Hindi bawal ang magmura. Bawal ang hindi makinig sa bagong wasak na album ng Sago. Radioactive Sago Project is back! No, hindi sila political band as the title of their newest effort suggested. No Tim Yap and No Celine Lopez this time as paradox and irony sway with every horns, beats, and strings. If their first and second attack are more of a spoken words and jazz and punk and the avant-garde, dito kumakanta si Lourd with his mob, kumakanta ang mga horns to the beat of Motown and ragtime, the strings has a more into afro-latin and funk.
George Estregan Groove Explosion gives a 70s and 80s Pinoy spy-action flick. Sayang at nagtiyaga ang Agent x44 sa novelty approach ni Vhong Navarro para sa kanilang soundtrack. This instrumental is more than a James Bond's themes. Paano kung meron kang marching band, heavy guitar riffs, growling monster, and a choir of a drunken punk mafiosos? Ang sagot,
Wasak na Wasak. Ang sosyedad nati'y wasak na wasak, ika nga sa mga lyrics ng kanta. Kaya isa sa mga wasak na wasak na track ito. Mapanuri. Kumakanta ang kalahati ng banda sa
Basagan ng Mukha, another brilliant move from the band and let the the strings and the precussions do the melodies. Sa bandang hulihan, bumanat ang mga horns na para bang binibigyan tayo ng isang eksena mula sa Tom and Jerry Cartoon Show. Habulan, hatawan, basagan ng mukha.
Pinasikat ni Ariel Ureta ang katagang 'Sa ikakaunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan' sa isang noontime show na ikinais daw ni Marcos dahil sa panggago niya sa islogan ng Bagong Lipunan. Lourd and his mob, used this phrase for social awakening dagdagan pa ng napakaraming dose ng sarcasm. Isa uling mapanuring kanta ang
Bisikleta. Kung bakit ganun, wag ka nang magtanong. Starting with a latin beat,
Alak, Sugal, Kape, Babae, Kabaong is an aural attack to the core of our conciousness. This track plays on different genre including latin beats, punk, and blues. Nakaka-LSS ang kantang ito, lalo na yung mga bisyo inilista nila at nakakasiguro silang ibabaon sa utak mo ang mga ito. And in the end, isang chant ng Kabaong madidinig suggesting na lahat ng mga mabisyong tao ay mamatay ng maaga. Hindi rin nawala ang absurd and dark humor ni Lourd sa album na ito, lalo na sa kantang
Superhatdog. Fusing comics theme song absurd reality and a little bit of reggae give this track a memorable seven-minute experience to the future. Ang instrumental track na
Raul Aragon = Ricky Torre ay isang tribute para sa isang Sampaguita Film legend. Kung nabubuhay lamang ang Sago noon at uso na ang mga OST, marahil kasama ito sa Lo Waist Gang OST.
Mambo become the flavor of
Mambo Rat (a pun on male sex organ). Habang pinapakinggan di ko maiwasang maikumpara 'to sa mga 1930s Mickey Mouse flicks (lalo na yung The Band Concert) at mga Technicolor animations ng Warner Bros. kung saan may ala-Cafe Havana na setting, punong-puno ng usok at sumasayaw ang mafiosong daga. Cubanong-Cubano ang dating lalo na't may nagmumumble ng ilang Spanish at Spanish kuno. To add further masculinity sa kanta, may mga sexual tones ang kanta lalo na sa prefrence ng babae. Ang pinaka-political sa lahat ng kanta ng Sago sa album na ito ay ang
Foodtrip. Globalization at ang epekto nito sa maliliit na magsasaka at sa tinatawag na microeconomy ng gobyerno. Ang awiting Bahay-Kubo ang ginamit na sample ng kanta at unti-unti ang naging pasada hanggang sa maging lantaran ang pagiging punk nito.
Irony ang bumubuhay sa Maynila, ito ang nais ipahiwatig ng track na
Nasusunog na ang Maynila (parang The Clash, ano?). Naging internet hit ang tula ni Pete Lacaba na 'Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan Ko Sa Mga Pelikulang For Adult's Only' -- isang mapanuring pag-aanalisa sa mga pelikulang Pinoy na tumatalakay sa prostitusyon. Isang explotation sa moralidad at pagsasa-soap-opera sa mga buhay ng mga puta. At dahil dito, isang poetry reading ang ginawa nila Lourd para mas lalong ma-immortalized ang tula ni Pete Lacaba. Kung bibigyan ng pansin, sarkastiko ang mga instrumento rito pagbibigay diin sa explotation na nagaganap para sa mga puta. Ito ang
For Adult's Only ng Radioactive Sago Project. Kung tutuusin sa simula ng kantang
Sisboombay, aakalain mo isang western film ito ngunit dahan-dahan kang dinadala sa isang pseudo rock-novelty. Ito ang sagot nila sa mga novelty songs na gaya ng Yeye Bonnel at ilang kantang Camo kung saan ginagamit ang larong bata para gamitin sa musical monopoly sa larangan ng novelty.