Matapos ang voting caravan, at on-line votes lumabas na ang resulta para sa mga nominado para sa NU Rock Awards. Siyempre popularity ang naging batayan para sa nomination. Mga fans at music lovers ang nagkaroon ng pagkakataon para mailagay ang ilan sa mga paborito nilang banda sa limelight. Siyempre, dominated na naman ng mga mainstream artists ang nominations. Nakakatuwa na ang ilan sa mga local cult favorite ay nagkaroon ng pagkakataong mainominate sa nasabing award (di ko ikakaila ang kagalakan nang makapasok ang Updharma Down sa ilang category). May nakakahinayang ding pangyayari tulad ng hindi pagkakasama ng mala-alamat na si Dong Abay. Di kasali ang kanyang album na 'Flipino' sa Best Album o di kaya ang 'Perpekto' sa Song of the Year at ang kahinahinayang, di siya napabilang sa Male Rock Icon. Ilan ba ang nagsabing idolo nila si Dong? Ilan na ba ang nagsabing malaki ang naging ambag ni Dong sa musikang Pinoy? Na mulat ang mata ni Dong? Na henyo si Dong? Na dapat manominate si dong sa National Artists? Oh well, masyadong sour graping lang. Nakakahinayang lang kasi.
Pero maganda pa rin ang kinalabasan ng popularity votes. Halata mo na kung sino kaagad ang mangingibabaw but may element of surprise pa rin sa mga award na tulad nito. Darkhorse, ika nga.
Sige na di na ako magdada, huhulaan ko na kung sinusino ang uuwing nakangiti at ang mga uuwing nanghihinayang. (for the complete list of the nominated artists,
click me.)
BEST NEW ARTISTWagi: Updharmadown. They manage to snatch various nominations from different categories so malamang mananalo sila. Since last year, tinatawag na silang 'It' band dahil sa paghahalo ng iba't-ibang genre notably jazz, electronica, and triphop. Distinctive din ang boses ni Armi, ang bass line ni Paul Yap ang mga espiritu sa likod ng dharmang ito.
Manghihinayang: Nuff said. Rocksteedy, aside from being a campy band di rin ako nahook nang spoken words dun sa kantang 'Dedma'. Callalily, pedestrian rock? (thank you dodobird for the term) Kala. I appriciate Kala's attempt to revive the Manila Sound, or is it Sound's sound. At this point, sila ang darkhorse. 'Jeepney' was a one of the hits this year so nakagawa na sila kaagad ng pangalan. In case of Reggae Mistress, magaling sila on stage pero dahil sa hina (maybe may I underestimate their fanbase) ng popularity nila, I find them racing on the wrong side of the track.
VOCALIST OF THE YEARThis is a tough category. Lahat ng mga nominees are good at their own rights pero dapat isa lang ang best sa kanila. And who will bag the trophy?
Who will win Jay Contreras, Kamikazee. At this point, natabunan na ni Jay ang stage performance ni Chito Miranda. With the signature headstand, nakuha na ni Jay ang tindi ng popularity para i-konsider siya isa sa mga hottest vocalist.
Ang Deserving: Armi Millare, Updharma Down. Aside from being distinct ang voice niya - garalgal na may pagkapitchy, she showed the various vocal ranges she posess. Sa track na 'Sleeptalk' she can make the birit na may angst. Sa 'Oo' she made an attempt to create a pop voice pero may halong sarcasm (the garalgal man). And she can play the keyborads with flair.
GUITARIST OF THE YEARWho will win & Ang Deserving MONG ALCARAZ of Sandwich & Chicosci.
BASSIST OF THE YEARWho will win: PAUL YAP of Updharmadown. Kapansin pansin talaga ang tunog ng UDD dahil sa bass nito. Yung ilang bass line na ginagamit ni Paul medyo pang DnB ang dating. Bumabagay talaga sa tunog nila. For most bands na guitar driven ang gitara ang nagsisilbing iespiritu ng mga kanta nila. In case of UDD, halatang nangingibabaw ang bass ni Paul Yap. At kung may isang taong tatanggalin sa UDD, siguradong di si Paul yun sapagkat siya ang kaluluwa ng kanilang tunog.
Darkhorse: LALAY LIM of Urbandub. Naikuwento ko nga sa isang ka-opisina na si Lalay ang isa mga talented na bassists sa Pinas, ang kulang nga lang sa kanya ay exposure sa mas malumanay na melodies.
DRUMMER OF THE YEARAng Wagi: JAZZ NICOLAS of Itchyworms. Popularity what else. Pero maliban dun, ayos din naman si Jazz. he take turns beating the drums and doing vocals. At mahirap na trabaho rin yun.
