging asawa ni Carver bago siya madedo hehehe.
Hindi ko pa nababasa yung istorya ni Charlson Ong na "fixing a flat". Nasa anong koleksyon niya yun?
Si Hempel idol ni Palahniuk yun. Naka-link sa blog ko yung isang istorya niyang rave ng rave si Palahniuk. "The Harvest" title. Nung nabasa ko yun napayosi ako ng wala sa oras sa sobrang lupit hehehe.
Try mo rin hanapin yung b-day stories anthology na inedit ni murakami. karamihan sa mga kuwento dun may pagka-carver na elemento pero hindi naman fully. Trip na trip kasi ni Murakami yung mga ganung klase ng istorya. Yung mga minimalist na tungkol sa mga ordinaryong pangyayari sa buhay.
Enrique April 30, 2007 07:58 PM PDT hindi ba si tess gallagher ay naging asawa rin ni carver. may nakita ako dati niyan sa booksale, yung kay tess kaya lang di ko nabili sabi ko babalikan ko kinabukasan pero pag balik ko wala na.
denis johnson, mukhang may nabasa na ako sa kanya. aalahanin ko, mukhang nasa isa siya sa libro kong best american short stories. thanks for recommending amy hempel. :)
naalala ko tuloy isang kuwento ni charlson ong na parang carver din ang dating -- 'fixing a flat' yung title.
Ronald April 30, 2007 03:47 PM PDT Try mo rin hanapin sila Denis Johnson, Tess Gallagher at Amy Hempel. Medyo kapareho nila ng tradisyon ng kwentong pinanggagalingan si Carver
Enrique April 30, 2007 03:12 PM PDT siguro nga. napakasimple kasi talaga nang approach ni carver pero ang lupit ng pagkakayari. maybe it was to the truthfulness, kung paano niya hinahandle ang mga subjects niya.
kung may gusto akong matutuhan na style kay carver yun. :D
thanks for dropping by. sige link kita. :)
Ronald April 23, 2007 02:31 AM PDT hehehe. Mahirap makuha ang style ni Carver. He writes without pretensions, without mockery--just what he sees. It sounds simple but in reality it isn't. To be truthful is hard, I guess.