Darkhorse: PAOLO SANTIAGO of Join The Club. Honestly, nang una kong mapanood ng live ang Join the Club, nagulat ako sa galeng ng drummer nila. Alam mo yung nasa gitna ka nang mall nanonood pero mararamdaman mo yung palo niya sa drums. Heto pa ang effects nang pinapakinggan ko yung drumming niya, para bang hindi kumakalat kung saan-saan yung beats - concentrated lang palagi sa gitna. Minsan tight ang tugtugan ng banda kapag ang nagbibigay ng command sa timing ay ang drums, at sa kaso nila, commandant ang mga palo ni Paolo.
BEST LIVE ACTAng Wagi: Kamikazee. Crazy antics. Funny spiels. Signature headstand. Ano pa hahanapin mo?
Dapat Manalo: Join The Club. I have never been a fan sa campy pop/rock/punk na tugtugan nila. Pero once mapanood mo sila, parang nagbabalik yung alaala ng Eheads.
Dapat Nominated: Kiko Machine. SpiderDan. SpiderDan. SpiderDance.
RISING SUN AWARDAng Wagi: Imago. Paano ba pipiliin ang mananalo sa award na ito. Ganito lang lagi ang criteria niyan - gumawa ng isang napakagandang album (Probably Not But Definitely Maybe) at gumawa nang pop-rock 3rd 'effort' album (Blush). Imago fans, do you get my point.
Dapat Manalo: The Itchyworms. Yes, they rocked you with 'Antipara' pero mas nilasing ka ng 'Beer'.
IN THE RAW AWARDEEAng Wagi: Drip. This past few years, artists with passion from different genre snatched this trophy, at di nalalayo ang Drip.One of the visible triphop acts sa Manila, nakaagaw ng pansin ang Drip with their rendition of APO's 'Kabilugan ng Buwan' na para sa akin ang pinakamagandang track sa APO's Tribute Album.
Darkhorse: Point Click Kill. Hindi magpapahuli ang pride ng Iloilo sa karera. This band fused reggae, ska, metal, and rapcore to produce a heartpounding, mind-blowing (cliche, tangnang term ko) tracks. Kapag PCK ang pinag-uusapan - Ariba!
SONG OF THE YEARLast year's winner is a shocker ('Ako si M16' by Junior Kilat), mangyayari pa ba ngayon ulit 'to. Let's find out.
Ang Katangi-tanging Magwawagi: "OO" by Updharmadown.
'Di mo lang alam, naiisip kita, baka sakaling naisip mo ako. Di mo lang alam hanggang sa gabi, inaasam makita kang muli'. The best thing that happened to 2006 was 'OO'.
Wag Mo Akong Ismolin: "BEER" by The Itchyworms. Papalitan ko na ang tagay soundtrack ko, mula 'Inuman Na' ng PnE patungo sa
'ibuhos na ang beer sa aking lalamunan, ahhh...'. Seriously, isa rin ito sa mga hit sa NU na kahit ginawa pang 'Beer-Lite' ay patuloy pa rin sa pagtagay sa 'Stairway to seven' ng NU.
Sayang May Laban Sana Kayo: "Perpekto", "Tuyo", "Bombardment" by Dongabay. Tinigil na ni Dong ang maging isang mapagmasid na napudpod ang tsinelas, sa pagkakataong ito naging isa siyang mapagmasid at mas lalong dinama ang kahulugan ng buhay (Perpekto), ang kalagayan ng kapaligiran (Tuyo), ang katakawan sa komersyalismo (Bombardment). "Para" by Wolfmann + . May kakaiba akong nararamdaman habang pinapakinggan ko ang kantang 'to - hindi ko alam kung bakit. Para bang nakikita mong harap-harapan si Wilfrid, kumakanta nang nakasuot ng puti damit at may puting-puting pakpak.
Salamat sa musika, Wolfmann.
ARTIST / BAND OF THE YEARAng Tunay na Wagi: The Itchyworms. This band deserved to be recognize. Ang dami nang pinagdaanan nila, andyan ang pagsabihan ka ni Francis Brew sa 'In The Raw' na dapat muna nilang matutunan ang magtono ng gitara hanggang sa punahin nila ang sistemang showbiz (na may halong wit and humor) sa album nila 'Noontime Show'. Kailangang masuklian ang paghihirap na pinundar nila.
BEST MALE AWARDAng titulo dapat dito ay, sino ang tunay na Rakista!
Ako Ang Rakista: GABBY ALIPE of Urbandub. "kahit puro heartbreaks ang awitin namon sugad, ipapakita ko sa inyo ang tunay na image ng isang RAKISTA. Di ako emo, tulad ng iba diyan. Mas dinadama ko ang heartaches na di nagbabalak maglaslas ng pulso, o bahid ng galit. Dahil ang RAKISTA, cool lang!"
Lawyer-Rocker: POCHOY LABOG of Dicta License. "gumising na RAKISTA! ang tunay na RAKISTA'y may pagmamahal sa lupang sinilangan. basta kapag gumawa ka ng lyrics tagalugin mo yung mga salitang 'imagination', 'civilazation'. at mag-rock ka tulad ni Zach"
Ako Ang Pinagbatayan ng Rock talent Search: BAMBOO MANALAC of Bamboo.
Action: papahiran ang ulo, mula batok hanggang noo.
BEST FEMALE AWARDSino kaya ang papalit sa mga trono nila Lolita Carbon at Sampaguita?
Her Higness: AIA DE LEON of Imago. Well ganun talaga, Aia threw her guitar in favor of her dancing skills. Wala namang masama, Aia can carry herself. Sing and Dance.
1st Princess: ARMI MILLARE of Updharmadown. Keyboards & vocals.
2nd Princess: RIA BAUTISTA of Paramita. Drums & vocals.
ALBUM OF THE YEARNanghihinayang ako dahil di napasama ang 'Flipino' ni Dongabay. Lyrics and melody wise, napakaganda nang album na iyon. Hindi ka mauumay sa mga kanta niya. Pero gaya nga ng naunang nasabi ko, popularity ang naging basehan ng nominations kaya wala na tayong magagawa. Nakatali pa rin ang mga tagapakinig sa musikang Yano ni Dong Abay kaya ganun. Sa pagkakataong ito, ngayong taon naging mabunga ang pagtitiyaga ng mga banda at artistang pinoy. Muli nilang binuhay ang Pinoy Rock. Sabi nga ng ilang tagapagmasid, doble sa pagdami ng mga banda. Nagsulputang parang kabute, ika nga. Madami-dami na rin ang nailabas na mga album, mga album nag-explore sa iba't-ibang genre, mga album na ginamit ang ilang nakasanayang tunog ngunit itinaas ang antas ng musika.
Sa mga nominado dalawa ang nagtatapatan ng galing. Ang 'Fragmented' ng Updharma Down at 'Noontime Show' ng The Itchyworms. Himahimayin natin ang kalakasan ng bawat isa. Sa 'Fragmented' masyadong artsy fancy ang dating ng tunog nila. Tipong Class ABC ang magkakatrip. Sila ang nagbigay ng sophistication sa Pinoy Rock. Sa kabilang banda, ang 'Noontime Show' ay isang pag-aanalisa sa masalimuot na mundo ng showbiz. Showbiz ang pinasok ng bandang The Itchyworms pero hindi sila natakot na ibunyag ang kanilang nasasaksihan. May talim ang kanilang mga awitin at nakakasugat ang kanilang pasaring. Ang album na ito ang nagbigay ng talino sa Pinoy Rock.
BEST ALBUM PACKAGINGMaangas ang packaging namin KAHLIL DE PIO and URBANDUB 'Embrace'. May nadama akong existential sa portrait ng isang tsinitang bata sa likod ng mga fern. Sa packaging na ito, malinaw na nilalahad ang kabuan ng album ng Urbandub -- kabiguan at anxiety.
What the Pack!: ELECTROLYCHEE.COM, "Blush" of Imago. Masyadong maraming nagrereklamo sa pagiging stylistic ng packaging ng Imago. Marami rin ang nagsasabing masyadong pa-cute ito. Pero isa lang ang masasabi ko, kailangan ba talagang isama ang mukha sa cover? What the Pack!
BEST MUSIC VIDEOOne and only: "MARTYR NYEBERA" of Kamikazee (Directed by Avid Liongoren). Avid is a visionary. Alam niyang gamitin lahat ng effects at alam niya kung paano gumawa ng kuwento para sa isang masayang video. Kung-fu at its finest kumbaga.
PRODUCER OF THE YEARWinner: NOEL DE BRACKINGHE, SWEETSPOT, UPDHARMADOWN
(Fragmented - Updharmadown). Kaya nga maganda yung album na to dahil sa well-produced. Tama lang ang timpla sa lahat ng tracks plus nakakabighani yung dalawang instrumental tracks showcasing the bands ability to create an atmospheric performances.